• Shuffle
    Toggle On
    Toggle Off
  • Alphabetize
    Toggle On
    Toggle Off
  • Front First
    Toggle On
    Toggle Off
  • Both Sides
    Toggle On
    Toggle Off
  • Read
    Toggle On
    Toggle Off
Reading...
Front

Card Range To Study

through

image

Play button

image

Play button

image

Progress

1/47

Click to flip

Use LEFT and RIGHT arrow keys to navigate between flashcards;

Use UP and DOWN arrow keys to flip the card;

H to show hint;

A reads text to speech;

47 Cards in this Set

  • Front
  • Back

Ang Kaugnay na Pagaaral at Literatura

Sa kabanatang ito, tinutukoy ang mga pag-aaral at mga babasahin o literaturang kaugnay ng paksa ng pananaliksik.

Kaugnay na Literatura

Binubuo ng mga diskurso na totoo at prinsipyong may kaugnayan sa ginagawang pananaliksik

Kaugnay na Literatura

Kadalasang naka-imprenta gaya ng mga libro, encyclopedia, professioal journals, at iba pang nakalimbag.

Banyagang Literatura

mga literaturang mula sa labas ng bansa. Hindi Pilipino ang nagsulat.

Lokal na Literatura

mga literatura mula sa Pilipinas, Pilipino ang manunulat

Kaugnay na Pagaaral

Mga pag-aaral at imbestigasyon na dati nang naisagawa na kaugnay ng nakapropose na pag-aaral.

Kaugnay na Pag-aaral

Kadalasang hindi naka-limbag gaya ng manuscript, theses at dissertations.

Banyagang Pag-aaral

mula sa labas ng bansa ang pananaliksik; hindi Pilipino ang nagsagawa ng pananaliksik

Lokal na Pag-aaral

Pilipino ang nagsagawa ng pananaliksik; dito sa Pilipinas isinagawa ang pananaliksik

Metodolohiya ng Pag-aaral

Ito ay sistematikong kalipunan ng mga metodo o pamamaraan at proseso ng imbestigasyon na ginagamit sa pangangalap ng datos sa isang pananaliksik.

Metodolohiya ng Pag-aaral at Pangangalap ng Datos

Ito ay organisadong larangan ng pag-aaral ng mga pamamaraan at tuntunin na ginagamit sa pagtuklas ng bagong kaalaman, kalipunan, at pagkakaayos ng mga kaalamang ito

Metodolohiya ng Pag-aaral

Nilalaman ng bahaging ito ang hakbang-hakbang na pangangalap ng datos, teknik ng obserbasyon, paghihinuha,paglalahat, mga baryabol, teorya na gagamitin, paraan ng pag-aanalisa, pagsusuri ng datos, paglalarawan ng lunan ng pananaliksik, populasyon o magiging tagasagot at plano para sa presentasyon ng datos.

Kabanata 3

Sa kabanatang ito, inilalahad ang mga disenyo at pamamaraang ginamit sa pananaliksik. Kung ito ba ay Historikal o Pangkasaysayang disenyo na may pokus sa nakaraan, sa paraang Case Study o pag- aaral sa isang kaso o karanasan ng isang indibiduwal, paraang Deskriptibo na may pokus sa kasalukuyang nagaganap, sa paraang Eksperimental na may pokus sa hinaharap o disenyong naglalarawan sa nakalipas, kasalukuyan at hinaharap.

Disenyo ng Pananaliksik

Nililinaw kung anong uri ng pananaliksik ang kasalukuyang pag-aaral. Halimbawa nito ay ang Deskriptib-Analitik

Respondente

Mga tagatugon sa isasagawang sarbey,kung ilan sila,paano at bakit sila napili.

Instrumento ng Pananaliksik

Ginagamit sa pangangalap ng mga datos at impormasyon. Iniisa-isa rito ang mga bawat hakbang sa pagsasagawa ng pananaliksik. Sa bahaging ito maaaring mabanggit ang interbyu o pakikipanayam, pagsasagawa ng sarbey,pagpapasagot ng sarbey- kwestyoneyr sa mga respondent bilang pinakaraniwan paraang aplikable sa isang deskriptib-analitik na anyo.

Pakikipanayam

isang paraan ng pagtatanong upang makakuha ng datos mula sa pakikipag-usap

Pakikipanayam

Ito ay agad-agarang pagkuha ng impormasyon sa taong kinakausap.

Tagapanayam

ang nagtatanong

Kinakapanayam

tagasagot.

taong matatas, hindi mahiyain, may tamang gulang, mayaman ang alaala o matandain

magiging mahusay na pangunahing impormante o kakapanayamin

Layunin ng Panayam

makuha ang makabuluhang impormasyon sa kinakapanayam.

Maging pormal at magiliw Maging propesyunal Maging alerto at sensitibo Maging kalmado Maging magalang

Mahalagang tandaan na umiikot sa mabisang ugnayan ang tagumpay ng panayam kung kayat dapat taglayin ang mga:

Kooperasyon

Katumbas ng ugnayan ang ____________ na dapat mamagitan sa tagapanayam at kakapanayamin.

Tiyaking handa ang mga kagamitan gaya ng panulat kuwaderno, kamera, rekorder at iba pa. • Tiyaking naipadala na ang liham sa kakapanayamin kung kinakailangan. • Tiyaking magkatugma ang oras at panahon ng gagawing panayam. • Magpakilala sa isa’t isa kung unang beses nagkita sa panayam. • Ihanda at ibigay ang mga gabay na katanungan. • Bigyan ng paunang paliwanag ang kakapanayamin. • Magbihis ng angkop sa damit batay sa kakapanayamin, lokasyon at panahon.

Bago ang Panayam

Tandaan ang mga sumusunod kapag nasa aktuwal nang panayam: • Gawing kaaya-aya ang pakikipag-usap. • Hayaang mapakinggan ang pahayag ng kinakausap. • Kung nalalayo ang usapan, gumawa ng angkop na tanong o paraan upang akayin ang kinakapanayam sa angkop na paksa. • Iwasang isingit ang sariling pananaw o kasagutan sa ginawang tanong. • Huwag impluwesyahan ang kinakapanayam sa kanyang kasagutan. • Tiyaking marunong makinig at maging sensitibo.

Oras ng Panayam

Tandaan ang mag sumusunod kapag tapos na ang panayam: • Matutong magpasalamat. • Gawing tama ang pagbubuod at pagsusuri sa nakalap na datos. • Bigyan ng katiyakan ang kinakapanayam para sa proteksyon at seguridad ng mga naging kasagutan. • Kung nakarekord at naka-video, marapat na lapatan ito ng proseso ng transkripsiyon. • Tiyaking ipapakita ang nakalap na impormasyon sa kinapanayam upang matiyak na ang lahat ay tama.

Pagkatapos ng Panayam

Pormal (uri ng pakikipanayam)

may ginagawang pakikipagtipan sa kakapanayamin sa isang takdang araw, takdang oras at takdang lugar. Isang harapang pag-uusap ng reporter at ng kaniyang kinakapanayam.

Hindi Pormal

Isang pakikipanayam na walang ginagawang pakikipagtipan sa isang taong kakapanayamin. Tinatawag din itong “Ambush Interview”. Ito’y biglaang pagtatanong sa mga taong kakagaling sa isang mahalagang pangyayari na nangangailangan ng pangmadaliang kabatiran

Pakikipanayam na nagbibigay kaBAtiran

Isinasagawa upang makakuha ng impormasyon mula sa isang taong may kinalaman sa bagong ideya, isang taong nakasaksi sa isang pangyayari o sa isang taong maaaring mapagkunan ng balita.

Opinyon

Isinasagawa upang makakuha ng komentaryo o opinyon mula sa taong bantog o kilalang awtoridad.

Lathalain

pakikipanayam sa isang sikat na tao o sa isang taong may makulay na karanasan upang makakuha ng kaalamang sa kaniyang katauhan na magiging kawili-wili sa madla.

Pangkat

Iisa ang tanong na sinsasagot ng mga kinakapanayam at sa pasumalang (ramdom) na pagtawag.

Simposyum

Nagtatanong ang mga reporter ng mga magkaugnay na tanong sa bawat kapanayam na dalubhasa sa napiling laranagng pinaghanguan ng katanungan. Ang bawat kapanayam ay dalubhasa sa kani-kanilang linya.

Pandiyaryo

Pakikipanayam ng maraming reporter sa isang taong kilala gaya ng pangulo ng bansa o ng isang tanyag na dayuhan at iba pang may kinalaman sa pambansang aktibidad.

Imersiyon

Madals itong gawing paraan ng pangangalap sa disenyong QUALITATIVE. Karaniwang ginagamit sa dokumenatsyon upang mas maging buo at komprehensibo ang datos

Imersiyon

layuning maipabatid ang panlabas, panloob, ibabaw at ilalim ng kuwento sa likod ng datos.

Imersiyon

Naglaan ng matagal na panahon ang mananaliksik sa pamamagitan ng pakikipamuhay sa komunidad na pagkukunan ng datos. Isinasabuhay ng mananaliksik ang karanasang ginagawa ng mga pagkukunan ng datos. Sa ganitong paraan mas nararamdaman ng mananaliksik ang mismong pakiramdam ng kinunan niya ng datos kaya’t naipapahayag niya ng mas malalim na interpretasyon sa paksang pinag-aaralan.

Sarbey

Isang metodo na ginagamit upang mangalap ng datos sa sistematikong pamamaraan sa isang tiyak na populasyon o sampol ng pananaliksi

Sarbey

Inilalarawan ng ____ ang isang kondisyon ngpaksang pinag-aaralan. Sakop din ng _____ ang sensus at sampol.

Sarbey

Layuning maglarawan, maglahad, magsalaysay, mangatuwiran ng tiyak na bilang ng kasagutan ng nasasakop na papolasyon sa pag-aaral

Pagpapadala ng katanungan • Pagtatala • Harap-harapang panayam • Pagtawag sa telepono • Pagbibigay ng survey questionnaire na aktuwal na pasasagutan • Pagpapadala ng e-mail • Pagpapasagot sa mga social networking sites

Isinasagawa ang sarbey sa pamamagitan ng:

Maayos na pagdodokumento, Kapalit ay Proteksiyon

Bukod sa pagsasaayos ng mga dokumento upang mapakinabangan sa sistematikong pagsulat sa pananaliksik, mahalagang maayos at maingat ang pagkuha at pagpapalabas ng iba’t ibang dokumento upang proteksiyonan ang sarili at higit sa lahat ang seguridad at pagiging pribado ng mga impormasyon kaugnay sa mga pananaliksik na may maselan o kritikal na isyu.

Ingatan ang Dokumento

Hindi kailangang ilantad ang personal na kasagutan at pakakakilanlan ng mga impormante. Bilang mananaliksik, dapat maipabatid ang bagay na ito sa kanila (impormante) upang pagkatiwalaan ang isinasagawang pangangalap ng datos kaugnay ng pananaliksik.

May proseso sa pagkuha ng Dokumento

Hindi madalian ang pagkuha ng mga dokumento. Walang aayusing dokumento kung hindi ito makukuha sa maayos at tamang paraan. Upang ito ay mangyari, mahalaga ang paghingi ng pahintulot sa pamamagitan ng liham o panghingi ng pahintulot sa pamamagitan ng berbal na pakikipag-usap. Dapat tandaan na hindi dapat galawin o pakialaman ang mga dokumento na hindi nasasakop ng pananaliksik.

Sinupin ang iba't ibang dokumento

Itago ang mga dokumento sapagkat ito ay pananagutan ng mananaliksik. Tiyaking ang mag larawan, transkrispiyon ng usapan at iba pang sensitibong usapin ay mananatili lamang sa pagitan ng mananaliksik at pinagkunan ng datos at dokumento.

Bawal ang plagiarism

Gamit ang tamang pagsasaayosng mga dokumento o datos, agad na makikita kungtuwiran ba ang isinasagawang pagsipi o pagkopya sa ideyang iba na hindi dapat mangyari. Tiyaking may pahintulotang orihinal na nagbigay ng ideya o dumaan sa angkop naproseso upang magamit ang nais na lol bahagi ngnaunang dokumento.