• Shuffle
    Toggle On
    Toggle Off
  • Alphabetize
    Toggle On
    Toggle Off
  • Front First
    Toggle On
    Toggle Off
  • Both Sides
    Toggle On
    Toggle Off
  • Read
    Toggle On
    Toggle Off
Reading...
Front

Card Range To Study

through

image

Play button

image

Play button

image

Progress

1/21

Click to flip

Use LEFT and RIGHT arrow keys to navigate between flashcards;

Use UP and DOWN arrow keys to flip the card;

H to show hint;

A reads text to speech;

21 Cards in this Set

  • Front
  • Back
Tayutay
Ito ay isang salita o grupo ng mga salita na ginagamit upang makapagpahayag ng emosyon o upang makalikha ng mas malalim na kahulugan. Ang mga salita sa tayutay ay hindi literal, bagkus ito ay patalinghaga at ginagamit bilang simbolo.
Pagtutulad/Simili
Ito ay isang payak na paghahambing ng dalawang magkaibang bagay na ginagamitan ng mga pariralang: tulad ng, gaya ng, animo, kawangis ng, kasing- at sing-.
Pagwawangis/Metapora
Ito ay isang tuwirang paghahambing ng dalawang magkaibang bagay na ginagamitan ng mga pariralang: wangis ng, para ng, tulad ng at at iba pa.
Pandiwantao/Personipikasyon
Ito ay pagsasalin ng talino, gawi at katangian ng tao sa mga karaniwang bagay. Pinakikilos ang mga ito sa tulong ng pandiwa.
Pagmamalabis/Hayperboli
Pagpapahayag ng lubhang pinapalabis o pinakukulang ang tunay na kalagayan ng tao, bagay o pangyayari.
Pasagusay/Retorikal na Katanungan
Isang tanong na karaniwa'y kasunod ng pantawag na di nangagailangan ng kasagutan, manapa'y naglalayong bigyang-diin ang isang uri ng damdamin.
Pagpapalit-saklaw/Sinekdoke
Sa pagpapahayag na ito ay binabanggit ang isang bahagi ng isang bagay para sa kabuuan ng bagay o kabuuan bilang bahagi.
Pag-uyam/Ironiya/Parikala
Sa pabalintunang pagpapahayag, ang tao o bagay ay kinukutya sa pamamagitan ng mga salitang parang pumupuri subalit kung uunawaing mabuti ay pangungutya ayon sa paraan at himig ng pagkakasabi.
Pagtanggi/Litotes
Gumagamit ng salitang hindi upang magbigay ng kaukulang di pagsang-ayon sa sinasabi ng salitang sumusunod.
Paglulumanay/Euphemism
Ito ay pagpapahayag na gumagamit ng malumanay at magandang pananalita upang tukuyin ang isang pangyayari na maaaring kung sasabihin ng katiyakan ay masakit o pangit sa pandinig.
Panawagan/Apostropi
Kalimitang ginagamit sa tula. Hinihirayang pakikipag-usap ng persona sa tula sa isang nilalang, hayop o bagay.
Pasintunog/Onomatopeya
Paggamit ng mga salitang ang tunog ay nagmumungkahi ng diwa at nagpapahiwatig ng tunay na kahulugan.
Oksimoron
Pinagtatambal at pinagsasama sa isang pahayag ang dalawang magkasalungat na salita o pang-uri.
Maikling Kwento
Ito ay isang sangay ng salaysay. Mayroon itong tagpuan, tauhan at paksang diwa na nagtataglay ng natatanging katangian: iisang kakintalan, may isang pangunahing tauhang may suliranin na dapat lutasin, tumatalakay sa madulang bahagi ng buhay, may mahalagang tagpo, may mabilis na pagtaas ng kawilihan hanggang sa kasukdulan na madaling masundan ng wakas. Ang bahagi nito ay kinabibilangan ng mga sumusunod: Simula, Saglit na Kasiglahan, Kasukdulan, Resolusyon at Wakas.
Tunggalian
Tao laban sa mga sumusunod: Kapwa Tao, Kanyang sarili, Lipunan, Kalikasan at Diyos.
5 Uri ng Maikling Kwento
1. Kwento ng Katutubong Kulay (Kapaligiran)
2. Kwento ng Pakikipagsapalaran (Pangyayari)
3. Kwento ng Kababalaghan (May bagay na hindi kapani-paniwala)
4. Kwento ng Katatawanan
5. Kwento ng Tauhan
Gabay na Tanong
1. Sino-sino ang mga tauhan sa kwento, ilarawan ang bawat isa.
2. Saan ito nangyayari?
3. Ano ang tunggaliang nangingibabaw sa kwento? Patunayan ito.
4. Paano ito hinarap ng pangunahing tauhan?
5. Nagtagumpay ba siya? Bakit?
6. Anong problemang panlipunan na tinatalakay sa kwento?
7. Makatotohanan ba ang inilalahad sa kwento? Patunayan.
8. Paano nagtapos ang kwento?
Panitikang Pambata
Natatanging panitikan na naayon lamang sa target audience nito.
Enchantment
Pag-alam sa kinahihiligan o interes at pangangailangan ng mga mambabasa.
Mga Elemento ng Panitikang Pambata
1. Repetisyon/Pag-uulit
2. Pandiwantao/Personipikasyon
3. Enumerasyon/Pag-iisa - pagtukoy sa mga bagay na nakikita sa isang eksena.
4. Pagkakasunod/Progression
5. Aliterasyon/Pag-uulit - pag-uulit ng mga tunog ng isang katinig, maging sa simula o magkakalapit na pantig o salita.
6. Gintong Aral
Uri ng aklat ayon sa edad
0-2: Aklat na walang banghay, malaki ang ginagampanan ng may kulay na ilustrasyon at aklat lamang ito ng mga konsepto at ideya.
2-4: Aklat ukol sa pang-araw-araw na gawain at kagamitan, magaganda dapat ang ilustrasyon, kawili-wili ang mga tauhan tulad ng mga hayop at aklat ukol sa alpabeto at pagbilang, nursery rhymes at mga kwentong bayan na may paulit-ulit na eksena.
4-7: Mga kwentong bayan, tulang may tugma at ritmo at mga aklat ng impormasyon tulad ng diksyunaryo/talasalitaan at almanac.
7-9: Kwento ng realismo at nobelang may payak na banghay.
9-12: Nobela na may panumbalik (flashback) at simbolismo, aklat na naglalaman ng makasaysayan at maagham na katha at mga kwento ng tagumpay, barkada, kaibigan at reyalistikong kwento ukol sa hayop.