• Shuffle
    Toggle On
    Toggle Off
  • Alphabetize
    Toggle On
    Toggle Off
  • Front First
    Toggle On
    Toggle Off
  • Both Sides
    Toggle On
    Toggle Off
  • Read
    Toggle On
    Toggle Off
Reading...
Front

Card Range To Study

through

image

Play button

image

Play button

image

Progress

1/30

Click to flip

Use LEFT and RIGHT arrow keys to navigate between flashcards;

Use UP and DOWN arrow keys to flip the card;

H to show hint;

A reads text to speech;

30 Cards in this Set

  • Front
  • Back

Sino ang dapat makilala ng bawat kaanib sa Iglesia Ni Cristo na tiwala at pag-asa mula pa sa kabataan?

Ang Panginoong Diyos

Sino ang dapat kilalanin ng tumitiwala sa Diyos na kaniyang pinagmulan?

Ang Panginoon ang kumuha sa atin sa tiyan ng ating ina

Ano ang dapat laging alalahanin ng mga tao ng Diyos lalo na ng mga kabataan?

Alalahanin ang Maylalang bago dumating ang masamang araw

Bakit may mga kabataan na nagugumon sa kasamaan?

Lumalakad ng lakad ng kanilang kalooban at sa paningin ng kanilang mga mata

Ano ang dapat malaman ng mga kabataan na lumalakad nang ayon sa kanilang kalooban?

Dadalhin sila ng Diyos sa kahatulan

Kanino hindi dapat labis na magtiwala ang mga kabataan?

Huwag magtiwala nang labis sa kaibigan

Bakit hindi dapat magtiwala nang labis sa mga kaibigan?

Ang masasamang kasama ay sumisira ng magagandang ugali

Ano ang ipinagbabawal ng Diyos sa nanghahawak sa turo?

Huwag tayong pumasok sa landas ng masama, at huwag tayong lumakad ng lakad ng masamang tao; ilagan natin, huwag daanan: likuan natin at magpatuloy tayo sa tamang landas

Kailan dapat magsimula sa pagtanggap ng turo ang bawat tao ng Diyos?

Mula pa sa kabataan

Ano ang pangako ng Diyos sa mga hindi lumilimot sa Kaniyang kautusan?

Magtatamo ng lingap ng Diyos

Ano ang isa sa mga itinuturo ng ating Panginoong Jesucristo tungkol sa panalangin?

Kailangan tayong manalanging lagi

Bakit kailangan tayong magsipanalanging lagi?

Upang hindi tayo madaig ng tukso

Paano nadadaig ng tukso ang isang tao?

Kapag napatangay siya sa masamang hilig

Kung magkaroon tayo ng mga suliranin o anumang kabalisahan sa buhay, ano ang itinuturo ng mga apostol na dapat nating gawin?

Idulog natin sa Diyos ang ating mga kabalisahan sa pamamagitan ng panalangin

Sa kaninong pangalan dapat nating hingin ang anumang bagay na hinihiling sa Diyos sa ating pananalangin?

Hingin natin sa pangalan ni Jesucristo

Sinong lumalapit sa Diyos sa pamamagitan ng panalangin ang tiyak na kalulugdan Niya?

Ang nagpapakababa sa harapan ng Diyos

Ano ang isa sa mga ayaw ng Diyos na masumpungan sa mga nananalangin?

Ang pagpapaimbabaw—kaya lamang nananalangin ay upang makita ng mga tao

Bakit kahit tinuruan na ng Diyos ay pinili pa rin ng tao ang sumpa?

Binulag ni satanas ang pag-iisip upang huwag sumilang ang kaliwanagan ng mga salita ng Diyos

Ano ang karaniwang ipinambubulag ni satanas?

Ang mga bagay na nauukol sa buhay na ito

Upang huwag tayong mabulag o madaya ni satanas, sa ano natin dapat ituon ang ating paningin?

Huwag sa mga bagay na nakikita kundi sa mga bagay na di nakikita

Ano ang itinuturo sa atin ng Biblia upang huwag mabulag ng diablo?

Huwag tayong magkulang ng pananampalataya

Ano ang dapat gawin upang huwag magkulang ng pananampalataya?

Tumiwala sa Panginoon nang buong puso

Sa ano hindi dapat magtiwala ang mga tunay na tao ng Diyos?

Sa karunungan, kapangyarihan, at kayamanan ng sanlibutan

Ano ang malaking panganib ng mga hinirang sa mga huling araw?

Ang malaking galit ng diablo, sa pagkaalam niya na kaunting panahon na lamang mayroon siya

Sa ano tayo pinapag-iingat ng Diyos?

Ingatan natin kung paano tayo namumuhay

Paano ba tayo dapat mamuhay?

Mamuhay tayong tulad ng matalino at di tulad ng mga mangmang

Paano tayo makapamumuhay tulad ng matalino at di tulad ng mangmang?

Masama man ang takbo ng daigdig, samantalahin natin ang bawat pagkakataon sa paggawa ng mabuti

Ano ang itinuro ni Cristo sa mga alagad Niya upang hikayatin silang manalig sa magagawa ng Diyos para sa Kaniyang mga lingkod?

Ang mga ibon ay hindi naghahasik ngunit pinakakain ng Diyos—tayo’y higit na mahalaga kaysa mga ibon

Dapat ba tayong madaig at panghinaan ng loob kung magdanas tayo ng matinding kahirapan?

Di tayo dapat manghina kahit nasa kahirapan

Ano ang pangako sa atin ng Diyos kapag Siya ang pinili nating Tagapagsanggalang?

Di tayo mapapahamak at hindi darating sa atin ang paghihirap