Use LEFT and RIGHT arrow keys to navigate between flashcards;
Use UP and DOWN arrow keys to flip the card;
H to show hint;
A reads text to speech;
19 Cards in this Set
- Front
- Back
Ano ang ibinabala ng Biblia na mangyayari sa daigdig sa mga huling araw? |
Mababatbat ito ng kahirapan at panganib |
|
Dahil dito, ano ang hindi kataka-takang nararanasan ng tao sa mundo? |
Ang kapighatian—ipinagpauna ito ni Cristo |
|
Ano pa ang masaklap na mararanasan ng tao ayon sa ipinagpauna ng Biblia? |
Maghahanap ng kapayapaan ngunit biglang darating ang pagkawasak |
|
Bakit napakahalaga na ang tao ay magtamo ng kapayapaan sa Diyos? |
Sapagkat ang tao’y nahiwalay at naging kaaway ng Diyos dahil sa kasalanan |
|
Ano ang hatol ng Diyos sa mga taong hiwalay sa Kaniya at kaaway Niya? |
Kamatayan sa dagat-dagatang apoy |
|
Paano muling malalapit sa Diyos ang mga tao na nalayo o nahiwalay? |
Sa pamamagitan ng dugo ni Cristo |
|
Paanong sa pamamagitan ng dugo ni Cristo ay malalapit ang tao sa Diyos? |
Kapag natubos ng dugo ni Cristo ay mapapawalang-sala, magiging kasundo ng Diyos, at maliligtas sa hatol |
|
Sa harap ng Diyos, ano ang kalagayan ni Cristo at ng Iglesia na Kaniyang katawan at ano ang kahalagahan nito? |
Isang taong bago—sa ganito ginagawa ang kapayapaan |
|
Dahil dito, ano ang natitiyak ng mga kaanib sa Iglesia Ni Cristo? |
Hindi na parurusahan sapagkat nakipag-isa na kay Cristo |
|
Ano ang pananagutan nating mga nagsipagtamo ng kapayapaan sa Diyos habang hinihintay natin ang muling pagparito ni Cristo? |
Pagsikapang masumpungan sa kapayapaan o sa Iglesia nang walang dungis at walang kapintasan |
|
Sinong kaanib sa Iglesia Ni Cristo ang tiyak na hindi mapapahiya sa ikalawang pagparito ni Cristo? |
Ang nananatili kay Cristo |
|
Papaano ang pananatili kay Cristo? |
Manatiling sanga na nakakabit sa puno na si Cristo |
|
Maliligtas ba ang sanga na hindi nanatili kay Cristo? |
Ang gayong sanga ay susunugin |
|
Anong uring tagapangaral ang hinahanap ng mga tao sa kasalukuyang panahon bilang katuparan ng ibinabala ng mga apostol? |
Mga gurong magtuturo ng mga gusto lamang nilang marinig |
|
Bakit marami ang nahihikayat ng mga bulaang tagapangaral? |
Sila’y sa sanlibutan, kaya mula sa sanlibutan ang itinuturo nila, at nakikinig sa kanila ang sanlibutan |
|
Paano natin makikilala ang mga taong sa Diyos? |
Ang sa Diyos ay ang nakikinig sa mga apostol ni Cristo |
|
Sino ang tiniyak ni Cristo na papasok sa kaharian ng langit? |
Ang sumusunod sa kalooban ng Ama |
|
Alin ang kalooban ng Ama na dapat sundin ng lahat ng tao? |
Ang tipunin kay Cristo ang lahat |
|
Ano ang katumbas ng “tipunin” kay Cristo? |
Pag-isahin kay Cristo ang lahat |