• Shuffle
    Toggle On
    Toggle Off
  • Alphabetize
    Toggle On
    Toggle Off
  • Front First
    Toggle On
    Toggle Off
  • Both Sides
    Toggle On
    Toggle Off
  • Read
    Toggle On
    Toggle Off
Reading...
Front

Card Range To Study

through

image

Play button

image

Play button

image

Progress

1/28

Click to flip

Use LEFT and RIGHT arrow keys to navigate between flashcards;

Use UP and DOWN arrow keys to flip the card;

H to show hint;

A reads text to speech;

28 Cards in this Set

  • Front
  • Back

Paano natin magagawa ang makabuluhang paggunita sa ika-95 kaarawan ng kapanganakan ng Kapatid na Eraño G. Manalo, ang Tagapamahalang Pangkalahatan na pinapagpahinga na ng Diyos?

Gamitin natin itong pagkakataon upang tiyakin na nananatiling matibay ang ating kaugnayan sa Pamamahala ng Iglesia.

Gaano kahalaga ang pananatili ng ating kaugnayan sa Pamamahala?

Ang pakikipagkaisa sa Pamamahala ay ang ikapananatili ng pakikipagkaisa natin sa Diyos at kay Cristo

Sino ba ang naglagay ng Pamamahala sa Iglesia at bakit?

Inilagay ng Diyos ang Pamamahala upang ipahayag ang salita ng Diyos

Ano ang ibubunga kapag tinutupad natin ang mga salita ng Diyos na itinuturo ng Pamamahala?

Sasaatin ang Diyos kung isasagawa ang natutuhan sa mga namahala sa atin

Paano ipinararating sa atin ng Pamamahala ang mga salita ng Diyos na dapat nating tuparin upang ang Diyos at si Cristo ay makisama sa atin?

Sa pamamagitan ng salita at ng sulat

Paano naaabot ng pagtuturo ng Pamamahala ang mga kapatid na nasa iba’t ibang dako?

Nagsusugo sila—tulad ng pagsusugo ni Apostol Pablo kay Timoteo

Paano natin mapatutunayan ang ating pagkilala at paggalang sa Namamahala sa atin?

Sumunod at pasakop sa nangangasiwa

Tangi sa pagkilala at paggalang, ano pa ang dapat iukol sa ating Namamahala?

Lubos natin silang pakamahalin

Ano ang patuloy nating dapat ipanalangin ukol sa Pamamahala alang-alang sa kapakanan ng ating kaluluwa?


Ipanalangin natin na tulungan sila ng Diyos na maipahayag nang buong tapang ang hiwaga ng Kaniyang salita

Ano ang itinagubilin ng mga apostol sa mga hinirang at tinawag ng Diyos?

Dapat magpakatatag at huwag manlupaypay

Ano ang saligan ng ating pagkahirang kaya dapat tayong maging matatag?

Ang panatag na salita ng hula tungkol sa ating kahalalan

Paano natin mapatutunayang tayo’y matatag at matibay sa pagkatawag?

Makipagbaka tayo ng mabuting pakikipagbaka sa lahat ng kalaban ng ating pananampalataya

Paano ang mabuting pakikipagbaka ayon sa pagtuturo ng mga apostol?

Ingatan ang pananampalataya at tapusin ang takbuhin

Alin ang tinutukoy na takbuhin ng bawat isa sa atin?

Ang ating mga tungkulin sa Iglesia

Ano ang dapat nating gawin upang makatapos tayo ng ating takbuhin?

Magtumulin tungo sa hangganan

Ano ang kasamaan ng nag-aalinlangan?

Kapag humingi siya sa Diyos ay hindi siya tatanggap ng anumang bagay

Ano ang isa sa mga kahayagan ng pag-aalinlangan?

Ang nag-aalinlangan ay walang tiyaga

Alin ang dapat pagtiyagaan upang mapatunayan ang kawalan ng pag-aalinlangan?

Matiyagang ingatan ang mga salitang ipinangaral sa atin

Ayon sa hula ng Biblia, ano ang katangian ng mga kaanib sa Iglesia Ni Cristo sa mga huling araw?

Matiyaga sa pagtupad sa mga utos ng Diyos, kaya kung sila’y mamatay ay mapalad

Sino ang isa sa mga sumunod na lubos at hindi humiwalay sa utos sa kabila ng mga kalamidad na dumating sa kaniyang buhay?

Si Job, na nagpuri pa rin sa Diyos sa kabila ng lahat ng pagsubok sa kaniyang buhay

Ano rin ang dapat ipamalas ng mga kaanib sa Iglesia Ni Cristo upang makatiyak ng pagtanggap ng pangako?

Magsikap at huwag tamad sa paglilingkod

Sa ano itinulad ang pagsisikap ng isang kaanib sa Iglesia Ni Cristo sa pagtupad ng kaniyang tungkulin lalo na sa pagsamba sa Diyos?

Sa usa na nasasabik sa tubig ng mga batis dahil sa pagkauhaw

Paano nahayag ang kawalan ng pananampalataya ng Israel sa Diyos?

Hindi sila nagtiwala na maibibigay ng Diyos ang kanilang pangangailangan

Anong uring pananalig ang hinahanap ng Diyos sa lumalapit sa Kaniya?

May tapat na kalooban at matibay na pananalig sa Kaniya

Bakit dapat maging matatag ang ating pag-asa at hindi dapat mag-alinlangan sa Diyos?

Sapagkat tapat ang Diyos na nangako sa atin

Ano ang ipinagbabawal sa mga humihingi sa Diyos?

Huwag ipangahas ang nalalaman

Sa halip na magtiwala sa sariling kakayahan, kanino dapat itiwala ang buhay?

Sa Diyos tayo magtiwala, Siya ang ating tawagan

Gaano katatag ang nagtitiwala sa Diyos?

Hindi matitinag ang nagtitiwala sa Panginoon kundi mananatili magpakailanman