• Shuffle
    Toggle On
    Toggle Off
  • Alphabetize
    Toggle On
    Toggle Off
  • Front First
    Toggle On
    Toggle Off
  • Both Sides
    Toggle On
    Toggle Off
  • Read
    Toggle On
    Toggle Off
Reading...
Front

Card Range To Study

through

image

Play button

image

Play button

image

Progress

1/74

Click to flip

Use LEFT and RIGHT arrow keys to navigate between flashcards;

Use UP and DOWN arrow keys to flip the card;

H to show hint;

A reads text to speech;

74 Cards in this Set

  • Front
  • Back

Konsepto

isang plano na nagpapakita kung ano at saan direksyon patungo ang paksang nais pagtuunan.

Konseptong papel

tinatawag ding pang-unang mungkahing papel

Konseptong papel

panimulang mahalagang hakbang bago magpatuloy sa pagsusulat.

Pahinang nagpapakita ng paksa

Narito ang tentatibong pamagat ng pananaliksik na ginagamit kung hindi pa nakatitiyak sa maging pamagat ng saliksik.

Pamagat ng konseptong papel

Ito ay kailangang ganap na naglalarawan ng pinakabuod ng manuskrito.

Tentatibong paksa


May akda


Guro


Taon kung kailan natapos ang pananaliksik

*Parte ng tentatibong pamagat:

Kahalagahan ng gagawing pananaliksik (Rationale)

Tinatalakay sa bahaging ito ng konseptong papel ang saligan o batayang dahilan sa pagsasagawa ng pananaliksik upang maipahiwatig na rin ang kahalagahan ng gagawing pananaliksik.

Rationale

Bahagi rin ng ________ ang mga kaugnay na literatura na siyang nagpapatatag ng pananaliksik.

Layunin

Sa bahaging ito inilalahahad ang nais na makamit sa pamamagitan ng pananaliksik.

Metodolohiya



tinutukoy kung paano maisasakatuparan ang proyekto.

Inaasahang Bunga

nakalahad dito kung sino ang makikinabang sa proyekto, kung ano ang inaasahan sa proyekto, at kung paano ito mapapakinabangan.

Mga sanggunian

nakalista dito ang mga sangguniang ginamit sa pagkuha ng paunang mga impormasyon, ang mga sangguniang maaaring magamit, at nabanggit sa mga kaugnay na pag-aaral.

Tesis na Pahayag



nagbubuod sa kabuuang nilalaman ng isang sulatin at nagbibigay ng ideya sa mambabasa tungkol sa lawak ng pagtalakay sa paksa.

Tesis na Pahayag

Ito ay kailangan tiyak o espesipiko; malinaw; at nagpapahiwatig ng “Bakit?” at “Paano?” tungkol sa paksa.

Pangangalap at paghahanda ng datos

Ito ay kadalasang ginagawa matapos mabuo ang konseptong papel, sumailalim sa depensa, at rebisyon ayon sa kinalabasan ng depensa.

sa mga aklat at iba pang sangguniang nakalimbag, maari din sa mga panayam, pananaliksik, dyornal, website, ulat,

Saan pede makakalap ng mga ideya at impormasyon?

Mapa ng Konsepto

isang uri ng graphic organizer na nagpapakita ng ugnayan ng mga konsepto at ideya sa pamamagitan ng mga susing salita na karaniwang nasa loob ng mga hugis.

Mapa ng Konsepto

Nakatutulong ito sa mananaliksik upang suriin at iorganisa ang kaniyang mga ideya

Nakapag-iisa (Independent variable)


Di-nakapag-iisa (Dependent variable)

Dalawang Uri ng Nagbabagong Elemento (Variable) ng Pananaliksik:

Nakapag-iisa

ito ang elementong kinokontrol upang makita kung paano ito makaaapekto sa iba pang elemento ng saliksik.

Di-nakapag-iisa

ito ang elementong tumatanggap ng pagbabago bilang bunga ng pagkontrol sa elementong nakapag-iisa.

a. Silid-aklatan


b. Internet


c. Panayam


d. Obserbasyon


e. Sarbey at talatanungan


Mga paraan ng pangangalap ng mga datos:

1. Katalogo ng mga awtor - Kard ng awtor


2. Katalog ng mga pamagat - Kard ng pamagat


3. Katalogo ng mga paksa - Kard ng paksa

Tatlong Pangunahing Uri ng Kard Katalog:

Katalogo ng mga awtor

ginagamit sa paghahanap ng sanggunian gamit ang pangalan ng may akda.

Kard ng awtor

kard na naglalaman ng impormasyon tungkol sa aklat o sanggunian na ginawa ng may-akda at makikita sa pinakataas na bahagi.

Katalog ng mga pamagat

ginagamit sa paghahanap ng sanggunian gamit ang pamagat ng sanggunian.

Kard ng pamagat

kard na naglalaman ng impormasyon tungkol sa aklat o sanggunian na may gayong pamagat at makikita sa pinakataas na bahagi.

Katalogo ng mga paksa

ginagamit sa paghahanap ng sanggunian gamit ang paksang sasaliksikin.

Kard ng paksa

kard na naglalaman ng impormasyon tungkol sa aklat o sanggunian na tumatalakay sa paksang iyon at makikita sa pinakataas na bahagi.

OPAC/ Online Public Access Catalog

pinakamodernong paraan ng paghahanap ng mga sanggunian sa silid-aklatan.

OPAC/ Online Public Access Catalog

elektronikong katalogo ng mga kard, na kailangan lamang i-type ang pangalan ng may-akda, pamagat ng aklat, o anumang salitang may kaugnayan sa paksang nais saliksikin.

Internet

pinakapraktikal na paraan ng pagkalap ng datos.


-ngunit karamihan ng mga impormasyon dito ay basta na lamang inilalagay at hindi dumadaan sa masusing pag-eedit.

Panayam

Ito ay tinatawag ding pangunahing sanggunian.

Panayam

Ito ay kumalap ng impormasyon mula sa isang o pangkat na awtoridad o nakaaalam tungkol sa paksang nais talakayin.

Panayam

Sa itong pagkalap ng datos dito ay maaaring eksperto o may sapat na kaalaman at karanasan sa paksang pinag-uusapan ang taong kakapanayamin.

Data Privacy act of the Philippines, Republic act of 10173

Ano tawag sa batas na nagpoprotekta ng pribasiya ng nangpapanayam?



Impormal na panayam

Walang nakahandang katanungan para sa kakapanayamin.

Impormal na panayam.

Ang daloy ng pag-uusap ay malaya at tila nagkukuwentuhan lang.

Panayam na may gabay.

Gumagamit ng mga gabay na tanong upang masiguro na makakalap ang lahat ng impormasyong kailangan. Higit na may pokus kung ihahambing sa impormal na panayam ngunit magaan pa rin ang daloy ng panayam.

Bukas o malayang panayam.

Malaya ang daloy ng panayam. Malayang nasasagot ang mga inilatag na tanong at hindi nakakulong sa sagot na oo at hindi ang kakapanayamin.

Panayam batay sa inihandang tanong at sagot na pagpipilian.

Pare-pareho ang mga tanong at hinahayaang pumili ng sagot ang kinakapanayam mula sa nga nakalatag na sagot.

Obserbasyon / pagmamasid

pangunahing paraan sa siyentipikong pananaliksik.

Obserbasyon / pagmamasid

ito ay ginagamit kung nais na ganap na masuri ang paksa ng obserbasyon sa natural nitong kalagayan.

Natural na Obserbasyon

Kalakip dito ang pagmamasid sa mga natural na pag-uugali ng paksa ng obserbasyon sa isang normal na sitwasyon.

PERSONAL at obhektibong obserbasyon

Ito ang pagmamasid na may kinalaman sa damdamin at opinyon ng tagamasid batay sa kaniyang sariling danas kaugnay ng isinasagawang pananaliksik.

personal at OBHEKTIBONG OBSERBASYON

Ito ay pagmamasid na hango sa mga materyal at lantad na ebidensiyang nakita.

DIREKTANG PARTISIPASYON at walang partisipasyon

Kung may _____________ sa buong proseso ang mananaliksik, nakikita siya ng taong inoobserbahan bilang isang tagamasid.

direktang partisipasyon at WALANG PARTISIPASYON

kung ___________________ay nakadistansiya ang mananaliksik o kaya naman ay hindi alam ng taong inoobserbahan na siya ay inoobserbahan.

MAY ESTRUKTURA at walang estruktura

Isinasagawa ito sa isang kontroladong sitwasyon tulad ng isang silid o laboratoryo upang masubok ang isang teorya.

may estruktura at walang estruktura

Ito ay isang eksploratoryong pag-aaral at walang tiyak na pangyayaring inoobserbahan.

Kuro-Kuro / Hypothesis

ginagawa ang walang estrukturang obserbasyon upang subukin ang isang ___________ / _________________

Impormal na panayam


Panayam na may gabay


Bukas o malayang panayam


Panayam batay sa inihandang tanong at sagot na pagpipilian

Uri ng mga panayam

Natural na Obserbasyon


Personal at obhektibong obserbasyon


Direktang partisipasyon at walang partisipasyon


May estruktura at walang estruktura

Uri ng mga obserbasyon

Sarbey at talatanungan

isang paraan upang makuha, masuri, at mabigyang-kahulugan ang pananaw ng mga taong pinag-aaralan o inoobserbahan.

Sarbey at talatanungan

Ginagamitan ito ng estatistika sa pag-aaral at pagsusuri at interpretasyon ng mga datos na nakalap. Sa pagsasagawa ng talatanungan, laging isaalang-alang na gawin itong simple at maikli.

Malayang tugon at May pagpipiliang tugon

Dalawang pangkalahatang pormat ng talatanungan:

Malayang tugon


a. walang takdang bilang


b. walang takdang tugon

Sa uring ito ng talatanungan, malayang naipapahayag ng mga taong pinag-aaralan ang kanilang opinyon. Ang mga tanong dito ay walang inaasahang tiyak na sagot.

May pagpipiliang tugon

Sa uring ito, ang tinatanong ay walang ibang pagpipilian maliban sa mga nakahaing sagot sa talatanungan.

DICHOTOMOUS QUESTION AT MULTIPLE CHOICE

Mga uri ng talatanungan may pagpipiliang tugon:

Rating scale, pagraranggo (ranking scale), sang-ayon at di-sang-ayon (Agreement scale)

Mga uri ng multiple choice:

pangangalap

Ang ____________ ng impormasyon at datos mula sa iba-ibang materyal at sanggunian ang pinakamatrabahong bahagi sa pananaliksik.

Pagtatala

ay paraan ng maayos na paghahayag ng mga ideyang nakuha mula sa ibang sanggunian.

Direktang sipi


Buod


Precis


Hawig (paraphrase)


Abstrak


Pagsasaling-wika

Mga uri ng Tala:

Direktang sipi

ang paggamit ng orihinal na teksto. Ito ay ang pagkuha ng mismong pananalita ng orihinal na teksto mula sasanggunian.

Buod

ang mahahalagang punto ng teksto at ilang suportang detalye. Isinusulat ito gamit ang sariling pananalita.

Precis

ay hindi personal na interpretasyon ng isang akda o ekspresyon ng saloobin.

Hawig (paraphrase)

Ito ang eksaktong replika sa mas maikling pahayag na kadalasan ay 1/5 lamang ang haba kung ihahambing sa orihinal na tekstong. Nakatuon lamang ito sa pangunahing ideya o pananaw ng may-akda.

Hawig (paraphrase)

Ito ay ang muling paglalahad ng ideya gamit ang sariling pananalita upang mas madali itong maunawaan.

Abstrak

Matatagpuan sa mga unang pahina ng tesis at disertasyon

Layunin ng pag-aaral


Teoryang ginamit


Metodolohiya


Resulta ng pag-aaral


Kongklusyon


Rekomendasyon



Naglalaman ang abstrak ng kabuuan tulad ng:

Pagsasaling-wika

Kilala bilang isang napakahalagang kasanayan.

Notecard

Gamit ang index card maaari itong lagyan ng mga tala at impormasyon na may kaugnayan sa paksang isinusulat.

Ngalan ng sanggunian


Awtor


Paksa


Uri ng buod


Tala


Pahina

Parte ng Notecard:

nakalitaw na estruktura


nakatagong estruktura

May dalawang estruktura ang wika: