• Shuffle
    Toggle On
    Toggle Off
  • Alphabetize
    Toggle On
    Toggle Off
  • Front First
    Toggle On
    Toggle Off
  • Both Sides
    Toggle On
    Toggle Off
  • Read
    Toggle On
    Toggle Off
Reading...
Front

Card Range To Study

through

image

Play button

image

Play button

image

Progress

1/12

Click to flip

Use LEFT and RIGHT arrow keys to navigate between flashcards;

Use UP and DOWN arrow keys to flip the card;

H to show hint;

A reads text to speech;

12 Cards in this Set

  • Front
  • Back

Ang diwa ng kuwento ay ukol sa pag-iibigan ng pangunahing tauhan at ng kaniyang katambal na tauhan.

Kuwento ng pag-ibig

Nangingibabaw sa kuwentong ito ang paglalarawan sa isang tiyak na pook, ang anyo ng kalikasan doon at ang uri ng pag-uugali, paniniwala, pamumuhay at pamantayan ng mga taong naninirahan sa nasabing lugar.

Kuwento ng katutubong kulay

Nangingibabaw sa kuwentong ito ang isang masusing pag-aaral at paglalarawan sa tunay na pagkatao ng pangunahing tauhan.

Kuwento ng tauhan o pagkatao

Sinisikap na pasulan ng kuwento ang kasulok-sulokang pag-iisip ng tauhan at ilahad ito sa mga mambabasa.

Kuwento ng kaisipan o sikolohiko

Matindi ang damdaming nagbibigay buhay sa kwentong ganito. Nakapananaig ang damdamin ng takot at lagim na nilikha ng mga pangyayari sa katha.

Kwento ng katatakutan

Naglalaman sa kuwentong ito ng mga pangyayaring mahirap paniwalaan sapagkat salungat sa batas ng kalikasan at makatwirang pag-iisip.

Kuwento ng kababalaghan

Ang galaw ng mga pangyayari sa kuwentong ito ay magaan, may mga pangyayaring alanganin at may himig na nakakatawa ang akda.

Kuwento ng katatawanan

Ang kuwentong ito ay punong-puno ng suliraning hahamon sa katalinuhan ng babasa na lutasin. Ang mga kuwentong aktiv o sa paniniktik ang halimbawa nito.

Kuwento ng talino

Kuwentong isinulat para sa isang pangyayari, gaya ng pasko, bagong taon, at iba pa.

Kuwentong Pampagkakataon

Kuwentong ang paksa ay ang mga pangyayari o bagay na mahalaga sa lipunan o pamayanan.

Kuwento ng kapaligiran

Ang pangyayari sa loob ng kuwento na ang banghay ang siyang mangingibabaw sapagkat dito nasasalig ang maging katayuan ng mga tauhan.

Kuwentong makabanghay o madulang pangyayari

Maikling kwento

-Isang akdang pampanitikan na nag-iiwan ng isang kakintalan


-kadalasan nang natatapos itong mabasa sa isang upuan lamang.


- karaniwang nakabatay ang mga paksa sa mga tunay-na-buhay na pangyayari anupa't ang mga mambabasa ay madaling makaugnay sa salaysay nito.