• Shuffle
    Toggle On
    Toggle Off
  • Alphabetize
    Toggle On
    Toggle Off
  • Front First
    Toggle On
    Toggle Off
  • Both Sides
    Toggle On
    Toggle Off
  • Read
    Toggle On
    Toggle Off
Reading...
Front

Card Range To Study

through

image

Play button

image

Play button

image

Progress

1/20

Click to flip

Use LEFT and RIGHT arrow keys to navigate between flashcards;

Use UP and DOWN arrow keys to flip the card;

H to show hint;

A reads text to speech;

20 Cards in this Set

  • Front
  • Back

Datapuwa't dumarating ang oras, at ngayon nga, na sasambahin ng mga tunay na mananamba ang Ama sa espiritu at katotohanan: sapagka't hinahanap ng Ama ang mga gayon na maging mananamba sa kaniya.


Juan 4:23

Oh magsiparito kayo, tayo'y magsisamba at magsiyukod; tayo'y magsiluhod sa harap ng Panginoon na May-lalang sa atin.


Sapagka't siya'y ating Dios, at tayo'y bayan ng kaniyang pastulan, at mga tupa ng kaniyang kamay. Ngayon, kung inyong didinggin ang kaniyang tinig!


Awit 95:6-7

Nguni't sa ganang akin, sa kasaganaan ng iyong kagandahang-loob ay papasok ako sa iyong bahay; sa takot sa iyo ay sasamba ako sa dako ng iyong banal na templo.


Awit 5:7

Ano nga ito, mga kapatid? Pagka kayo'y nangagkakatipon ang bawa't isa sa inyo'y may isang awit, may isang aral, may isang pahayag, may wika, may isang pagpapaliwanag. Gawin ninyo ang lahat ng mga bagay sa ikatitibay.


Ano nga ito? Mananalangin ako sa espiritu, at mananalangin din naman ako sa pagiisip: aawit ako sa espiritu, at aawit din naman ako sa pagiisip.



I Corinto 14:26 at 15

At huwag kaligtaan ang pagdalo sa ating mga pagtitipon gaya ng ginawa ng ilan, kundi palakasin ang loob ng isa't isa, lalo na ngayong nakikita nating nalalapit na ang pagdating ng Panginoon.

Hebreo 10:25 MB

At nang unang araw ng sanglinggo, nang kami'y nangagkakapisan upang pagputolputulin ang tinapay, si Pablo ay nangaral sa kanila, na nagaakalang umalis sa kinabukasan; at tumagal ang kaniyang pananalita hanggang sa hatinggabi.


Gawa 20:7

At araw-araw sila'y nagsisipanatiling matibay sa pagkakaisa sa templo, at sa pagpuputolputol ng tinapay sa bahay-bahay, at nagsisikain sila ng kanilang pagkain na may galak at may katapatan ng puso.


Gawa 2:46

Muling sinasabi ko sa inyo, na kung pagkasunduan ng dalawa sa inyo sa lupa ang nauukol sa anomang bagay na kanilang hihingin, ay gagawin sa kanila ng aking Ama na nasa langit.


Mateo 18:19

Kundi sa dakong pipiliin ng Panginoon ninyong Dios sa lahat ng inyong mga lipi na paglalagyan ng kaniyang pangalan, sa makatuwid baga'y sa kaniyang tahanan ay inyong hahanapin, at doon kayo paroroon:


Dueterenomio 12:5

Na huwag nating pabayaan ang ating pagkakatipon, na gaya ng ugali ng iba, kundi mangagaralan sa isa't isa; at lalo na kung inyong namamalas na nalalapit na ang araw.


Sapagka't kung ating sinasadya ang pagkakasala pagkatapos na ating matanggap ang pagkakilala sa katotohanan, ay wala nang haing natitira pa tungkol sa mga kasalanan,


Kundi isang kakilakilabot na paghihintay sa paghuhukom, at isang kabangisan ng apoy na lalamon sa mga kaaway.


Hebreo 10:25-27

At sinabi niya sa iba, Sumunod ka sa akin. Datapuwa't siya'y nagsabi, Panginoon, tulutan mo muna akong makauwi at mailibing ko ang aking ama.


Datapuwa't sinabi niya sa kaniya, Pabayaan mong ilibing ng mga patay ang kanilang sariling mga patay; datapuwa't yumaon ka at ibalita mo ang kaharian ng Dios.


At ang iba nama'y nagsabi, Susunod ako sa iyo, Panginoon; datapuwa't pabayaan mo akong magpaalam muna sa mga kasangbahay ko.


Datapuwa't sinabi sa kaniya ni Jesus, Walang taong pagkahawak sa araro, at lumilingon sa likod, ay karapatdapat sa kaharian ng Dios.


Lucas 9:59-62

Sa pagtitipon man ng lahat ng banal, Taglay nila'y takot at buong paggalang.

Awit 89:7 MB

Ang iyong mga patotoo ay totoong tunay: ang kabanalan ay nararapat sa iyong bahay, Oh Panginoon, magpakailan man.


Awit 93:5

Ngunit si Yaweh ay nasa kanyang banal na templo, tumahimik ang lahat sa harapan niya.

Habakuk 2:20 MB

Ano ngayon ang ibig sabihin ng lahat ng iyan, mga kapatid? Sa inyong pagtitipon, may awit, may magtuturo, may maghahayag ng kalooban ng Diyos, may magsasalita sa iba't ibang wika, at mayroon namang magpapaliwanag ng mga sinabi nito. Gawin ninyo ang lahat ng iyan sa ikaaunlad ng iglesya.


Lamang, gawin ninyo ang lahat ng bagay sa wasto at maayos na paraan.

I Corinto 14:26 at 40 MB

O magsiawit sa PANGINOON ng bagong awit; awitan ang PANGINOON, buong daigdig! Awitan ang PANGINOON, purihin ang pangalan niya; ipahayag ang kaniyang pagliligtas sa araw-araw. Ipahayag ang kaniyang kaluwalhatian sa lahat ng bansa, ang kaniyang mga kagila-gilalas na gawa sa lahat ng tao!


Ibigay sa PANGINOON ang kaluwalhatiang karapat-dapat sa kaniyang pangalan; mangagdala ng handog, at pumasok sa kaniyang mga patyo! Sambahin ang PANGINOON sa banal na kasuotan; manginig sa harap niya, buong daigdig!

Awit 96:1-3 at 8-9 RSV

Magsiawit kayo sa Panginoon ng isang panibagong awitin; magsiawit kayo, buong sangkalupaan. magsiawit kayo sa Panginoon, purihin ang kanyang pangalan; ipamahayag ninyo araw-araw ang kaligtasang nanggagaling sa kaniya. Isalaysay ninyo sa mga bansa ang kanyang kahangahangang gawa.


Maghandog sa Panginoon ng kaluwalhatiang ukol sa kanyang ngalan! Handugan siya ng mga alay, at pumasok sa kanyang mga looban; Sambahin ang Panginoon nang may banal na kasuotan. Manginig kayo sa harap niya, sangkalupaan!

Awit 96:1-3 at 8-9 Abriol

Sapagka't kung saan nagkakatipon ang dalawa o tatlo sa aking pangalan, ay naroroon ako sa gitna nila.


Mateo 18:20

At sapagka't kayo'y mga anak, ay sinugo ng Dios ang Espiritu ng kaniyang Anak sa ating mga puso, na sumisigaw, Abba, Ama.


Galacia 4:6

Hinihiling ko, ayon sa kanyang kayamanan at kadakilaan, na palakasin niya ang iyong buhay espiritual sa pamamagitan ng kanyang Espiritu. Nawa'y manahan si Cristo sa inyong puso sa pamamagitan ng inyong pananalig sa kanya upang sa inyong pag-uugat at pagiging matatag sa pag-ibig, maunawaan ninyo, kasama ng mga hinirang, kung gaano kadakila ang pag-ibig ni Cristo.

Efeso 3:16-18 MB