• Shuffle
    Toggle On
    Toggle Off
  • Alphabetize
    Toggle On
    Toggle Off
  • Front First
    Toggle On
    Toggle Off
  • Both Sides
    Toggle On
    Toggle Off
  • Read
    Toggle On
    Toggle Off
Reading...
Front

Card Range To Study

through

image

Play button

image

Play button

image

Progress

1/34

Click to flip

Use LEFT and RIGHT arrow keys to navigate between flashcards;

Use UP and DOWN arrow keys to flip the card;

H to show hint;

A reads text to speech;

34 Cards in this Set

  • Front
  • Back

Ayon sa kanya talaan ng buhay ang Panitikan sapagkat dito naisisiwalat ng tao sa malikhaing paraan ang kulay ng kanyang buhay, ang buhay ng kanyang daigdig, ang daigdig na kanyang kinabibilangan at pinapangarap.

•Arrogante (1983)

Ayon sa kanya, ang Panitikan ay katipunan ng mga akdang nasusulat na makikilala sa pamamagitan ng malikhaing pagpapahayag, aestetikong anyo, pandaigdigang kaisipan, at kawalang maliw.

•Webster (1947)

Ayon sa kanya, ang Panitikan ay siyang lakas na nagpapakilos sa alinmang uri ng lipunan.

•Salazar (1955)

Nagpapahayag ng kaisipan, damdamin, karanasan at panaginip ng sangkatauhan na nasusulat sa masining o malikhaing paraan, sa pamamagitan ng aestetikong anyo, pandaigdigang kaisipan at dahil nasusulat ang panitikan, natitiyak ang kawalang maliw nito.

•Panitikan

Grupo, Asosasyon, Koneksyon ng mga Panitikan

•Katipunan ng Panitikan

Mga kasulatan o lupon ng mga kasulatan, mga musika, at iba pa.

•Panitikan

Ano ang ibig sabihin kapag sinabing kawalang-maliw?

•Walang katapusan

Uri ng panitikan na kung saan ito at naisalin sa ibang henerasyon sa pamamagitan ng bibig ng tao.

•Pasalin-Dila

Uri ng panitikan na kung saan ito ay ang paraan ng pagsasalin ng panitikan magmula noong matutunan ng tao ang sistema ng pagsulat.

•Pasulat

Ito ay panitikan na nasusulat sa karaniwang takbo ng pangungusap at sa patalatang paraan.

•Tuluyan

Ang panitikang yaong nasusulat sa taludturan at saknungan. Ang mga taludtod ay maaaring may sukat at tugma.

•Patula

Uri ng akdang tuluyan na kung saan ito ay isang mahabang salaysayin ng mga kawing-kawing na pangyayari na naganap sa mahabang saklaw ng panahon. Kinasasangkutan ng maraming tauhan at nahahati sa mga kabanata.

•Nobela

Ito ay isang salaysay ng isang mahalagang pangyayaring kinasasangkutan ng isa o ilang tauhan at may isang kakintalan o impresyon.

•Maikling kwento

Isang uri ng panitikan na isinulat upang itanghal sa entablado o tanghalan.

•Dula

Ito ay mga salaysaying nauukol sa pinagmulan ng mga bagay-bagay.

•Alamat

Ito ay mga salaysaying kinasasangkutan ng mga hayop, halaman at iba pang bagay.

•Pabula

Ito at kwentong hinango sa banal na kasulatan

•Parabula

Ito ay maikling salaysaying may layuning umaliw o magbigay aral sa mambabasa. Maaari itong kasangkutan ng mga hayop o ng mga bata.

•Anekdota

Isang pagpapahayag ng kuro-kuro o opinyon ng isang may akda hinggil sa isang suliranin o paksa.

•Sanaysay

Kasaysayan ng buhay ng isang tao.

•Talambuhay

Ito ay naglalahad ng mga pangaraw-araw na pangyayari sa lipunan, pamahalaan, sa mga lalawigan at iba pa.

•Balita

Ito ay isang pagpapahayag na binibigkas sa harap ng mga tagapakinig.

•Talumpati

Ito ay kwento ng mga pangyayari at nasusulat ng patula, may sukat at tugma. Nauuri ayon sa paksa, pangyayari at tauhan.

•Tulang Pasalaysay


Tulang nagsasalaysay hinggil sa kabayanihan, katapangan at pakikipagsapalaran ng isang pangunahing tauhan sa isang di kapani-paniwalang pangyayari.

•Epiko

Patulang salaysay na paawit kung basahin. Kinapapalooban ito ng romansa, pakikipagsapalaran, kabayanihan, at kataksilan at mga pantakas sa karahasan ng katotohanan.

•Awit at Korido

Ito ay mga tulang tumatalakay sa marubdob na damdamin na maaaring ng may akda o kaya'y ng ibang tao. Nasa kategoryang ito ang mga tulang awiting bayan, soneto, elihiya, dalit, pastoral, at oda.

•Tulang padamdamin o liriko

Ito ay maiikling tulang binigkas nang may himig. Karaniwan itong nagpasalin-salin sa iba't-ibang henerasyon sa pamamagitan ng bibig ng tao.

•Awiting bayan

Tulang may 14 na taludtod hinggil sa damdamin at kaisipan at karaniwang naghahatid ng aral sa mambabasa.

•Soneto

Tulang nagpapahayag ng panimdim dahil sa pagyao ng isang minamahal

•Elihiya

Isang tulang inaawit bilang papuri a Diyos o sa Mahal na Birhen.

•Dalit

Mga tulang naglalarawan ng paraan ng pamumuhay sa kabukiran.

•Pastoral

Isang tulang paghanga o pagpuri sa isang bagay.

•Oda

Ito ay mga tulang isinasadula sa entablado o iba pang tanghalan.

•Padula o dramatiko

Ang Impluwensya ng Panitikan (11)

•Banal na Kasulatan o Bibliya


•Koran mula sa Arabia


•Mahabharata


•Canterburry Tales ni Chaucer


•Uncle Tom's Cabin ni Harriet Beecher Stowe


•Divina Comedia ni Dante


•El Cid Compeador


•Isang Libo at Isang Gabi


•Aklat ng mga araw ni Confucius


•Aklat ng mga Patay


•Awit ni Rolando