Use LEFT and RIGHT arrow keys to navigate between flashcards;
Use UP and DOWN arrow keys to flip the card;
H to show hint;
A reads text to speech;
50 Cards in this Set
- Front
- Back
Para kay (?), mas mabuting magsimula sa kolehiyo/unibersidad. Sinabi pa niya na mabilis ang paglaganap ng anumang wika mula sa sentro ng karunungan tungo sa mababang antas. |
Almirio (2008), Punong Komisyoner (2013) ng KWF |
|
Nabibilang sa makapangyarihang domeyn o larang pangwika ang (?) |
kolehiyo/unibersidad o ang mataas na antas ng edukasyon. |
|
Inilahad pa rin ni (?) na may suliranin sa nabanggit na domeyn. Ang mga suliraning ito ay pagtanggap at pagpapatanggap. Hindi nagtitiwala ang mga karamihan at hindi sila naniniwalang kailangan ang Filipino sa kapakanan ng larang ng Lalong Mataas na Edukasyon/ Higher Education Institution (HEI). |
Almario (2008) |
|
Dumating ang taong (?) nang ilabas ang CMO No. 3 na tungkol sa bagong General Education Curriculum, walang tiyak na kurso sa Filipino. Sa halip, nagpasabi na maaaring ituro sa Filipino at Ingles bilang mga midyum ng pagtuturo ang mga inilahad na kurso. Inilipat umano ang mga asignatura tungong Senior High School. |
2013 |
|
Asignaturang Filipino sa Senior High School |
•Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Filipino • Pagbasa at pagsusuri ng iba’t ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik • Pagsulat sa iba’t ibang Larangan |
|
Mga Kurso sa General Education sa Kolehiyo na Maaaring Ituro sa Filipino at Ingles (Magkahiwalay/ Magkaiba) |
•Understanding the Self/Pag-unawa sa Sarili • Readings in Philippine History/Mga Babasahin Hinggil sa Kasaysayan ng Pilipinas • The Contemporary World/ Kasalukuyang Daigdig • Mathematics in the Modern World/ Matematika sa Makabagaong Daigdig • Purposive Communication/ Malayuning Komuniukasyon • Art Appreciatio/ Pagpapahalaga sa Sining |
|
Sa pananaliksik ni (?) sa mga prospectus sa mga unibersidad sa maraming bansang Europeo sa Estados Unidos, at sa Timog- Silangang Asya at iba pa, bahagi ng General Education Curriculum (GEC) o ng katumbas nito, ang pag-aaral ng wikang Pambansa bilang isang disiplina at salamin ng pambansang kaakuhan. Binanggit pa ni Guillermo sa nasabing saliksik na ang Bahasa Indonesia at Bahasa Melayuay kakailanganing kurso sa mga Unibersidad sa Indonesia at Malaysia. |
San Juan (2015) |
|
Sa papel na inilahad ni (?)na Alyansa ng mga Tgapagtanggol ng Wikang Filipino/ TANGGOL WIKA: Internal na Kuwento, Mga Susing Argumento at Dokumento (2014-2017), tinalakay ang labing-apaty na argumento hinggil sa pagpapanatili ng Filipino. |
San Juan (2017) |
|
Ang pagtatangkang burahin ang Filipino sa kolehiyo ay nagbigay-daan sa pagkatatag ng (?) sa isang konsultatibong forum noong Hunyo 21, 2014. Ito ay dinaluhan ng limandaang delegado mula sa iba-ibang kolehiyo, unibersidad at paaralan, mga samahang pangwika at kultural. |
Alyansa ng mga Tagapagtanggol ng Wikang Filipino/ TANGGOL WIKA |
|
Nagbunga ang makabuluhang adbokasiya. Dumating ang (?) , ipinalabas ang CMO No. 4 na may paksang Policy on the Offering of Filipino and Panitikan Subjects in All Higher Education Programs as Part of the New General Education Curriculum. Simula sa Akademikong Taon ng 2018-2019, magpapatuloy na maituro ang mga kursong Filipino at Panitikan sa lahat ng programa sa Mataas na Edukasyon. |
Abril, 2018 |
|
Dating Kurso sa Filipino |
Komunikasyon sa Akademikong Filipino Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik Masining na Pagpapahayag Philippine Literature of the Region Master Works of the World |
|
Mga Bagong Kursong Filipino ( mula sa mungkahi ng Tanggol-Wika) |
Kontekswalisadong Komunikasyon sa Filipino (KOMFIL) Filipino sa iba’t ibang Disiplina ( FILDIS) Dalumat ng/sa Filipino (DALUMAT-FIL)- iba ito sa dating kurso |
|
Sa pananaliksik ni (?) itinala niya ang mga Intitusyong akademiko sa labas ng bansa na nagtuturo ng Wikang Pambansa |
San Juan (2015), |
|
Kolehiyo/ Unibersidad na Nagtuturo ng Filipino bilang bahagi ng kakailanganing Core courses |
• Princeton University • Illinois State University • California State University • Columbia University • University of Alabama • Yale University • Harvard University • Washington University • University of Michigan |
|
Institusyon sa Sekondarya na Nagtuturo ng Filipino |
• Bahrain • China • Eat Timor • Greece • Kuwait • Libya • Oman • Qatar • Kingdom of Saudi Arabia • UAE |
|
Iba pang Kolehiyo/ Unibersidad na Nagtuturo g Filipino at Philippine Studies |
• University of Hawaii Manoa • University of Michigan • Osaka University • Kyoto University • Sorbonne University(France) • University of Melbourne • University of Pennsylvania • University of Washington • Beijing University |
|
Sa pahayag ni Miclat sa (?) , hindi naman nababatay sa kaalaman sa Ingles ang globalisasyon. Binanggit niya na ang kaunlaran ng mga bansang hindi gumagamit ng Ingles tulad ng South korea, Japan, Israel, Malaysia, Vietnam, India, China at Thailand. Kasama pa ang Germany, lFrance, Czechoslovakia at marami pang ibang bansa sa Europa |
Miclat sa Constantino (2005) |
|
Inilahad sa kartilya ng Wikang Filipio bilang wika ng Edukasyon/ Primer on the Filipino Language as a Language of Education year (?) Ng Pambansang Komite sa Wika at Salin ng Pambansang Komisyon para sa Kultura at Sining (NCCA) ang mg paliwanang ng mga Iskolar sa wika at globalisasyon. Sa kasalukuyan sabay-sabay na pinaunlad ang pandaigdigang wika,rehiyonal na wika, at local na wika. Ngunit napauunlad din ang mga rehiyonal na wika o wikang magsisilbing lingua franca ng magkakalapit na bansa. |
(2004) |
|
Tinugunan naman ito ni (?) ng estratehiyang gamitin ang Wikang Pambansa sa lahat ng sector ng kapangyarihan sa lipunan sa ika-21 siglo. Maisasagawa lamang ito sa pamamagitan ng tinatawag niyang sulating pluralista.Nangangahulugan itong hindi lamang isang paraan ang gamitin kundi maluwag sa iba’t ibang paraan ng pagpapa-unlad |
Almario sa Zafra (2008) |
|
Binanggit ni (?) na sa kontekstong Filipino ang saliksik ay katutubo at sinaunang salita mula sa Vocabulario nina Noceda at Sanlucar. Nangangahulugan ito na hanapin sa lahat ng sulok. |
Almario (2016), |
|
makikita ang Pantayong Pananaw batay sa pahayag sa ibaba. “… kung ang isang grupo ng tao ay nag-uusap lamang hinggil sa sarili at sa isa’t isa, iyan ay parang sistemang “ closed circuit;” pagka’t nagkakaintindihan ang lahat. Samakatuwid, ang lipunan at kultura natin ay may” pantayong pananaw” kung tayong lahat ay gumagamit ng mga konsepto at ugali na alam natin lahat ang kahulugan, pati ang relasyon ng kahulugang ito sa isa’t isa. Ito ay nangyayari lamang kung iisa ang “code”- ibig sabihin, may isang pangkabuuang pag-uunay at pagkakaugnay ng mga kahulugan, kaisipan at ugali. |
Salazar (1968), |
|
Katulad ng isinaad sa Artikulo (?), ang mga akademikong Institusyon ay naglalayong: …ikintal ang patriotism at nasyonalismo, itaguyod ang pagmamahal sa sangkatauhan, ang paggalang sa karapatang panatao, ang pagpapahalaga sa papel ng pambansang bayani sa makasaysayang pag-unlad ng bansa, ituro ang mga Karapatan at pananagutan ng mamamayan, |
Artikulo XIV, seksyon 3 ng Konstitusyon ng 1987 |
|
Sinabi ni (?) ang realidad ng Sistema ng edukasyon sa kasalukuyan na bunga ng misedukasyon o maledukasyon ng mal-edukasyon ng maraming henerasyon ng mga Pilipino ay tila hindi tumutugon sa pagsasakatuparan ng layunin ng nakasaad sa Saligang Batas. Hindi ito uri ng edukasyon na tutulong para sanayin ang pangarap ng isang dakilang bayan para sa mga anak sapagakat hindi ito isang edukasyon ng at para sa Pilipino kundi isang uri ng kolonyal na edukasyon na maglilingkod sa mga banyaga. Samakatuwid, dapat lumaya ang Sistema ng edukasyon mula sa tanikala ng kolonyalismo para umunlad ang sambayanan. |
Diokno at Sepeda (2012), |
|
Iminungkahi ni (?) sa papel na Isang Pagpapanibago ng Edukasyon sa Filipinas Batay sa Isang Makabayang Pilosopiya ang ilang katangiang dapat taglayin ang isang makabayang uri ng Sistema ng edukasyon. Sinabi niyang dapat may pagkiling sa pagganit ng sariling wika bilang pangunahing wika sa talakayan at pagkatuto. Ang paggamit ng wikang Filipino sa akademya at pananaliksik ay isang pagpapatuloy ng mga pagsisiskapng ilang mga Pilipinong dalubhasa na palayain ang sariling wika sa kolonyal ng nakatraan at kasalukuyan. |
Sepeda (2012) |
|
Dagdag pa ni (?) sa nabanggit na papel (year) na sa pamamagitan ng sariling wika, nakagagamit ng isang paraan ng pagkakaintindihan na kinalakihan at kinalalahukan ng lahat. At sa paraang ito maiiwasan ang maraming pagkalayo ng mga pananaw at damdamin sa mga kapwa Pilipinong pinaglilingkuran sa laranan ng pag-unawa at pananampalataya kaya ang wika ay maaaring ituring na tahanan ng pagkatao. |
De Mesa sa nabanggit na papel (2012), |
|
Pagtiyak sa Batis ng Impormasyon Sa pagproseso ng mga impormasyon para sa anumang Gawain komunikasyon, iminungkahi nina (?) ang pagtiyak ng mga angkop na batis ng impormasyon sa kontekstong Filipino |
Salazar at Lim (2017) |
|
Iba Pang Sanggunian |
• Aklat,ensyklopidya, almanac at ibang katulad na reperensya • Artikulong inilathala sa mga dyornal, magasin, pahayagan at iba pang publikasyon • Manuskrito, monograp, talumpati at mga liham • Konstitusyon at mga batas • Buletin, sirkular at kautusan • Pampubliko at pribadong record • Papel mula sa mga panayam • Opisyal na pampublikong ulat |
|
Sa ibang pagbasa (tinutukoy na kasingkahulugan ng pag-aaral ayon sa Webster online Dictionary) ng mga palaaral tulad nina Smith at Dechant (?) hinimay sa iba’t ibang pagkilala ang pagbasa bilang iba-iba ring proseso. Narito ang mga iyon na tinapatan ng mga kaugnay na konsepto ng pagbasa ayon sa iba’t ibang paham at website tungkol sa larang na ito. |
(Villamin et.al.,2001), |
|
Ang pagbasa ay pagtugon sa wika bilang pangkaisipang representasyon ng kahulugan o kahalagahan niyon (?) |
(Free Online Dictionary, 2009) |
|
Ang pagbasa at pagkilala at persepsyon na ginagamitan ng mata bilang kabahagi ng pisikal na pagproseso na sinusundan at tinutumbasan ng mental na pagtugon |
(Villamin et. al., 2001) |
|
Ang pagbasa ay ang pagkilala sa titik gamit ng mata at tainga, binabasa saka pinakikinggan (?). |
(Plato) |
|
Ang pagbabasa ay pagsasakatuparan ng interes upang makapaglibang at gawing kapakipakinabang ang mga libreng oras |
(Smith at Dechant sa Tejero, 2004) |
|
Ang pagbasa ay kinabibilangan ng mga yugtong kahandaan sa pagbasa (preschool),panimulang pagbasa (unag baitang sa elementarya), mabilis na paglaki (ikalawa at ika-apat na baiting) at malawak na pagbasa (ikalima at ika-anim na baitang sa elementarya, mga taon sa sekondarya hanggang kolehiyo) (?) |
(Badayos, 1999/ Tejero, 2014). |
|
Sa pre-school hanggang sa unang baitang sa elementarya, ang yugto ay pagkatuto upang makapagbasa. Samantala, sa ikalawang baitang sa kolehiyo, ang yugto ng pagbabasa upang matuto (?) |
(Shalley Umans at Villamin, et al.) |
|
Ang pagbasa ay kinabibilangan ng mga kasangkapan sa pagkatuto tulad ng aklat (bilang pangunahin) at iba pang aklat sanggunian na magbubunsod sa mga sumusunod na gawain: pagkilala at paggamit sa mga bahagi ng aklat, paggamit ng diksyunaryo, pa-alpabetong pag-aayos ng mga salita, paggamit ng Sistema ng klasipikasyon at kard catalog. (?) |
(Dewey Decimal o Library of Congress) |
|
Ang mga ito ay isinusulat at inilalahad din nang pasalita para sa layunin ng pagpapakalat (???). |
(dissemination) |
|
Sa antas-tersarya, malaki ang pangangailangan ng (?) kaya hinikayat na maisakatuparan ang pananaliksik saka pagbuo ng akademikong papel. May mabuting ambag ito sa pagbubuti ng estado ng Unibersidad o anumang institusyong bukas at sumasabay sa pagbabago at handa sa integrasyon at/o multidisiplinaryong pagtataguyod ng pagkatuto. |
knowledge production |
|
Sabi ni (?) ang pagkikritiko sa ating bayan ay tulad ng pagtawid sa kalye sa Maynila. |
Cruz (2003), |
|
Inilahad ito para sa layuning maihalata sa journal o artikulo sa mga publikasyon. Maaaring talakayin ang mga isyu at kalakaran sa edukasyon, pilosopiya, lipunan, pulitika, kultura, ekonomiya, kalusugan, kalikasan at iba pang sektor. Ito ay maaaring papel-saliksik o sanaysay na mula sa saliksik. |
Papel na Teknikal |
|
Sinabi ni (?) reponsibilidad ng mananaliksik na tiyaking mapagkatiwalaan ang kanyang sinasangguni. |
Salazar (2017), |
|
Nagmula sa salitang Latin (?) na nangangahulugang karaniwan ang komunikasyon |
na communis |
|
Kahalagahan ng Komunikasyon sa Pilipino |
Makapaghatid- kaalaman at mailahad ang pananaw Makapagbigay-libang Makabuo ng pag-unawa sa sarili at pagkakaunawaan kasama ang kapuwa. |
|
Prinsipyo ng Komunikasyong Pilipino |
Ito ay simboliko. Ito ay may kahihinatnan Ito ay dinamiko Ito ay kontekstuwal Ito ay pansariling pagninilay |
|
Elemento ng Komunikasyong Pilipino |
Kasangkot Konteksto Mensahe Daluyan Sagabal Tugon |
|
Sa karaniwang diskurso, ang tsimisan ay itinuturing na isang pagbabahaginan ng impormasyong ang katotohanan ay di-tiyak. |
Tsismisan |
|
Ang umpukan ay impormal paglalapit ng tatlo o higit pang tao na magkakakilala para mag-usap na magkakaharap. |
Umpukan |
|
Bagama’t halaw sa salitang ESPAÑOL na chimes, ang tsismis ay isang uri ng usapan o huntahan na posibleng nangyayare na bago pa man dumating ang mga mananakop sa bansa (?) |
(Tan, 2016) |
|
Ang (?) ay ang pagdalaw o pagpunta ng isang tao o grupo sa mga bahay sa isang pamayanan para maghatid ng mahalagang impormasyon, magturo ng isang teknolohiya, kumonsulta sa mga miyembro ng pamilya hinggil sa isyu o programa, mangungumbinsi sa pagsali sa isang paligsahan o samahan, o manghimok na tumangkilik sa isang produkto, kaisipan, Gawain o adbokasiya. |
pagbabahay-bahay |
|
Ang (?) ay pagtitipon ng isang grupo ng mga mamayan sa itinakdang oras at lunan upang pag-usapan nang masinsinan, kabahalaan, problema, programa at iba pang usaping pangpamayanan. |
pulong bayan |
|
ng (?) ay pagpapalitan ng ideya sa pagitan ng dalawa o higit pang kalahok na nakatuon sa tukoy na paksa. Ito ay maaring pormal o impormal at puwedeng harapan o mediated o ginamitan ng anumang medya. |
talakayan |