• Shuffle
    Toggle On
    Toggle Off
  • Alphabetize
    Toggle On
    Toggle Off
  • Front First
    Toggle On
    Toggle Off
  • Both Sides
    Toggle On
    Toggle Off
  • Read
    Toggle On
    Toggle Off
Reading...
Front

Card Range To Study

through

image

Play button

image

Play button

image

Progress

1/42

Click to flip

Use LEFT and RIGHT arrow keys to navigate between flashcards;

Use UP and DOWN arrow keys to flip the card;

H to show hint;

A reads text to speech;

42 Cards in this Set

  • Front
  • Back
  • 3rd side (hint)
Ano ba ang pantubos?
Ano ba ang pantubos?
Ang pantubos ang paraan ni Jehova upang tubusin ang sangkatauhan mula sa kasalanan at kamatayan.
Efeso 1:7 | bh, Kabanata 5
Paano inilaan ang pantubos?
Paano inilaan ang pantubos?
Inilaan ni Jehova ang pantubos sa pamamagitan ng pagsusugo ng kaniyang bugtong na Anak sa lupa upang mamatay para sa atin.
1 Juan 4:9, 10 | bh, Kabanata 5
Ano ang nangyayari sa atin kapag tayo ay namatay?
Ano ang nangyayari sa atin kapag tayo ay namatay?
Ang mga patay ay hindi nakakakita o nakaririnig o nakapag-iisip.
Eclesiastes 9:5 | bh, Kabanata 6
Bakit tayo namamatay?
Bakit tayo namamatay?
Tayo ay namamatay dahil sa minana nating kasalanan kay Adan.
Romans 5:12 | bh, Kabanata 6
Sinu-sino ang bubuhaying muli?
Sinu-sino ang bubuhaying muli?
Ang lahat ng nasa karaniwang libingan ng sangkatauhan ay bubuhaying muli.
Juan 5:28, 29 | bh, Kabanata 7
Ano ang sinasabi sa atin ng Bibliya tungkol sa Kaharian ng Diyos?
Ano ang sinasabi sa atin ng Bibliya tungkol sa Kaharian ng Diyos?
Ang Kaharian ng Diyos ay isang makalangit na pamahalaan na si Jesu-Kristo ang Hari, at 144,000 ang kinuha mula sa sangkatauhan upang mamahalang kasama niya.
Apocalipsis 14:1, 4 | bh, Kabanata 8
Ano ang sinasabi ng Salita ng Diyos na magiging ugali ng mga tao sa “mga huling araw”?
Ano ang sinasabi ng Salita ng Diyos na magiging ugali ng mga tao sa “mga huling araw”?
Sa mga huling araw, marami ang mga maibigin sa kanilang sarili, sa salapi, at sa mga kaluguran ngunit hindi maibigin sa Diyos.
2 Timoteo 3:1-5 | bh, Kabanata 9
Anong mabubuting bagay ang inihula ng Bibliya hinggil sa “mga huling araw”?
Anong mabubuting bagay ang inihula ng Bibliya hinggil sa “mga huling araw”?
Sa mga huling araw na ito, ipinangangaral ang mabuting balita ng Kaharian sa buong daigdig.
Mateo 24:14 | bh, Kabanata 9
Kailan aatasan ni Jesus ang tapat na alipin para mangasiwa sa lahat ng kaniyang pag-aari?
Kailan aatasan ni Jesus ang tapat na alipin para mangasiwa sa lahat ng kaniyang pag-aari?
Magaganap iyan sa hinaharap, sa panahon ng malaking kapighatian kapag tinanggap na ng tapat na alipin ang gantimpala sa langit.
Mateo 24:45-47 | w13 7/15, pahina 25
Kailan natupad ang sinabi ni Jesus tungkol sa tapat at maingat na alipin?
Kailan natupad ang sinabi ni Jesus tungkol sa tapat at maingat na alipin?
Nagsimula itong matupad, hindi noong Pentecostes 33 C.E., kundi pagkaraan ng 1914. Noong 1919, inatasan ni Jesus ang alipin para mangasiwa sa mga lingkod ng sambahayan, ang lahat ng Kristiyanong pinakakain sa espirituwal.
Mateo 24:45-47 | w13 7/15, pahina 21-23
Kailan hahatulan ni Jesus ang mga tao bilang tupa o kambing?
Kailan hahatulan ni Jesus ang mga tao bilang tupa o kambing?
Hahatulan ni Jesus ang mga tao bilang tupa o kambing sa panahon ng malaking kapighatian, matapos mapuksa ang huwad na relihiyon.
Mateo 25:32 | w13 7/15, pahina 6
Yamang papalapit na ang araw ni Jehova, anong mga pangyayari ang malapit nang maganap?
Yamang papalapit na ang araw ni Jehova, anong mga pangyayari ang malapit nang maganap?
1. Ipoproklama ang “Kapayapaan at katiwasayan!”
2. Sasalakayin at pupuksain ng mga bansa ang Babilonyang Dakila.
3. Sasalakayin ang bayan ng Diyos.
4. Magaganap ang digmaan ng Armagedon, na susundan ng paghahagis kay Satanas at sa kaniyang mga demonyo sa kalaliman."
w12 9/15, pahina 4
Saan sumasagisag ang “pitong bituin” sa kanang kamay ni Jesus na binanggit sa Apocalipsis?
Saan sumasagisag ang “pitong bituin” sa kanang kamay ni Jesus na binanggit sa Apocalipsis?
Sumasagisag ang mga ito sa pinahirang mga tagapangasiwa, at maaari ding tumukoy sa lahat ng tagapangasiwa sa kongregasyon.
Apocalipsis 1:16, 20 w12 10/15, pahina 14
Sa hula ng Bibliya, kailan naging ikapitong kapangyarihang pandaigdig ang Anglo-Amerika?
Sa hula ng Bibliya, kailan naging ikapitong kapangyarihang pandaigdig ang Anglo-Amerika?
Umiral ang tambalang kapangyarihang pandaigdig na ito nang magkasamang kumilos sa kapansin-pansing paraan ang Britanya at ang Estados Unidos noong Digmaang Pandaigdig I.
w12 6/15, pahina 19
Ano ang ibig sabihin ng Diyos nang sabihin niya sa mga Levita: “Ako ang iyong bahagi”?
Ano ang ibig sabihin ng Diyos nang sabihin niya sa mga Levita: “Ako ang iyong bahagi”?
Bawat tribo ng Israel ay tumanggap ng takdang bahagi ng lupain, pero si Jehova ang “bahagi” ng mga Levita. Wala silang minanang lupain, pero tumanggap sila ng pantanging pribilehiyo sa paglilingkod. Inilaan ni Jehova ang kanilang materyal na mga pangangailangan. Sa ngayon, ang mga may pribilehiyong magtaguyod sa kapakanan ng Kaharian ay makapagtitiwalang paglalaanan sila ng mga pangangailangan nila sa buhay.
Bilang 18:20 | w11 9/15, pahina 7-8, 13
Sinu-sinong manunulat ng Bibliya ang naroroon noong Pentecostes 33 C.E.?
Sinu-sinong manunulat ng Bibliya ang naroroon noong Pentecostes 33 C.E.?
Lumilitaw na anim na manunulat ng Kristiyanong Griegong Kasulatan ang naroroon. Tatlong apostol ang naroroon—sina Mateo, Juan, at Pedro. Naroroon din ang dalawang kapatid ni Jesus sa ina—sina Santiago at Judas. At malamang na naroroon din ang kabataang si Marcos.
w11 12/1, pahina 22
Bahagi ba ng pantubos ang potensiyal na mga inapo ng sakdal na taong si Jesus?
Bahagi ba ng pantubos ang potensiyal na mga inapo ng sakdal na taong si Jesus?
Hindi. Bagaman maaari sanang pagmulan ng bilyun-bilyong sakdal na inapo si Jesus, ang potensiyal na mga inapong iyon ay hindi bahagi ng pantubos. Tanging ang sakdal na buhay ni Jesus ang katumbas ng kay Adan.
1 Timoteo 2:6 | w11 6/15, pahina 13
Sino sa bansang Israel ang nakinabang sa kaayusan sa paghihimalay?
Sino sa bansang Israel ang nakinabang sa kaayusan sa paghihimalay?
Lahat ng Israelita. Napakilos nito ang mga dukha na maging masipag dahil kailangan nilang maghimalay. Ang iba naman ay natutong maging bukas-palad at umasa sa pagpapala ng Diyos.
Levitico 19:9, 10 | w11 2/1, pahina 15
Sino ang bumuo ng kanon ng Kristiyanong Griegong Kasulatan?
Sino ang bumuo ng kanon ng Kristiyanong Griegong Kasulatan?
Hindi ang anumang konsilyo ng simbahan o sinumang lider ng relihiyon kundi ang mga tunay na Kristiyano. Sa patnubay ng banal na espiritu ng Diyos, nalaman nila kung aling mga kasulatan ang talagang kinasihan. Tama naman iyon dahil ang isa sa makahimalang mga kaloob ng espiritu na ibinigay sa kongregasyong Kristiyano noong unang siglo ay ang “kaunawaan sa kinasihang mga pananalita.”
1 Corinto 12:4, 10 | w10 4/1, pahina 28
Sa Hapunan ng Panginoon, ano ang inilalarawan ng alak?
Sa Hapunan ng Panginoon, ano ang inilalarawan ng alak?
Ang pulang alak ay angkop na lumalarawan sa literal na dugo ni Jesus. Sa bisa ng dugong iyon, matatamo natin ang paglaya sa pamamagitan ng pantubos, “ang kapatawaran ng ating mga pagkakamali.”
Efeso 1:7 | w13 12/15 2013, pahina 25
Sa Hapunan ng Panginoon, ano ang inilalarawan ng tinapay?
Sa Hapunan ng Panginoon, ano ang inilalarawan ng tinapay?
Sa Hapunan ng Panginoon, ang tinapay ay lumalarawan sa katawan ni Jesus na “nagdala ng ating mga kasalanan.”
1 Pedro 2:21-24; 1 Pedro 4:1; Juan 19:33-36; Hebreo 10:5-7 | w13 12/15 2013, pahina 25
Kailan dinalaw ng mga astrologo si Jesus?
Kailan dinalaw ng mga astrologo si Jesus?
Ganito ang komento ng isang edisyon ng Bibliya: “Mga pastol ang dumalaw kay Jesus noong gabing ipanganak siya sa sabsaban, at hindi ang mga Mago. Dumalaw [ang mga Mago] makalipas ang maraming buwan.” Nang panahong iyon, isa nang “bata” si Jesus at nakatira na sa isang bahay. Kung binigyan si Jesus ng ginto at mahahalagang regalo noong gabing ipanganak siya, dalawang ibon lang kaya ang ihahandog ni Maria sa templo pagkaraan ng 40 araw?
Mateo 2:7-11 | w08 1/1, pahina 31
Paano naging tagapagturo ang Batas?
Paano naging tagapagturo ang Batas?
Ang isang tagapagturo noon ay karaniwan nang isang mapagkakatiwalaang alipin na nangangalaga sa bata at tumitiyak na nasusunod ang kagustuhan ng ama para sa kaniyang anak. Sa katulad na paraan, ang Kautusan ay nagsilbing proteksiyon sa mga Judio mula sa nakapipinsalang impluwensiya, tulad ng pakikipag-asawa sa mga mananamba sa idolo. Pero gaya ng tagapagturo ng isang bata, ang Kautusan ay pansamantala lamang anupat nawalan na ng bisa nang dumating ang Kristo.
Galacia 3:24 | w08 3/1, pahina 18-21
Ano ang pagkakatulad nina John Wycliffe, William Tyndale, Robert Morrison, at Adoniram Judson?
Ano ang pagkakatulad nina John Wycliffe, William Tyndale, Robert Morrison, at Adoniram Judson?
Mahal nila ang Salita ng Diyos at isinalin nila ito sa mga wikang binabasa ng karaniwang tao. Isinalin nina Wycliffe at Tyndale ang Bibliya sa Ingles, ni Morrison sa Tsino, at ni Judson sa Burmese (Myanmar).
w09 6/1, pahina 8-11.
Kailangan bang matuto muna ng Hebreo at Griego bago maunawaan ang Bibliya?
Kailangan bang matuto muna ng Hebreo at Griego bago maunawaan ang Bibliya?
Hindi. Hindi komo marunong ang isa ng gayong mga wika ay madali na niyang mauunawaan ang mensahe ng Bibliya. Ang mga nag-aral ng gayong mga wika ay kailangan pa ring gumamit ng mga diksyunaryo at mga aklat sa balarila. Yamang iningatan ng Diyos ang mga salita ng kaniyang dakilang Lingkod hindi sa orihinal na wika, kundi sa isang salin, ipinakikita lang na ang isang tao ay maaaring matuto ng katotohanan mula sa mga salin ng Bibliya sa kasalukuyang mga wika.
w09 11/1, pahina 20-23
Anong pagtatatak ang tinutukoy sa Apocalipsis 7:3?
Anong pagtatatak ang tinutukoy sa Apocalipsis 7:3?
Nang pahiran ng Diyos ang mga Kristiyano ng banal na espiritu, sila ay tumanggap ng unang pagtatatak. Pero ang Apocalipsis 7:3 ay tumutukoy sa pangwakas na pagtatatak, kapag ganap nang napatunayan ng mga pinahirang iyon ang kanilang katapatan.
Apocalipsis 7:3 | w07 1/1, pahina 30-1
Ano ang dalawang paraan na ibinibigay ng Kasulatan upang makilala ang “mga huling araw”?
Ano ang dalawang paraan na ibinibigay ng Kasulatan upang makilala ang “mga huling araw”?
Inihula ng Bibliya ang mga pangyayaring magaganap sa “katapusan ng sistema ng mga bagay.” Inilarawan din nito ang mga pagbabago sa saloobin at paggawi ng mga taong nabubuhay sa “mga huling araw.” Kapansin-pansin, ang mabuting balita ng kaharian ay ipangangaral sa panahong ito.
Mateo 24:3, 7, 8; Lucas 21:11; 2 Timoteo 3:1-5 | w06 9/15, pahina 4-6
Ano ang kasalanan?
Ano ang kasalanan?
Ito ay anumang salungat sa personalidad, mga daan, pamantayan, at kalooban ni Jehova. Ang kasalanan ay nakasisira sa kaugnayan ng isa sa Diyos. Dahil sa kasalanan, sumasala tayo sa marka, kung paanong hindi tumatama sa target ang palaso ng isang mámamanà. Maaaring magkasala ang isang tao nang sinasadya o di-sinasadya. Ang kasalanan ay nakaugat na sa mga tao at inilalayo sila nito sa kanilang Maylalang.
Awit 51:5; Bil. 15:27-31 | w12 5/15, pahina 24 par. 5
Ang bawat tao ba ay may imortal na espiritu na nananatiling buháy pagkamatay niya?
Ang bawat tao ba ay may imortal na espiritu na nananatiling buháy pagkamatay niya?
Bagaman naniniwala ang ilang tao na ang isang espiritu—hindi isang kaluluwa—ay imortal, hindi sinusuportahan ng Bibliya ang ideyang ito. Ipinakikita nito na kapag namatay ang isang tao, bumabalik siya sa alabok at hindi na umiiral. Ngunit taglay ng Diyos ang kakayahang ibalik siyang muli sa buhay, kaya anumang pag-asa para sa buhay sa hinaharap, sa pamamagitan ng pagkabuhay-muli, ay nakasalalay sa Diyos.
Eclesiastes 12:7 | w01 7/15, pahina 3-6
Paano natin nalalaman na hindi patiunang itinakda ang kahihinatnan ng tao?
Paano natin nalalaman na hindi patiunang itinakda ang kahihinatnan ng tao?
Binigyan ng Diyos ang tao ng kalayaang pumili, na nagpapakitang hindi totoo ang predestinasyon. Magiging kawalang-pag-ibig at kawalang-katarungan sa bahagi ni Jehova na patiunang itakda ang landas na itataguyod natin at pagkatapos ay papanagutin tayo sa ating mga paggawi.
Deuteronomio 32:4; 1 Juan 4:8 | w05 1/15, pahina 4-5
Paano ‘bumabalik sa Diyos ang espiritu’ kapag namatay ang isang tao?
Paano ‘bumabalik sa Diyos ang espiritu’ kapag namatay ang isang tao?
Yamang ang espiritu ay ang puwersa ng buhay, ito’y ‘nagbabalik sa tunay na Diyos’ sa diwa na anumang pag-asa sa hinaharap na buhay ng taong iyon ay lubusang nakasalalay ngayon sa Diyos. Ang Diyos lamang ang makapagsasauli sa espiritu, o puwersa ng buhay, na magpapangyari sa isang tao na mabuhay muli.
Eclesiastes 12:7; Awit 104:30 | w99 4/1, pahina 17
Anong mga tanong ang maaari nating muni-munihin habang nag-aaral tayo ng Bibliya?
Anong mga tanong ang maaari nating muni-munihin habang nag-aaral tayo ng Bibliya?
Ano ang itinuturo nito sa akin tungkol kay Jehova? Anong mga katangian ni Jehova ang nakikita kong ipinamamalas dito? Ano ang itinuturo sa akin ng ulat na ito tungkol sa kung ano ang gusto at di-gusto ni Jehova? Ano ang mga bunga ng pagsunod sa isang landasin na iniibig ni Jehova kung ihahambing sa pagsunod sa isa na kinapopootan niya? Paano nauugnay ang impormasyong ito sa dati ko nang alam?
Awit 77:12 | w01 10/15, pahina 18 parapo 8
Anong tatlong malaking kapistahan ang iniutos na daluhan ng mga Israelita?
Anong tatlong malaking kapistahan ang iniutos na daluhan ng mga Israelita?
Ang Kapistahan ng Tinapay na Walang Pampaalsa, kasunod ng Paskuwa ng Nisan 14; ang Kapistahan ng mga Sanlinggo, sa ika-50 araw mula Nisan 16; at ang Kapistahan ng Pagtitipon, o Kapistahan ng mga Kubol, sa ikapitong buwan.
Deuteronomio 16:1-15 | w98 3/1, pahina 8, 9
Ano ang tatlong hanay ng patotoo na ang Bibliya ay Salita ng Diyos?
Ano ang tatlong hanay ng patotoo na ang Bibliya ay Salita ng Diyos?
(1) Ito’y may katumpakan ayon sa siyensiya.
(2) naglalaman ito ng walang-kupas na mga simulain na praktikal para sa modernong pamumuhay.
(3) naglalaman ito ng espesipikong mga hula na natupad, gaya ng pinatutunayan ng mga pangyayari sa kasaysayan.
w98 4/1, pahina 15; bh, kabanata 2
Sino ba talaga ang namamahala sa daigdig?
Sino ba talaga ang namamahala sa daigdig?
Si Satanas na Diyablo.
1 Juan 5:19 | w11 9/1, pahina 4-6
Ano ang pananampalataya?
Ano ang pananampalataya?
Gaya ng pagkakagamit sa Bibliya, ang “pananampalataya” ay tumutukoy sa matatag na paniniwala sa isang bagay na hindi nakikita. Ang ganiyang paniniwala ay nakasalig sa matibay na ebidensiya. Ang isang taong may pananampalataya sa Diyos ay nakapokus sa katuparan ng mga pangako ni Jehova, anupat nagtitiwalang matutupad ang mga iyon.
Hebreo 11:1 | w12 1/1, pahina 5
Sino "ang tapat at maingat na alipin"?
Sino "ang tapat at maingat na alipin"?
Kaayon ng ginawa ni Jesus sa pagpapakain sa marami sa pamamagitan ng iilan, ang aliping iyon ay binubuo ng isang maliit na grupo ng mga pinahirang brother na tuwirang nakikibahagi sa paghahanda at pamamahagi ng espirituwal na pagkain sa panahon ng pagkanaririto ni Kristo. Sa buong yugto ng mga huling araw, ang mga pinahirang brother na bumubuo sa tapat na alipin ay magkakasamang naglilingkod sa punong-tanggapan. Sa mga nakaraang dekada, ang Lupong Tagapamahala ng mga Saksi ni Jehova ang gumaganap bilang ang aliping iyan. Pero pansinin na bagaman ang alipin ay binubuo ng higit sa isang indibiduwal, inilalarawan ito sa ilustrasyon ni Jesus bilang isang alipin. Kaya ang mga desisyon ng Lupong Tagapamahala ay ginagawa nila nang magkakasama.
Mateo 24:45 | w13 7/15, pahina 22 parapo 10
Ang sinaunang mga Griego ay may apat na salita para sa “pag-ibig. Puwede mo ba binanggit ang mga ito?
Ang sinaunang mga Griego ay may apat na salita para sa “pag-ibig. Puwede mo ba binanggit ang mga ito?
A·ga'pe = pag-ibig na inuugitan ng simulain (Juan 3:16)
Phi·le'o = Pag-ibig sa matalik na kaibigan o kapatid (Juan 11:35, 36)
Stor·ge' = malapít na pag-ibig pampamilya (2 Timoteo 3:3)
E'ros = romantikong pag-iibigan ng magkaibang sekso (hindi ginamit sa Kristiyanong Griegong Kasulatan)
cl, kabanata 23 pahina 235 parapo 12 (kabilang ang talababa)
Sino ang mga anghel?
Sino ang mga anghel?
Ang Hebreong mal·'akh' at ang Griegong ag'ge·los ay kapuwa literal na nangangahulugang “mensahero.” Ang mga anghel ay mga espiritung nilalang na nakatira sa langit. Sila ay nakahihigit sa mga tao. Ang tunay na Diyos, na isa ring espiritu, ang lumikha sa mga anghel bago niya lalangin ang lupa. Si Jehova ay napalilibutan ng milyun-milyong tapat na mga anghel.
Awit 103:20, 21; Daniel 7:9, 10 | it-1, pahina 139; w12 7/1 pahina 16
Sino ba ang babaing tinatawag na "Babilonyang Dakila"?
Sino ba ang babaing tinatawag na "Babilonyang Dakila"?
Ang babaing ito na tinatawag na Babilonyang Dakila ay maliwanag na kumakatawan sa pandaigdig na imperyo ng huwad na relihiyon, na kinabibilangan ng lahat ng relihiyong sumasalansang sa Diyos na Jehova.
Apocalipsis 17:1, 5, 15 | bh, pahina 220 parapo 3
Ano ba ang Sheol at Hades?
Ano ba ang Sheol at Hades?
Ang Sheol (Hebreo), o Hades (Griego), ay hindi isang literal na dako sa isang espesipikong lokasyon. Sa halip, ito ang karaniwang libingan ng patay na sangkatauhan, ang makasagisag na dako kung saan ang kalakhang bahagi ng sangkatauhan ay natutulog sa kamatayan.
bh, pahina 212 parapo 3
Ano ang itinuturo ng Bibliya hinggil sa paggamit ng mga imahen?
Ano ang itinuturo ng Bibliya hinggil sa paggamit ng mga imahen?
Walang dako sa tunay na pagsamba ang mga imahen ni ang pagsamba sa mga ninuno.
Exodo 20:4, 5; Deuteronomio 18:10-12 | bh, kabanata 16