• Shuffle
    Toggle On
    Toggle Off
  • Alphabetize
    Toggle On
    Toggle Off
  • Front First
    Toggle On
    Toggle Off
  • Both Sides
    Toggle On
    Toggle Off
  • Read
    Toggle On
    Toggle Off
Reading...
Front

Card Range To Study

through

image

Play button

image

Play button

image

Progress

1/51

Click to flip

Use LEFT and RIGHT arrow keys to navigate between flashcards;

Use UP and DOWN arrow keys to flip the card;

H to show hint;

A reads text to speech;

51 Cards in this Set

  • Front
  • Back

ARGUMENTO #1: Si Cristo’y Diyos dahil Siya’y nilalang ng Espiritu Santo at walang amang tao.

SAGOT: • Hindi dahil sa si Cristo’y lalang ng ES ay Diyos na. Katunayan pa nga ito ng Kaniyang pagiging tao dahil Siya’y nilalang at hindi manlalalang. • Siya ay nilalang sa pamamagitan ng ES sa tiyan ng Kaniyang ina (Mat. 1:18, 20 MB), ito’y katunayan ng Kaniyang pagiging tao dahil ang tao’y nilalalang ng Diyos sa tiyan ng ina (Isa. 44:2). • Hindi naman mapagbabatayan na dahil sa si Cristo’y walang amang tao’y Diyos na, sapagkat kung tatanggapin ito ay lalong magiging Diyos sina Adan at Eba dahil di lamang wala silang amang tao kundi wala rin silang inang tao. (Gen. 2:7

ARGUMENTO #2: Si Cristo’y Anak Ng Diyos kaya Siya’y Diyos.

SAGOT: • Kung tatanggapin na si Cristo’y Diyos dahil Siya’y Anak Ng Diyos, darami ang Diyos dahil ang mga Cristiano man ay mga Anak Ng Diyos din (I Juan 3:1). • Si Adan man ay tinawag ding “Son of God” (Luk. 3:38 KJV) at maging si Solomon ay tinawag ng Diyos na “aking anak” (II Sam. 7:8-14). • Ang pagiging AND ay hindi biological na pangangak o hindi sa kalagayan kundi ito’y karapatang ipinagkakaloob sa lahat ng nagsisitanggap kay Cristo- ito’y priviledge o karapatan [right] (Juan 1:12)

ARGUMENTO #3: Ang pagkabuhay na muli ni Cristo ay nagpapatunay na Siya’y Diyos (Cat. of Chr. Doc., p.43).

SAGOT: • Hindi ito nagpapatunay na Siya’y Diyos, katunayan pa nga ito na hindi Diyos si Cristo dahil ang tunay na Diyos ay hindi namamatay (I Tim.1:17). • Si Cristo ay tao na binuhay na mag-uli ng Diyos o ng Ama (Gawa 2:23-24,32 MB; Gal.1:1). Darami ang Diyos kapag tinanggap ito dahil maging si Lazaro ay nabuhay na mag-uli (Juan 11:43-44) pero hindi nangangahulugang siya’y Diyos.

ARGUMENTO #4: Si Cristo’y nakagawa ng mga himala. Katunayan ito na Siya’y Diyos. (Kat. ng A. K., p.17)

SAGOT: • Hindi dahil sa si Cristo’y nakagawa ng himala ay nangangahulugang Diyos na Siya dahil ang mga iyon ay ang Diyos ang may gawa, kasangkapan lamang si Cristo na tao sa likas na kalagayan (Gawa 2:22- 23 MB). • Darami ang Diyos kung tatanggapin ito dahil ang mga apostol man ay nakagawa rin ng himala (Gawa 20:9-10; 19:11-12; 9:40; Mat.14:26-31 MB). • Maging si Satanas ay gumagawa rin ng himala (II Tes. 2:9-10) pero hindi nangangahulugang Diyos din si Satanas.

ARGUMENTO #5: Ang ELOHIM ay plural o pangmaranihan, tumutu

SAGOT: • Hindi ibig sabihin na marami ang Diyos. Hindi tumutukoy ang Elohim sa Trinidad. • Ang Elohim ay tumutukoy sa plural of majesty o pangmaramihang kataga ng paggalang (Oxford Dict.p.454; New Cath. Encyc. Vol.5, p.287). • Kapag ang terminong Elohim ay ginamit upang tumukoy sa tunay na Diyos, ito’y pang-isahan (Compact Dic. of Doctrinal Words, p.80). Ang Elohim ay ang Ama lamang (Efe. 4:6 at I Cor. 8:6 Restoration of Original Sacred Name Bible).

ARGUMENTO #6: Si Jesus ang tao at si Cristo ang tunay na Diyos. Ang Jesus na tao ang namatay at si Cristo na tunay na Diyos ay walang kamatayan.

SAGOT: • Ang nagtuturo na iba si Jesus sa Cristo ay sinungaling at antiCristo (I Juan 2:22). • Si Jesus ay Siya ring Cristo (Mat. 1:16;Gawa 18:5,28) na taong pinakuan sa krus (Gawa 2:36 ETRV; I Cor. 1:23), na namatay (Juan 19:30, 33; I Cor. 15:3; Roma 5:6) at binuhay na mag-uli ng Diyos (Gawa 2:22-24; Roma 6:4). • Si Jesucristo ay isang tao (Roma 5:15 Moffatt; Abriol) at mayroon lamang isang Jesucristo (I Cor. 8:6 SND). • Ang kahulugan ng Cristo ay hindi Diyos kundi pinahiran ng Diyos (Luk. 4:18 KJV; Gawa 10:38). Ang Diyos ang nagpahid at si Cristo ang pinahiran. Magkaiba ito.

ARGUMENTO #7: (Gen.1:2; Awit 104:30) Pinatutunayan sa mga talatang ito na ang ES ay manlalalang. (The Absurd Claims, p.109)

SAGOT: • Mali ang kanilang pagkaunawa. Walang mababasa sa mga talatang ito na ang ES ay Diyos na manlalalang. • Hindi kailanman tinawag ng Biblia ang ES na Diyos (The Divine Trinity, p.109). • Ang talatang Awit 104:30 ay hindi tumutukoy sa “creation” kundi “resurrection”o ang kapangyarihan ng Diyos na ibalik ang buhay kahit patay na. (Awit 104:27- 30 MB; Ezek. 37:4-7). • Kaya ang tinutukoy sa Awit 104:30 na espiritu ay hindi ang ES kundi ang hininga o buhay na kayang ibalik sa mga taong namatay na. Katunayan, ang pagkakagamit ng terminong “espiritu” sa talata sa Hebreo ay “ruach” na nangangahulugang buhay, hininga, hangin at espiritu.

ARGUMENTO #8: Si Cristo ang “ka-natin” ng Diyos sa paglalang o co-creator. Kaya Siya’y existido na noon pang una at Siya’y Diyos. (Gen. 1:26; Kaw. 8:22-30)

SAGOT: • Walang banggit na si Cristo ang “ka-natin” ng Diyos. Ang “natin” o “atin” ay hindi nalilimitahan sa. • Ang pinatutunayan ng Biblia na existido na noon pa bago ang paglalang ay ang mga kerubin (Gen. 3:22-24) at serapin (Isa. 6:2, 8 at MB) o ang mga anghel (Job 38:4, 7 NPV). • Pero hindi ibig sabihin na may katulong ang Diyos sa paglalang dahil ang Diyos na mag-isa lamang ang lumalang (Gen. 1:27; Isa. 44:24 MB at Abriol). • Ang tinutukoy naman sa Kaw. 8:22-30 ay ang karunungan (Kaw. 8:1) na ginamit ng Diyos sa paglalang (Jer. 10:12, MB, Abriol). • Hindi ito maaaring maging si Cristo dahil ang “gender” ay “feminine” (Kaw. 8:1 KJV). Lady wisdom sa The Message, sa Kaw. 7:4 MB, ito’y kapatid na babae.

ARGUMENTO #9: Si Cristo ang Panginoon na napakita kay Abraham. (Gen.17:1)

SAGOT: • Wala sa talatang ito na sinabing ang napakita kay Abraham ay si Cristo. • Ang tinutukoy na napakita kay Abraham ay ang Panginoon na Makapangyarihan sa lahat. • Ang Panginoong Makapangyarihan sa lahat ay ang Ama (II Cor. 6:18) at hindi ang Anak o si Cristo

ARGUMENTO #10: Ang 3 lalake na napakita kay Abraham sa mga punong encina ng Mamre ay ang 3 persona ng Trinidad. (Gen. 18:1-2)

SAGOT: • Walang banggit sa talata na sila’y “3 Persona ng Trinidad”. • Ang 3 lalake ay ang 3 anghel (Gen. 19:1). Ang mga anghel ay nagsikain (Gen. 18:8; 19:3) at matutulog pa sana (Gen.19:4 MB) samantang ang Diyos ay hindi natutulog (Awit 121:4). • Sila’y napakita kay Abraham sa anyong tao [theophany “manifestation of a deity to a human person”].

ARGUMENTO #11: Ang Diyos ay Hukom. Si Cristo ay Hukom. Kaya, si Cristo’y Diyos. (Gen. 18:25 at II Cor. 5:10)

SAGOT: • Kung tatanggapin ito, darami ang Diyos dahil ang mga banal man ay hahatol o huhukom din (I Cor. 6:2-3). • Ipinagkaloob lamang kay Cristo ang pagiging Hukom (Juan 5:27, 30) sapagkat kakasangkapanin ng Diyos si Cristo sa paghatol o paghuhukom sa tao (Roma 2:16)

ARGUMENTO #12: Ipinahayag ng Diyos “Ako nga”. Sinabi ni Cristo “Ako nga”. Kaya, si Cristo’y Diyos. (Exo. 3:14; Juan 8:56-58)

SAGOT: • Ang pahayag ng Diyos na “Ako nga” sa Exo 3:14 ay tumutukoy sa pangalan ng Diyos samantalang ang pahayag ni Cristo na “ako nga” sa Juan 8:56-58 ay hindi tumutukoy sa pangalan kundi ipinahahayag lamang na bago ipinanganak si Abraham ay nasa isip na ng Diyos si Cristo (I Ped. 1:20 BTK). • Kung tatanggapin ito, darami ang Diyos dahil ang bulag man na pinadilat ni Cristo ay nagpahayag ng “ako nga” (Juan 9:1, 8-9), maging si Jacob (Gen. 27:24) at maging ang anghel (Huk. 13:11).

ARGUMENTO #13: Si Cristo’y existido na bilang Diyos noon pang una dahil sa pahayag Niya na “Bago ipinanganak si Abraham ay ako nga”. (Juan 8:58)

SAGOT: • Walang mababasa na si Cristo’y existido na bilang Diyos noon pang una. • Sinabi ito ni Cristo dahil nakita na ni Abraham ang araw ni Cristo (Juan 8:56) o ang araw ng Panginoon, na ito rin ang Araw ng Paghuhukom (II Ped. 3:10). Nakita sa paraang natanaw na niya sa malayo o ninanasa na niya (Heb. 11:9-10, 13-16).

ARGUMENTO #14: Ayon sa mga Adventist “God, Jehovah or Yahweh is applied to Jesus” - Exo. 6:2-3 (What People Need To Know p.44)

SAGOT: • Hindi si Cristo and Diyos o ang Jehovah dahil ang Jehovah ay ang Kataastaasan (Awit 83:18). Si Cristo’y hindi ang Kataastaasan dahil Siya ay Anak ng Kataastaasan (Luk. 1:31-32). Si Cristo’y susuko sa Kataastaasang Diyos (1 Cor. 15:27-28 at MB). • Itinuro ni Cristo na ang Ama ay lalong dakila kaysa Kaniya (Juan 14:28)

Ang Panginoong Diyos ay Jehovah at si Cristo ay Panginoon. Kaya, marapat lamang na tawaging Jehovah si Cristo.

SAGOT: • Hindi dahil sa si Cristo’y Panginoon ay marapat ng tawaging Jehova. Kapag tinanggap ito magiging 2 ang Jehovah dahil may binabanggit na 2 Panginoon sa (Awit 110:1). • Sa saling MB at Amp. ay ipinakita ang pagkakaiba ng 2 Panginoon, ang isa’y God at ang isa’y Messiah (Cristo). • Si Cristo ay ginawa lamang ni Jehovah na Panginoon (Gawa 2:36) at si Cristo’y “servant of Jehovah” (Gawa 4:29-30 NWT).

ARGUMENTO #16: Ang Diyos ay nagkatawang-tao sapagkat ayon sa talata “the Lord is a man of war” (Exo. 15:3 KJV)

SAGOT: • Walang sinabi sa talata na ang Diyos ay nagkatawangtao. Hindi pumapayag ang Diyos na Siya’y maging tao (Ose. 11:9) at hindi rin Siya nagbabago kahit anino ng pag-iiba (Mal. 3:6; Sant. 1:17). • Kung tatanggapin ito, dapat ding tanggapin na ang langgam ay tao (Kaw. 30:25 KJV). Ang pahayag na ito ay figure of speech [nasa uring metaphor – pagtutulad]. • Itinulad ang Diyos sa mandirigma laban sa hukbo ni Faraon (Exo. 15:3-7)

ARGUMENTO #17: Si Cristo ang Prinsipe ng mga hukbo ng Diyos na napakita kay Josue. Kaya existido na Siya noon pang una bilang Diyos. (Jos. 5:13-15)

SAGOT: • Walang mababasa sa talata na si Cristo’y existido na noon pang una bilang Diyos. Wala ring mababasa na si Cristo ang Prinsipe ng mga hukbo ng Diyos na napakita kay Josue. • Ang pinatutunayan ng Biblia na Prinsipe, punong Prinsipe o Dakilang Prinsipe ay si Miguel (Dan. 10:21,13: 12:1; Apoc. 12:7 at MB, Tad. 1:9). • Ang tinutukoy na hukbo ay mga anghel (Luk. 2:13; Awit 103:20-21). • Kaya, si anghel Miguel ang tinutukoy na napakita kay Josue.

ARGUMENTO #18: Si Cristo ay Siya ring anghel Miguel. (Jos. 5:13-15)

SAGOT: • Hindi itinuturo ng Biblia na si Cristo ay Siya ring anghel Miguel. • Si anghel Miguel ay espiritu sa kalagayan at si Cristo ay tao (Juan 8:40). • Higit si Cristo sa mga anghel sapagkat ipinasakop sila kay Cristo (Efe. 1:21-22 Lamsa, English Ver., I Ped. 3:22) at ipinasasamba sa mga anghel si Cristo (Heb.1:6 NPV)

ARGUMENTO #19: Natataho ng Diyos ang puso ng bawat tao. Nalalaman ni Cristo ang iniisip ng tao. Kaya si Cristo’y Diyos. (I Sam.16:7; I Hari 8:39; Mat. 9:4; 12:25; Juan 2:24-25)

SAGOT: • Wala sa mga talatang ito na sinabing si Cristo ay Diyos. Kaya nalalaman ni Cristo ang iniisip ng tao ay dahil sumasa Kaniya ang Diyos (Juan 10:38, Gawa 10:38). • Siya rin ay tinuturuan ng Diyos (Juan 8:28) pero ang Diyos ay hindi tinuturuan (Isa. 40:13-14). • Ang Diyos mismo ang may gawa ng mga himalang nahayag kay Cristo, na tao sa kalagayan, gaya ng pag-alam sa iniisip ng tao, kasangkapan lamang Siya (Gawa 2:22 Abriol, MB). • Kung tatanggapin ito, darami ang Diyos dahil maging si A. Pedro ay nalaman ang iniisip nina Ananias at Zafira (Gawa 5:1-10

ARGUMENTO #20: Bawat tao ay sinungaling (Roma 3:4), at walang taong hindi nagkasala (I Hari 8:46). Kung tao si Cristo kabilang Siya sa taong sinungaling at nagkasala. Kaya si Cristo ay hindi totoong tao kundi Diyos.

SAGOT: • Si Cristo ay hindi Diyos kundi Siya’y totoong tao (I Tim. 2:5 CEV). Sa salitang bawat o lahat ay may kababalian o exemption. Halimbawa, nang sabihin ng Diyos na lilipulin Niya ang lahat ng nilalang na may buhay sa pamamagitan ng bahang-gunaw (Gen. 6:7,17), lahat nga ba ay nilipol ng Diyos? Hindi, sapagkat naligtas si Noe at ang kaniyang sambahayan (Gen. 6:18,21-22; I Ped. 3:20). • Si Cristo ay hindi kabilang sa mga taong sinungaling at makasalanan dahil Siya’y hindi gumawa ng kasalanan o nagsinungaling (I Ped. 2:21-22 MB) hindi dahil sa Siya’y Diyos kundi Siya’y pinabanal ng Ama (Juan 10:36), Siya’y taong banal (Heb. 7:26 Phillips Modern English).– ang binanal ay si Cristo ata ng nagpabanal sa Kaniya ay ang Ama – magkaiba iyon.

ARGUMENTO #21:Ang Diyos ay bato gayundin naman si Cristo. Kaya, Siya ay tunay na Diyos.

SAGOT: • Hindi dahil ang Diyos ay bato at si Cristo ay bato ay nangangahulugang Diyos na si Cristo. Darami ang Diyos dahil ang mga Cristiano ay bato rin (I Ped. 2:5). • Iba ang pagkabato ni Cristo sa pagkabato ng Diyos. Si Cristo ang batong patibayan ng Sion o Iglesia (Isa. 28:16; Heb. 12:22-23). • Ang Diyos ay bato dahil Siya’y matibay na moog o Tagapagligtas (Awit 18:2 MB).

ARGUMENTO #22: Hindi si Cristo ang tao na nasa kanan ng Diyos. Ang nakasulat ay “tao na iyong kinakanan” at hindi “tao na nasa kanan”. Magkaiba ang “kinakanan” sa “nasa kanan”. (Awit 80:17)

SAGOT: • Tama ang aral ng INC na si Cristo ang tao na nasa kanan ng Diyos (Heb. 10:10, 12 KJV). • Pareho ang kinakanan sa nasa kanan, sa KJV ang banggit ay “the man of thy right hand”, sa NRSV ay “at your right hand”, at sa CEV “at your right side”. • Ayon sa Bibliang salin ng IK, si Cristo ang tao na nasa kanan ng Diyos (Awit 79:18 [80:17] Douay Ver.).

ARGUMENTO #23: Ang Diyos ang hahatol sa lupa at sa Kaniya ipamamana ang lahat ng mga bansa. Ang tinutukoy na Diyos na magmamana ng mga bansa ay ang Anak o si Cristo. (Awit 82:8; 2:7-8; Heb. 1:5-7)

SAGOT: • Walang sinabi na si Cristo’y Diyos. Magiging 2 ang Diyos, ang magmamana at nagpamana, lalabag sa Juan 17:3, 1. Lalabas na si Cristo na Diyos diumano ay magmamana lamang. • Ang katumbas ng “iyong mamanahin ang lahat ng mga bansa” ay “ang lahat ng mga bansa ay hawak ng iyong kamay” (Awit 82:8 MB). • Ang Diyos ang may hawak ng lahat ng mga bansa na ipamamana sa Kaniyang Anak (Heb. 1:1-2), si Cristo ang magmamana at ang Diyos ang magpapamana, magkaiba ito. • Ibinigay ng Ama ang lahat kay Cristo (Mat. 28:18; 11:27) ngunit paiilalim naman si Cristo sa Ama na nagpasuko ng lahat ng bagay sa Kaniya (I Cor. 15:27- 28 NPV).

ARGUMENTO #24: Sa panahon ng paglalang ay nandoon na ang Ama at ang Anak. Kaya, existido na ang Anak bilang co-creator at Siya’y Diyos. (Kaw. 30:4)

SAGOT: • Walang sinabi na existido na ang Anak bilang cocreator at Siya’y Diyos. Ang pinatutunayan sa talatang ito ay (1) may Diyos na manlalalang, (2) ang Diyos ay may pangalan, (3) ang Diyos ay may anak at ang anak ay may pangalan. • Hindi pinatutunayang si Cristo ay Diyos na manlalalang dahil iisa lang ang manlalalang, ito ay ang Ama (Isa. 44:24 MB; Mal. 2:10 MB). • Hindi sinabing si Cristo ang anak na tinutukoy, ang banggit sa saling Septuagint ay “children”. Ang tinutukoy ay ang Israel dahil talagang tinawag na “son” ang Israel (Exo. 4:22-23 KJV).

ARGUMENTO #25: Mahimala ang pagkapanganak kay Cristo. Si Cristo’y walang amang tao. Ito ang dahilan kung bakit ang ipanganganak ay tatawaging banal, ang Anak Ng Diyos. (Isa.7:14; Luk.1:34-35 KJV)

SAGOT: • Hindi dahil sa mahimala ang pagkapanganak kay Cristo ay nangangahulugang Diyos na Siya. Katunayan pa nga ito na Siya’y hindi Diyos dahil ang Diyos ay hindi anak ng tao o hindi ipinanganganak (Blg. 23:19). • Kung tatanggapin na dahil si Cristo’y walang amang tao ay Diyos na, lalong magiging Diyos sina Adan at Eba dahil wala silang ama’t inang tao. Kung tatanggapin na Diyos si Cristo dahil Siya’y banal, darami ang Diyos sapagkat ang mga Cristiano man ay banal din (I Cor. 6:11; I Cor.14:33) at maging ang mga anghel (Mar. 8:38). • Si Cristo ay pinabanal ng Ama (Juan 10:36) at Siya’y taong banal (Sant. 5:6 BTK). Kung tatanggaping Diyos si Cristo dahil Siya’y AND, darami ang Diyos dahil ang mga Cristiano man ay mga AND din (I Juan 3:1-2).

ARGUMENTO #26: Ang hinuhulaan ay si Cristo. Kaya Siya ang tinutukoy na “Makapangyarihang Diyos”. (Isaias 9:6)

SAGOT: • Walang sinabi sa talata na si Cristo ay Diyos. Ang banggit na “Makapangyarihang Diyos” ay bahagi lamang ng isang mahabang pangalan (Pele-joez-el-gibbor-Abi-adsar-shalom - JPSA) at hindi isa sa mga pangalan. Ang pangalang ito ay hindi tumutukoy sa likas na kalagayan ng bata o sa pangalan ng bata kundi sa pangalan ng Kaniyang pamamahala na maiaatang sa Kaniyang balikat, tumutukoy ito sa titulo ng bata at hindi sa likas na kalagayan (Moffatt). • Katulad lang ng pangalan ni Isaias (Maher-salal-hashbaz) na ibig sabihin ay “Mabilis-Manamsam-Nalalapitang-Pananamsam” - Isa. 8:3 BSP. • Ano kung gayon ang pangalan ng bata? JESUS (Luk. 1:31) na tao sa likas na kalagayan ayon sa hula (Isa. 53:3).

ARGUMENTO #27: Ang hulang ito na “ang inyong Dios ay pariritong may panghihiganti…kung magkagayo’y madidilat ang mga bulag, at ang mga pakinig ng bingi ay mabubuksan. Kung magkagayo’y lulukso ang pilay na parang usa, at ang dila ng pipi ay aawit…” ay natupad kay Cristo. Kaya Siya’y Diyos. (Isa. 35:3-6; Mat. 11:2-5)

SAGOT: • Ang hulang ito na pagparito ng Diyos kung kalian ang mga bulag ay makakakita at ang mga pipi ay aawit, ay ang pagliligtas na ginawa ng Diyos sa Israel (Zef. 3:14-20; Isa. 29:18), nangangahulugan ito na nahayag ang pagliligtas ng Diyos sa kanila (Jer. 3:22-24). • Natupad din ito sa panahong Cristiano sa pamamagitan ni Cristo na tao sa likas na kalagayan (Gawa 10:38; Luk. 2:28-32; Gawa 2:22-24 MB).

ARGUMENTO #28: Si Cristo ang Panginoong Diyos na ipinaghanda ni J. Bautista ng daan. Siya rin ang Panginoon na tinutukoy na darating. (Isa. 40:3, 10)

SAGOT: • Walang sinabi sa talata na si Cristo’y Diyos. Hindi si Cristo ang Panginoon na ipinaghanda ni JB ng daan kundi si Yahweh (MB), si Yahweh ay ang Ama at hindi ang Anak (Cristo) (Isa. 63:16 MB; 64:8 MB). • Si Cristo naman ang tinutukoy na daan na inihanda ni JB para sa Diyos (Juan 14:6). Kaya ang tinutukoy na Panginoong darating ay si Yahweh o ang Ama. Darating sa sentidong magpapakita ng Kaniyang kaluwalhatian (Tito 2:13; Luk. 9:26; Mat. 16:27).

ARGUMENTO #29: Ang Diyos ay nagkubli o nagkatawang-tao. Ang Panginoon ang magpapauna-ito ang Ama at ang Diyos ng Israel (Cristo) ang magiging bantay likod. (Isa. 45:15; 52:12)

SAGOT: • Walang sinabi sa talata na si Cristo’y Diyos. Hindi si Cristo ang Panginoon na ipinaghanda ni JB ng daan kundi si Yahweh (MB), si Yahweh ay ang Ama at hindi ang Anak (Cristo) (Isa. 63:16 MB; 64:8 MB). Si Cristo naman ang tinutukoy na daan na inihanda ni JB para sa Diyos (Juan 14:6). Kaya ang tinutukoy na Panginoong daratWalang sinabing ang Diyos ay nagkatawang-tao at hindi sinabing si Cristo’y Diyos ng Israel. Ang Diyos ng Israel ay si Yahweh (Isa. 41:17 MB) o ang Ama (Isa. 64:8 MB). • Ang katumbas ng nagkubli ang Diyos ay “hindi nakinig ang Diyos sa pagtawag ng tao dahil sa kasamaan o kasalanan ng tao” (Isa. 57:17; 59:2 at NPV). • Ang Diyos ay hindi tao (Ose. 11:9) at ang tao ay hindi Diyos (Ezek. 28:2).

ARGUMENTO #30: Ang Diyos ay Tagapagligtas at walang iba liban sa Kaniya. Si Cristo ay Tagapagligtas (Luk. 2:11). Kaya, si Cristo ay Diyos. (Isa. 45:21-22

SAGOT: • Hindi dahil sa si Cristo’y Tagapagligtas ay nangangahulugang Diyos na Siya. Ang tinutukoy sa talatang ito na Tagapagligtas at walang iba liban sa Kaniya ay si Yahweh (MB) o ang Ama (Isa. 63:16 MB; 64:8 MB). • Si Cristo’y ginawa lamang ng Diyos na Tagapagligtas (Gawa 2:36 ETRV; Juan 4:42 NIV). • Kaya may pinagmulan ang pagiging Tagapagligtas ni Cristo pero ang tunay na Diyos ay walang pinagmulan (Awit 90:2). • Ang Diyos ang magliligtas, kasangkapan lamang si Cristo (Tad. 1:25). • Darami ang Diyos kung tatanggapin ito dahil ang mga Cristiano man ay tagpagligtas din (Tad. 1:23).

ARGUMENTO #31: Si Cristo ang nagsasalita sa talata. Existido na Siya noon pang una, Siya ang tinutukoy na isinugo ng Diyos at ng Kaniyang espiritu. Kaya Siya’y Diyos. (Isaias 48:16)

SAGOT: • Di ito mapagbabatayan ng “pre-existence” ni Cristo. Wala ang pangalan ni Cristo sa talata. Sa saling MB ang tinutukoy rito na isinugo ay binigyan lamang ni Yahweh ng kapangyarihan. • Magiging 2 ang Diyos kung tatanggapin ito, ang Diyos na nagbigay at ang Diyos na binigyan. Lalabas din na binibigyan lamang ng kapangyarihan ang Diyos. • Sa ETRV, si Isaias ang nagasasalita at sa TLB, si Ciro ang binabanggit na isinugo. Ang huling bahagi ng talata ay idinagdag lamang (NEB at REB fn.).

ARGUMENTO #32: Ang Diyos ay parang tao. Kaya, ang Diyos ay nagkatawang-tao. (Jeremias 14:8-9)

SAGOT: • Walang sinabing ang Diyos ay nagkatawang-tao. Ang Diyos ay hindi tao (Ose. 11:9) at ang tao ay hindi Diyos (Ezek. 28:2). • Ang Diyos ay hindi nagbabago kahit anino man ng pag-iiba (Mal. 3:6; Sant. 1:17). • Ang pahayag na “ang Diyos ay parang taong natigilan ay figurative (nasa uring simile - pagwawangis, pagtutulad). • Ang banggit sa MB ay “para kang dayuhan”.

ARGUMENTO #33: Masusumpa ang nagtitiwala sa tao. Kung si Cristo ay tao at hindi Diyos ay masusumpa ang nagtitiwala sa Kaniya. Kaya si Cristo ay hindi totoong tao kundi Diyos. (Jeremias 17:5)

SAGOT: • Si Cristo ay hindi Diyos kundi Siya’y totoong tao (I Tim. 2:5 CEV). Hindi kabilang si Cristo sa mga taong hindi dapat pagtiwalaan. Sapagkat utos pa nga na dumulog kay Cristo na nasa langit na ngayon, na may pagtitiwala (Heb. 4:14-16 NPV). Si Cristong nasa langit na ngayon ay taong banal (Heb.7:26 Phillips Modern English). • Katunayan na hindi masama magtiwala sa tao - mabuti ang asawa na tumitiwala sa kaniyang asawa (Kaw. 31:10-11).

ARGUMENTO #34: Si Cristo na Sanga ni David (Apoc. 5:5) ay tatawaging Jehovah (Jer. 23:5-6 MKJV) o tatawaging Diyos (The Message). Kaya, si Cristo’y Diyos.

SAGOT: • Walang sinabing si Cristo’y Diyos. Totoong si Cristo’y Sanga ni David, katunayan ito na hindi Siya Diyos. • Kapag sinabing Sanga ni David ay mula kay David si Cristo, anak o inapo ni David. Ang Diyos ay walang pinagmulan (Awit 90:2) at hindi ipinanganganak (Blg. 23:19). Kung tatanggapin ito, magiging 2 ang Jehovah - ang Ama at si Cristo. Lalabag ito sa Biblia dahil iisa lamang ang Jehovah (Deut. 6:4 YLT). Ang Jehovah ay ang Ama (Isa. 64:8 YLT) o ang Kataastaasan (Awit 83:18) samantalang si Cristo ay Anak ng Kataastaasan (Luk. 1:31-32). Maling salin ito, ang tamang salin ay ang YLT dahil mababasa na si Jehovah o ang Ama ang magpapahayag (proclaim) na si Cristo ang ating katuwiran, kasang-ayon sa pahayag ni A. Pablo na si Cristo ang ating katuwiran (I Cor. 1:30). Ang Jerusalem man ay tinawag na “JEHOVAH, OUR RIGHTEOUSNESS” (Jer. 33:16 MKJV). Diyos din ba ang Jerusalem?

ARGUMENTO #35: Lumabas ang Panginoon mula sa Kaniyang dako o sa langit at bunaba at yumapak sa mataas na dako ng lupa. Si Cristo ang Diyos na bumaba o nagkatawang-tao. (Mikas 1:3-5)

SAGOT: • Walang sinabing si Cristo ay Diyos, hindi Siya ang tinutukoy rito. Si Yahweh ang tinutukoy (MB) o ang Ama (Isa. 64:8 MB). • Bumaba ang Ama dahil sa pagsalangsang ng Israel, bumaba sa sentidong nagpamalas Siya ng kapangyarihan (Isa. 64:1-3 MB). Ipinasiya ng Diyos na Siya ay bababa sa lupa nang magkasala ang Israel (Isa. 64:6, 9-11).


SAGOT: • Walang sinabing si Cristo ay Diyos, hindi Siya ang tinutukoy rito. Si Yahweh ang tinutukoy (MB) o ang Ama (Isa. 64:8 MB). • Bumaba ang Ama dahil sa pagsalangsang ng Israel, bumaba sa sentidong nagpamalas Siya ng kapangyarihan (Isa. 64:1-3 MB). Ipinasiya ng Diyos na Siya ay bababa sa lupa nang magkasala ang Israel (Isa. 64:6, 9-11).

ARGUMENTO #36: Si Cristo ang hinuhulaan sa talatang ito, kaya Siya rin ang tinutukoy na “mula nang una, mula nang walang hanggan”. Kaya, Siya’y existido na noon pa at Siya’y Diyos. (Mikas 5:2)

SAGOT: • Hindi kami tutol na si Cristo ang hinuhulaan. Pero ang tinutukoy na “mula nang una, mula nang walang hanggan” ay hindi si Cristo kundi ang “pinagbuhatan” ni Cristo o “pinagmulan Niya”. Kanino ba nagbuhat o nagmula si Cristo? Sa Diyos (Juan 8:42). • Kaya ang Diyos na pinagbuhatan o pinagmulan ni Cristo ang tinutukoy na “mula nang una, mula nang walang hanggan” (Awit 90:2). • Hindi ito tumutukoy sa pre-existence ni Cristo kundi sa kaarawan o panahon ni David. (Mik. 5:2 Oxford Annotated Bible)

ARGUMENTO #37: Si Jehova ang nagsabing “sila’y magsisitingin sa akin na kanilang pinalagpasan” (Zak.12:10). Si Cristo ang kinatuparan na pinagulusan (Juan 19:37). Kaya, si Cristo ay si Jehova.

Walang sinabi na si Cristo ang Jehova. Hindi maaring si Jehova (Diyos) ang sinibat o pinalagpasan dahil ang Diyos ay espiritu (Juan 4:24), walang laman at buto (Luk. 24:39). Hindi nagkakaisa ang mga tagapagsalin ng Biblia sa talatang ito. May nakasulat na “look on him” tulad sa RSV, ang iba naman ang nakasulat ay “on me”. Bakit “on him” ang nakasulat sa RSV? Sapagkat ayon sa mga komentaryo, ang “on me” ay “more difficult reading” bagaman ito ang mas “preferred” nila. Ngunit ang “on him” ayon sa kanila “denies the possibility that it is God who was pierced.” (The Collegeville Bible Commentary, p.261). Mas pinili nila ang mahirap intindihin dahil pabor iyon sa kanilang paniniwala. Pero ayon naman sa ibang komentaryo, ang “on him” ay suportado ng 45 Hebrew Manuscripts (The Jerome Biblical Commentary, p.396). Ayon na rin sa hula, si Cristo ang pinalagpasan o “was pierced” at hindi ang Diyos (Isa. 53:5 NIV), maging sa Apoc.1:7 NIV ang banggit ay “Even those who pierced him” ay tumutukoy kay Cristo. Ang Jehova ay ang tunay na Diyos nina Abraham, Isaac, at Jacob (Exo. 6:2-3) at hindi ito si Cristo dahil si Cristo ay “servant of Jehova” (Gawa 4:29-30 NWT). Si Jehova ay ang Ama at hindi ang Anak (Isa. 64:4, 8 YLT).

ARGUMENTO #38: Si Cristo ang hinuhulaang ipanganganak at tatawaging Emmanuel na ang kahulugan ay “sumasa atin ang Diyos”. Kaya si Cristo ay Diyos na sumasaatin. (Mat. 1:21-23; Isa. 7:14)

SAGOT: • Ang kahulugan ng pangalan ay iba sa likas na kalagayan ng pinagkakapitan ng pangalan. Halimbawa ay ang mga pangalang ito: Boanerges - mga anak ng kulog (Mar. 3:17); Cefas - bato (Juan 1:42 NKJV), Leon, Rosario, Daisy, Isaias, Daniel, Elias, atbp. • Ang katumbas ng sumasaatin ang Diyos ay sa pamamagitan ni Cristo makakasundo ng tao ang Diyos (II Cor. 5:18-20), ang tao na dating malayo sa Diyos ay inilapit ni Cristo (Efe. 2:13).

ARGUMENTO #39: Sabi ni Cristo sa Diablo na, “Huwag mong tutuksuhin ang Panginoon mong Diyos”. Ang tinutukso ng Diablo ay si Cristo. Kaya si Cristo’y Diyos. (Mat. 4:7)

SAGOT: • Walang sinabi sa talata na si Cristo’y Diyos. Ang pahayag Niyang ito ay hindi sarili Niyang pahayag kundi sinipi Niya ito mula sa Kasulatan (Deut. 6:16; Mat. 4:7 Amp.). • Nakakatulad ito ng sinabi ni Moises nang makipagtalo sa kaniya ang bayang Israel na, “Bakit ninyo tinutukso ang Panginoon” gayong si Moises naman ang tinutukso at hindi ang Diyos (Exo. 17:2, 7) pero hindi nangangahulugang Diyos si Moises. • Ang ginawa ng Diablo na pagsitas sa nasusulat ay may dagdag at ito’y ipinagbabawal ng Diyos (Mat. 5:18-19; Deut. 12:32; I Cor. 4:6), idinagdag niya ang salitang “magpatihulog”, ito’y pagtukso nang maituturing sa Diyos (Mat. 4:5-7; Awit 91:11-12).

ARGUMENTO #40: Sabi ni Cristo “Sa Panginoon mong Diyos sasamba ka”. Itinuturo ng Biblia na dapat sambahin si Cristo. Kaya, Siya ay Diyos. (Mat. 4:10; 14:33)

SAGOT: • Wala sa mga talatang ito na nagsasaad na si Cristo’y Diyos. Kaya sinasamba si Cristo ay dahil sa utos ito ng Diyos na nagdudulot sa Kaniya ng kaluwalhatian (Filip. 2:9-11 at MB).

ARGUMENTO #40: Sabi ni Cristo “Sa Panginoon mong Diyos sasamba ka”. Itinuturo ng Biblia na dapat sambahin si Cristo. Kaya, Siya ay Diyos. (Mat. 4:10; 14:33)

SAGOT: • Wala sa mga talatang ito na nagsasaad na si Cristo’y Diyos. Kaya sinasamba si Cristo ay dahil sa utos ito ng Diyos na nagdudulot sa Kaniya ng kaluwalhatian (Filip. 2:9-11 at MB).

ARGUMENTO #41: Si Cristo ay nasa lahat ng dako katulad ng Diyos. Siya’y omnipresente. (Mat. 18:20; 28:20)

SAGOT: • Ayon sa Mat. 18:20, kung may nagkakatipon sa pangalan ni Cristo ay naroroon Siya sa gitna nila. Samakatwid, kung nagkakatipon man pero hindi sa pangalan ni Cristo ay wala Siya doon. • Ayon naman sa Mat. 28:20, ang Kaniyang pakikisama ay sa pamamagitan ng turo o ang sumusunod sa aral Niya. Kaya, kung hindi sumusunod sa turo ni Cristo, sila ay hindi Niya sinasamahan. • Hindi si Cristo mismo ang naroroon kundi ang Kaniyang espiritu (Gal. 4:6), kapangyarihan (power) (I Cor. 5:4 NIV) o ES na isusugo Niya (Juan 16:13; Gawa 1:8). Katunayang hindi Siya omnipresente ay ang nakasulat sa Juan 11:11, 21, 30.

ARGUMENTO #42: Ang Diyos ay Panginoon. Si Cristo ay Panginoon. Kaya, Si Cristo’y Diyos. (Mat. 23:10; Awit 100:3)

SAGOT: • Hindi dahil sa si Cristo’y Panginoon ay Diyos na Siya. Ginawa lamang ng Diyos si Cristo na Panginoon (Gawa 2:36) at Siya’y taong Panginoon (ETRV). • Iba ang Diyos na gumawa kay Cristo na Panginoon kaysa kay Cristo na ginawang Panginoon. • Kung tatanggapin ito, darami ang Diyos sapagkat si Abraham man ay tinawag ding Panginoon ni Sara (I Ped. 3:6).

ARGUMENTO #43: Si Cristo ay omnipotente. Pinatutunayan ito ng mga himala at kapangyarihang taglay Niya (Mat. 28:18; I Cor.15:25).

SAGOT: • Ang omnipotente o ang Diyos na makapangyarihan sa lahat ay ang Ama at hindi ang Anak (II Cor. 6:18) na nagbigay kay Cristo ng lahat ng kapamahalaan o kapangyarihan (Mat. 28:18; 11:27). • Ayon kay Cristo, hindi Siya makagagawa ng anuman sa Kaniyang sarili (Juan 5:30) at susuko Siya sa Ama – iba ang susuko sa susukuan (I Cor. 15:27-28 MB)

ARGUMENTO #44: Sinasabi na, “sa pangalan ng Ama at ng Anak at ng ES” at hindi sa mga pangalan bagama’t 3 sila. Ito’y isang Diyos na may 3 Persona. (Mat. 28:19)

SAGOT: • Walang banggit na sila’y 3 Persona. Iisa lamang ang tunay na Diyos – ang Ama (Juan 17:3, 1). Ang “pangalan” sa Mat. 28:19 ay tumutukoy sa kapangyarihan o authority (Gawa 4:7, 10 MB at Moffatt) at hindi sa likas na kalagayan. • Babautismuhan sa pangalan ng Ama ay ang pagpapabalik-loob sa Diyos (I Ped. 3:21 TLB). • Babautismuhan sa pangalan ng Anak ay sa ikapagpapatawad ng kasalanan (Gawa 2:38). • At babautismuhan sa pangalan ng ES para maging sariling pag-aari ng Diyos at maligtas (Efe. 1:13-14 MB)

ARGUMENTO #45: May kapangyarihang magpatawad ng kasalanan si Cristo. Sino ang makapagpapatawad ng kasalanan kundi ang Diyos lamang. (Mar. 2:5,7)

SAGOT: • Hindi dahil sa nakapagpapatawad ng kasalanan si Cristo ay Diyos na Siya sapagkat binigyan lamang ng Diyos si Cristo ng karapatang makapagpatawad ng kasalanan – iba ang nagbigay sa binigyan (Gawa 5:31; Mar. 2:10). • Darami ang Diyos kung tatanggapin ito dahil ang mga apostol man ay binigyan din ng karapatang magpatawad ng kasalanan (Juan 20:21- 23). • Inutusan ang mga Cristiano na magpatawad sa isa’t isa gaya ng pagpapatawad ng Ama (Efe. 4:32; Mat. 18:21)

ARGUMENTO #46: Si Cristo ang karunungan ng Diyos na binabanggit na nagsusugo ng mga propeta at mga apostol kaya existido na noon pang una bilang Diyos. (Luk. 11:49)

SAGOT: • Walang sinabi na si Cristo ay existido na noon bilang Diyos. Ang Diyos sa Kaniyang karunungan ay nagsasalita (NIV, NLT, TLB). Dalawang bagay ang ipinakikita sa talatang ito; (1) ang Diyos ang nagsasalita at (2) ang Diyos na nagsasalita ay may karunungan. • Hindi magbukod ang karunungan, sa Diyos na nagtataglay ng karunungan. Ang karunungan ng Diyos ay tumutukoy mismo sa kabuuan ng Diyos. Ito ay figure of speech (synecdoche-bahagi na ginamit para tukuyin ang kabuuan o kabuuan para tumukoy sa bahagi). • Halimbawa, ang pahayag na bibig ng Diyos (Isa. 1:20), tumutukoy ito hindi lamang sa bibig kundi sa sinabi ni Yahweh o ng Diyos (MB). Isa pang halimbawa ay kamay ng Diyos (Isa. 60:21), di lamang kamay ng Diyos ang tinutukoy kundi sa mismong kabuuan ng Diyos (MB). Si Cristo man na tinatawag na propeta at apostol (Gawa 3:20-22 at Heb. 3:1) ay kasama sa mga isinugo ng Diyos (Juan 8:42).

ARGUMENTO #47: Ang nagturo kay Moises ay si Cristo mismo kung kaya’t naisulat niya ang tungkol kay Cristo. Kaya existido na si Cristo noonpang una bilang Diyos. (Luk.24:26-27) ARGUMENTO #48: Ang tinutukoy sa talata na Verbo ay si Cristo na may kalagayan na noon pang una. Ang sabi “ang Verbo ay Diyos..at nagkatawang-tao ang Verbo”. Samakatwid, si Cristo na Verbo ay Diyos na nagkatawang-tao. (Juan

SAGOT: • Walang sinabi na si Cristo mismo ang nagturo kay Moises. Hindi si Moises ang tinuruan ni Cristo kundi ang mga alagad na ayaw maniwala sa mga pagbabata na gagawin Niya (Luk. 24:25-27 MB). • Ang katunayang hindi pa existido si Cristo sa panahon ni Moises ay ang sinabi ng Diyos kay Moises na magpapalitaw Siya ng propetang gaya ni Moises (Deut. 18:18), na ang katuparan ay si Cristo (Gawa 3:20-22)

ARGUMENTO #48: Ang tinutukoy sa talata na Verbo ay si Cristo na may kalagayan na noon pang una. Ang sabi “ang Verbo ay Diyos..at nagkatawang-tao ang Verbo”. Samakatwid, si Cristo na Verbo ay Diyos na nagkatawang-tao. (Juan 1:1, 14)

Mali ang kanilang pagkaunawa. Walang sinabi sa talata na ang Verbo ay si Cristo na may kalagayan na noon pang una. Wala ring sinabi na si Cristo ay Diyos na nagkatawangtao. Sa unang pahayag pa lamang ng talata ay natitiyak natin na hindi Diyos ang Verbo. Bakit? Sapagkat ang sabi, “Nang pasimula siya ang Verbo”, ang Diyos ay walang pasimula (Awit 90:2). Mali ang kanilang pagkaunawa sa teminong Verbo. Ang kahulugan ng Verbo ay hindi si Cristo mismo na may kalagayan na, kundi ito’y kaisipan pa lamang ng Diyos tungkol kay Cristo (Juan 1:1 BTK, fn). Ang sabi pa sa talata “ang Verbo ay sumasa Diyos”. Kung tatanggaping Diyos ang Verbo magiging 2 ang Diyos – ang Diyos na kinaroroonan ng Verbo at ang Verbo na Diyos. Labag na sa Juan 17:3,1 na ang Ama lamang ang iisang Diyos na tunay. Ang kahulugan lamang na ang Verbo ay sumasa Diyos ay “nasa isip (o sumasa-isip) na nang Diyos si Cristo mula pa nang pasimula”, kaya wala pang kalagayan ang Cristo nang pasimula kundi isip, balak, at plano pa lamang (I Ped. 1:20 BTK). Kung may kalagayan na paplanuhin pa ba? Hindi na. Nagkaroon lamang ng Cristo sa kalagayan nang ipanganak Siya ni Maria (Gal.4:4). Ayon pa sa talata, “ang Verbo ay Diyos”. Hindi nangangahulugang Diyos sa kalagayan ang Verbo. Sa saling Ingles, ang banggit ay “the Word was divine”. Kaya, ang pagkakagamit ng terminong Diyos sa talata ay hindi pangngalan (noun) kundi adjective (pang-uri). Magkauri ang Diyos at ang Kaniyang salita – ang Diyos ay makapangyarihan sa lahat (Gen. 35:11), at ang Kaniyang salita ay may kapangyarihan (Luk. 1:37). Inuuri ng terminong Diyos (divine) ang salitang Verbo. Ano naman ang katumbas ng pahayag na, “..at nagkatawang-tao ang Verbo?”. Natupad ang salita at tao ang katuparan (Mat. 1:18, 20)

ARGUMENTO #49: All things were made by Him. Kaya si Cristo ang gumawa ng lahat ng bagay, kung gayon Siya’y manlalalang. (Juan 1:3 KJV)

SAGOT: • Walang sinabi na si Cristo ay manlalalang o Creator. Si Yahweh lamang na mag-isa ang manlilikha (Isa. 44:24 MB; 45:18 MB). • Si Yahweh ay ang Ama at hindi ang Anak (Isa. 63:16 MB; 64:8 MB). Sa Juan 1:3 RSV, ang banggit ay through him (ibig sabihin ay Tagapamagitan o mamamagitan). • Anong katumbas ng “lahat ng mga bagay ay ginawa sa pamamagitan ni Cristo”? Ibig sabibin, lahat ng bagay ay nilalang ng Diyos para iukol kay Cristo at upang ipamagitan naman ni Cristo sa Diyos (Col. 1:16; Heb. 2:10). Si Cristong Tagapamagitan ay totong tao (I Tim. 2:5 CEV) at iisa ang Diyos na pamamagitanan Niya (Gal. 3:20) walang iba kundi ang Ama (I Cor. 8:6).

ARGUMENTO #50: Si Cristo ang tinutukoy ni J.Bautista na “nasa hulihan ko ay magiging una sa akin, sapagkat siya’y una sa akin”. Kaya existido na si Cristo noon pang una bilang Diyos. (Juan 1:15)

SAGOT: • Walang mababasa na si Cristo’y existido na noon pang una bilang Diyos. Ang pahayag na si Cristo’y magiging una kay J. Bautista ay hindi tumutukoy sa panahon kundi sa rank (ranggo), higit si Cristo kay J. Bautista (NPV at MB), sa TEV ang banggit ay “He is greater than I am”. • Ang banggit naman na “siya’y una sa akin” ay nangangahulugang nauna si Cristo sa panukala o plano ng Diyos kaysa kay J. Bautista dahil nasa isip na ng Diyos si Cristo bago pa ang mundo (I Ped. 1:20 BTK).