• Shuffle
    Toggle On
    Toggle Off
  • Alphabetize
    Toggle On
    Toggle Off
  • Front First
    Toggle On
    Toggle Off
  • Both Sides
    Toggle On
    Toggle Off
  • Read
    Toggle On
    Toggle Off
Reading...
Front

Card Range To Study

through

image

Play button

image

Play button

image

Progress

1/22

Click to flip

Use LEFT and RIGHT arrow keys to navigate between flashcards;

Use UP and DOWN arrow keys to flip the card;

H to show hint;

A reads text to speech;

22 Cards in this Set

  • Front
  • Back
  • 3rd side (hint)

Webster (1974)

Ayon kay _______, ang wika ay isang sistema ng komunikasyon sa pagitan ng mga tao sa pamamagitan ng pasulat o pasalitang simbolo.

Archibald A. Hill.

Ayon sa kaniya, "Ang Wika ang pangunahin at pinaka elaboreyt na anyo ng simbolikong gawaing pantao."

Isang Amerikanong linguist

Henry Gleason

Ayon sa kaniya, "Ang wika ay masistemang balangkas ng sinasalitang tunog na pinipili at isinasaayos sa paraang arbitrarto upang magamit ng mga taong kabilang sa isang kultura.

Virgilio Almario

Ayon sa kaniya "Ang wika ay ang una at pangunahing pamanang pangkultura bg bawat pangkating tao, pinakamahalaga ito sa lahat ng tinatawag natin intangible cultural heritage"

Pambansang Alagad ng Sining sa Larangan ng Literatura at NCCA Chairperson.

- Ito ay isang paraan ng komunikasyon


- Ito ang paraan ng tao para maintindihan niya ang kanyang sarili at maibahagi niya sa iba ang kanyang gustong sabihin.


-Sinasalamin ng wika ang kultura ng isang grupo, komunidad, lipunan, at bansa sa iba't ibang panahon at henerasyon.

Ang wika ay mahalaga sa indibidwal dahil:

1. May sistematik na balangkas


2. Binibigkas na tunog


3. Pinipili at isinasaayos


4. Ang wika ay arbitraryo


5. Ang wika ay nakabatay sa kultura.


6. Patuloy na ginagamit


7. Ang wika ay dinamiko

Mga Katangian ng Wika (Garcia et,al. 2008)

Wikang Pambansa

Ito ang natatanging wika na representasyon ng isang bansa at may koneksyon sa lahat ng wikang umiiral sa bansa. Ito ay kailangang nasa estado ng lingua franca at dapat sa sumasailalim sa pagkilala ng batas. (Aguilar et al 2016.21)

Lingua franca

Pangunahing wika na ginagamit at nauunawaan ng nakakaraming bilang ng nga mamamayan ng isang bansa.

Sek. 3 ng Artikulo XIV, Saligang Batas ng 1935

Ang Kongreso ay gagawa ng hakbang tungo sa pagkakaroon ng isang wikang pambansa na ibabatay sa isa sa mga umiiral na katutubong wika sa Pilipinas. Hanggat walang itinatadhana ang batas, ang Ingles at Kastila at patuloy na mga wikang opisyal.

Batas Komonwelt Blg. 184 1936


Pinagtibay ang pagtatakda ng lupon. Kapangyarihan at tungkulin tungo sa pagbuo ng wikang pambansa batay sa isa sa mga umiiral na katutubong wika sa bansa.

Kautusang Tagapagpagpaganap Blg. 134, 1937


Kautusang nagsasabing ang wikang pambansa ng Pilipinasay ibabatay sa Tagalog alinsunod sa rekomendasyon ng Surian ng Wikang Pambansa.

Ito ang sinasalita at nauunawaan ng lalong maraming Pilipino. Ito ay may pinakamayaman na talasalitaan at panitikang naisulat.Ito ang ginagamit ng sentro ng kalakalan, edukasyon, at pamahalaan.

Bakit Tagalog ang naging batayan ng wikang pambansa?

Kautusang Tagapagpagpaganap Blg. 263 1940

Sa bisa nito sinimulang ituro ang wikang pambansa na batay sa Tagalog sa mga paaralan.

Batas Komonwelt Blg. 570, 1946


Batas na nagtatadhana na ang Tagalog ay magiging isa sa mga wikang opisyal ng Pilipinas

Kautusang Pangkagawaran Blg. 7, 1959


Nilagdaan ni Kalihim Jose P. Romero ng Kagawaran ng Edukasyon ang kautusan kung saan mula Tagalog ay nagging Pilipino ang tawag sa ating wikang pambansa

Sek. 6, Artikulo XIV ng Saligang Batas ng 1987


Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang nalilinang, ito ay dapat payabungin at pagyamanin pa salig sa umiiral na mga wika ng Pilipinas at sa iba pang mga wika.

Batas Republika Blg. 7140, 1991


Nabuo ang Komisyon ng Wikang Filipino (KWF) na may tungkuling magsagawa, mag-ugnay at magtaguyod ng mga pananaliksik para sa pagpapaunlad ng Filipino

WIKANG OPISYAL


Ang wika na itinadhana ng batas na maging opisyal na wika sakomunikasyon, transakyon o pakikipag-ugnayan ng mga mamamayan sapamahalaan; sa pasalita at higit na lalo sa pasulat na paraan.

Sek. 7. Artikulo XIV ng Saligang Batas 1987


Ukol sa mga layunin ng komunikasyon at pagtuturo, ang mga wikang opisyal ng Pilipinas ay Filipino at, hangga't walang ibang itinatadhana ang batas, Ingles. Ang mga wikang panrehyon ay pantulong na mga wikang opisyal sa mga rehyon at magsisilbi na pantulong na mga wikang panturo roon.

WIKANG PANTURO


Ito ang wikang opisyal na ginagamit bilang midyum ng pag- aaral sa sistema ng edukasyon. Ito ang tawag sa wikang ginagamit ng guro sa pagtuturo sa paaralan.

ARTIKULO IX. SEKYON 7 NG SALIGANG BATAS 1987


Sinasabi na ang wikang panturo na gagamitin sa paaralan ay Filipino at Ingles. Samantala, ang mga wikang panrehiyon ay magsisilbing mga pantulong na wikang panturo.

DepEd Order No. 74. Series 2014

Noong Hulyo 14, 2014, inilabas ang Kagawaran ng Edukasyon ang kautusan na paggamit ng unang wika bilang midyum ng pagtuturo sa mga mag-aaral ng Kinder hanggang Baitang 3 na makikita sa implementasyon ng K-12 Curriculum.