• Shuffle
    Toggle On
    Toggle Off
  • Alphabetize
    Toggle On
    Toggle Off
  • Front First
    Toggle On
    Toggle Off
  • Both Sides
    Toggle On
    Toggle Off
  • Read
    Toggle On
    Toggle Off
Reading...
Front

Card Range To Study

through

image

Play button

image

Play button

image

Progress

1/40

Click to flip

Use LEFT and RIGHT arrow keys to navigate between flashcards;

Use UP and DOWN arrow keys to flip the card;

H to show hint;

A reads text to speech;

40 Cards in this Set

  • Front
  • Back

Ano ang wika ayon kay Consuelo Paz (2003)?

- sistema ng mga arbitraryong simbolo ng mga tunog

Ayon kay Consuelo Paz (2003), sino ang gumagamit ng wika, at para saan?

- tao sa loob ng isang komunidad


- para sa komunikasyon

Ayon kay Consuelo Paz (2003), ano ang mga katangian ng wika?

- sistematiko, malikhain, at patuloy na nagbabago


- may iba't ibang anyo at gamit

Ano ang gramatika?

- sistema ng mga pamantayan kung paano nakabubuo ng mga pangungusap sa isang wika

Ano ang limang paghahati ng gramatika?

1. Ponetika


2. Ponolohiya


3. Morpolohiya


4. Sintaks


5. Semantiks

Saan nakatuon ang ponetika?

- artikulasyon, katangian, at bigkas ng mga tunog

Ano ang tinatalakay sa ponolohiya?

- pagsasaayos ng mga makabuluhang tunog o ponema

Ano ang bunga ng ponolohiya, at ano ang istraktura nito?

- pagbubuo ng pantig


- isang patinig at isang katinig, ngunit posibleng may klaster sa salitang-hiram

Ano ang morpema? Ano ang mga halimbawa nito?

- pinakamaliit na yunit ng salita na nagtataglay ng kahulugan


- salitang-ugat at panlapi

Ano ang binibigyang-pansin ng sintaks?

- pagbuo ng pangungusap, mula sa bahagi hanggang sa pagpapalawak nito

Ano ang kinalaman sa semantiks?

- pagbibigay-interpretasyon sa mga kahulugan ng mga salita at pangungusap

Bakit mahalaga ang semantiks?

- upang mas magtagumpay sa pag-unawa ang mga taong gumagamit ng wika

Aling tatlong uri ng pagpapahayag ang siyang nagpapakita ng pagkamalikhain ng wika, ayon kay Chomsky (1965)? Bakit ito mahalaga?

- iniisip


- nararamdaman


- nararanasan


- kakayahang nasa tao lamang

Bakit nasasabing dinamiko ang isang wika?

- maaaring magbago ang pagpapakahulugan, pagbigkas, o pagbabaybay


- nadadagdag ang mga salita dahil sa pangangailangan at modernisasyon

Ano ang unang wika? Ano ang ibang tawag dito?

- kinalakihang wika


- bernakular

Ano ang ikalawang wika?

- anang wikang natutunan matapos ang unang wika

Ayon sa Komisyon ng Wikang Filipino, ano ang wikang panturo?

- ginagamit sa pagtuturo sa pag-aaral


- pagsulat ng aklat at kagamitan sa pagtuturo

Ano ang wikang opisyal, at ano ito sa Pilipinas?

- wikang itinadhana sa batas na maging wika sa anumang opisyal na pakikipag-ugnayan ng pamahalaan


- Filipino at Ingles

Ano ang wikang pambansa, at saan ito nakasaad?

- nagsisilbing pambansang sagisag


- Filipino sa 1987 Konstitusyon

Ano ang tawag sa wikang pambansa, opisyal, at panturo?

- de jure

Ano ang linggwa frangka?

- wikang komon na sinasalita ng mga taong may magkaibang katutubo o unang wika

Ano ang mga linggwa frangka sa Luzon, Visayas, at Mindanao?

- Luzon: Ilokano sa hilaga, Tagalog sa gitna at timog


- Visayas: Cebuano at Hiligaynon


- Mindanao: Cebuano/Bisaya at Tausug

Ano ang dayalek?

- pagbabago sa wika dala ng lokasyong heograpikal

Ano ang sosyolek?

- varyati ng wika batay sa kasarian, edad, trabaho, at ibang panlipunang salik

Magbigay ng tatlong (3) halibawa ng dayalek

1. Landi: tubig sa Quezon, relasyon sa Bulacan


2. Urong: paghugas ng pinagkainan sa Bulacan, paglipat ng posisyon sa Maynila


3. Ga sa Batangas, ba sa Bulacan

Magbigay ng tatlong (3) halimbawa ng sosyolek

1. Jejemon


2. Datkilab: lodi, werpa


3. Swardspeak: pak ganern

Ano ang idyolek?

- varyati ng wika na yunik sa bawat indibidwal, at bahagi ng pagkakakilanlan nito

Ano ang register?

- pagbabago ng wika batay sa sitwasyon na kinakaharap ng nagsasalita

Ayon kay Mehrabian (1971), ilang porsyento ng salita ay namumula sa di-berbal na komunikasyon?

- 93%

Ano ang labing-isang (11) di-berbal na anyo ng komunikasyon?

1. Kinesika


2. Proksemika


3. Kronemika


4. Haptiks


5. Bokaliks/ Paralanguage


6. Aykoniks


7. Olpaktoriks


8. Kulay


9. Pananamit


10. Katahimikan


11. Kapaligiran

Ano ang kinesikang uri ng di-berbal na komunikasyon, at ano ang isang halimbawa nito?

- paggamit ng bahagi ng katawan


- hindi pagkaunawa sa pagkamot ng ulo

Ano ang proksemikang uri ng di-berbal na komunikasyon, at ano ang isang halimbawa nito?

- paggamit ng espasyo


- espasyo sa pagitan ng guro at estudyante

Ano ang kronemikang uri ng di-berbal na komunikasyon, at ano ang isang halimbawa nito?

- paggamit ng oras


- tamad o walang gana kung laging nahuhuli

Ano ang haptiks na uri ng di-berbal na komunikasyon, at ano ang isang halimbawa nito?

- paghawak ng tao


- pagpisil ng nguso kapag gigil

Ano ang bokaliks o paralanguage na uri ng di-berbal na komunikasyon, at ano ang isang halimbawa nito?

- tono ng tinig, pagbigkas, o bilis


- pagsutsot

Ano ang aykoniks na uri ng di-berbal na komunikasyon, at ano ang isang halimbawa nito?

- paggamit ng simbolo


- panlalaki o pambabae sa palikuran

Ano ang olpaktoriks na uri ng di-berbal na komunikasyon, at ano ang isang halimbawa nito?

- pagbibigay-kahulugan sa amoy


- naaalala ang nakaraan dahil sa amoy

Ano ang kulay na uri ng di-berbal na komunikasyon, at ano ang dalawang (2) halimbawa nito?

- paggamit ng kulay


- pagiging swerte ng pula sa Tsino


- pagiging malinis o dalisay ng puti

Magbigay ng tatlong (3) halimbawa ng di-berbal na komunikasyon sa Pilipino

1. Pagtaas ng ulo kasabay ang pag-usli ng nguso upang ituro ang posisyon


2. Pagmamano sa nakatatanda


3. Pagkibit-balikat upang ipakita ang pagwawalang-bahala

Ano ang kahalagahan sa pagiging pamilyar sa iba't ibang kahulugan ng di-berbal na komunikasyon?

- batay ito sa kultura o grupo


- upang maiwasan ang maling interpretasyon na maaaring magbunga ng hindi pagkakaunawaan