• Shuffle
    Toggle On
    Toggle Off
  • Alphabetize
    Toggle On
    Toggle Off
  • Front First
    Toggle On
    Toggle Off
  • Both Sides
    Toggle On
    Toggle Off
  • Read
    Toggle On
    Toggle Off
Reading...
Front

Card Range To Study

through

image

Play button

image

Play button

image

Progress

1/9

Click to flip

Use LEFT and RIGHT arrow keys to navigate between flashcards;

Use UP and DOWN arrow keys to flip the card;

H to show hint;

A reads text to speech;

9 Cards in this Set

  • Front
  • Back

HEBREO 1:1-2

Ang Dios, na nagsalita nang unang panahon sa ating mga magulang sa iba't ibang panahon at sa iba't ibang paraan sa pamamagitan ng mga propeta, ² Ay nagsalita sa atin sa mga huling araw na ito sa pamamagitan, ng kaniyang anak, na siyang itinalaga na tagapagmana ng lahat ng mga bagay, na sa pamamagitan naman niya'y ginawa ang sanglibutan;

JEREMIAS 30:2

² Ganito ang sinasalita ng Panginoon, ng Dios ng Israel, na nagsasabi, Iyong isulat sa Isang aklat ang lahat ng mga salita na aking sinalita sa iyo.

II TIMOTEO 3:15-17

¹⁵ At mula sa pagkabata ay Iyong nalalaman Ang mga banal na kasulatan na makapagpadunong sa iyo sa ikaliligtas sa pamamagitan ng pananampalataya kay Cristo Jesus. ¹⁶ Ang lahat ng mga kasulatan na kinasihan ng Dios ay mapapakinabangan din naman sa pagtuturo, sa pagsansala, sa pagsaway, sa ikatututo na nasa katuwiran: ¹⁷ Upang ang tao ng Dios ay maging sakdal, tinuruang lubos sa lahat ng mga gawang mabuti.

APOCALIPSIS 10:4

⁴ At pagkaugong ng pitong kulog, ay isusulat ko sana: at narinig ko ang isang tinig na mula sa langit, na nagsasabi, Tatakan mo ang mga bagay na sinalita ng pitong kulog, at huwag mong isulat.

JUAN 17:17

¹⁷ Pakabanalin mo sila sa katotohanan: ang salita mo'y katotohanan.

ISAIAS 46:11-13

¹¹ Na tumatawag ng ibong mandaragit mula sa silanganan, ng tanong gumagawa ng aking payo mula sa malayong lupain; oo, aking sinalita, akin namang papangyayarihin; aking pinanukala, akin namang gagawin.¹² Inyong dinggin ako, ninyong may mapagmatigas na loob; na malayo sa katuwiran: ¹³ Aking inilalapit ang aking katuwiran, hindi maglalaon at ang aking pagliligtas ay hindi magluluwat: at aking ilalagay Ang kaligtasan sa Sion na ukol sa Israel na aking kaluwalhatian.

MATEO 24:6-8

⁶ At mangakakarinig kayo ng mga digmaan at mga alingawngaw ng mga digmaan; ingatan ninyo na huwag kayong magulumihanan: sapagkat kinakailangang ito'y mangyari datapuwa't hindi pa ang wakas. ⁷ Sapagka't magsisitindig ang bansa laban sa bansa, at ang kaharian laban sa kaharian; at magkakagutom at lilindol sa iba't ibang dako. ⁸ Datapuwa't ang lahat ng mga bagay na ito ay siyang pasimula ng kahirapan.

DANIEL 12:4

⁴ Nguni't ikaw, Oh Daniel, isara mo ang mga salita, at tatakan mo ang aklat, hanggang sa panahon ng kawakasan: marami ang tatakbo ng paroo't parito, at ang kaalaman ay lalago.

II TIMOTEO 3:1-5

¹ Datapuwa't alamin mo ito, na sa mga huling araw ay darating ang mga panahong mapanganib. ² Sapagka't ang mga tao'y magiging maibigin sa kanilang sarili, maibigin sa salapi, mayayabang, mga mapagmalaki, mapagtungayaw, masuwayin sa mga magulang, mga walang turing, mga walang kabanalan, ³ Walang katutubong pagibig, mga walang paglulubag, mga palabintangin, mga walang pagpipigil sa sarili, mga mabangis, hindi mga maibigin sa mabuti, ⁴ Mga lilo, mga matitigas Ang ulo, mga palalo, mga maibigin sa kalayawan kay sa mga maibigin sa Dios; ⁵ Na may anyo ng kabanalan, datapuwa't tinanggihan ang kapangyarihan nito: lumayo ka rin naman sa mga ito.