• Shuffle
    Toggle On
    Toggle Off
  • Alphabetize
    Toggle On
    Toggle Off
  • Front First
    Toggle On
    Toggle Off
  • Both Sides
    Toggle On
    Toggle Off
  • Read
    Toggle On
    Toggle Off
Reading...
Front

Card Range To Study

through

image

Play button

image

Play button

image

Progress

1/49

Click to flip

Use LEFT and RIGHT arrow keys to navigate between flashcards;

Use UP and DOWN arrow keys to flip the card;

H to show hint;

A reads text to speech;

49 Cards in this Set

  • Front
  • Back

Hakbang kung saan nagparamihan ng armas ang mga bansa at pinalakas ang kanilang mga hukbong sandatahan para sa posibilidad ng isang digmaan.

Militarismo

Itinatag ng Germany kasama ang Austria-Hungary at Italy. Naging kasapi din ang Russia.

Triple Alliance o Central Powers

Sa ilalim ng kanyang pamumuno, nilayon ng Germany na patatagin ang Germany at bukurin ang katunggaling France upang maiwasan ang sagupaan sa pagitan nila.

Otto von Bismarck

Nang maging kaiser, hinayaan niyang mawakasan ang kasunduan sa Russia at nagsimulang palakasin ang hukbo ng Germany upang makamit ang ambisyong maging higit na malakas na bansa kaysa sa Great Britain.

Wilhelm II

Ikinabahala ng nila ang hakbang ng Germany dahilan para itatag ito ng Great Britain kasama ang France at Russia.

Triple Entente o Allied Forces

Ito ang naging ugat sa pagkagapi ng France sa Franco-Prussian War, kung saan naangkin ng Germany ang Alsace-Lorraine; at sa alitan kaugnay sa Africa, kung saan naangkin naman ng France ang pinag-aagawang Morocco.

Tunggalian sa pagitan ng France at Germany

Siya ang tagapagmana ng trono ng Austria-Hungary na pinaslang.

Archduke Franz Ferdinand

Asawa ni Ferdinand

Sophie

Siya ang salarin sa pagkakamatay ni Ferdinand. Isa siyang Serbian at kasapi ng Black Hand, isang samahang naglayong palayain ang Bosnia-Herzegovina mula sa Austria.

Gavrilo Princip

Naging dahilan upang magdeklara ang Austria ng digmaan laban sa Serbia.

Sa udyok ng Germany, pinanagot ng Austria ang Serbia. Nagbigay ito ng ultimatum na nabigong tuparin ng Serbia.

Itinuring ng Germany ang hakbang na ito bilang isang deklarasyon ng digmaan, dahilan upang magdeklara ito ng pakikidigma sa Russia. Hindi na rin hinintay ng Germany na kumilos ang kaalyadong France ng Russia, nagdeklara din ito ng digmaan sa France.

Pagpapadala ng kaalyadong Russia ng Serbia ng hukbo sa Austria at Germany.

Iniiwasang sitwasyon ni Bismarck.

Naharap ang Germany sa isang digmaan sa pagitan ng magkabilang panig nito: France sa kanluran at Russia naman sa silangan.

Hunyo 28, 1914

Pagpaslang kay Franz Ferdinand at Pagdedeklara ng Austria ng digmaan sa Serbia.

Agosto 1, 1914

Pagdedeklara ng Germany ng digmaan sa Russia.

Agosto 3, 1914

Pagdedeklara ng Germany ng digmaan sa France.

Agosto 4, 1914

Pagdedeklara ng Great Britain ng digmaan sa Germany.

Isinagawa ng Germany ang paglusob nito gamit ang Schlieffen Plan na inihanda niya.

Heneral Alfred Grag von Schlieffen

Sa planong ito, unang sasalakayin ng hukbong German ang France sa kanlurang panig ng Germany. Pagkatapos magapi ang France, mabilis na sasalakayin naman ng hukbong German ang Russia.

Schlieffen Plan

Ikinagalit ng Great Britain at naging dahilan kung bakit lumahok na din ang Great Britain sa digmaan.

Sa pananalakay sa France, pinlano ng Germany na dumaan sa hilaga nito,ang Belgium. Nang bigong matanggap ang pahintulot ng Belgium na isang bansang neutral at kaalyado ng Great Britain, sinalakay ito ng Germany.

Setyembre 5, 1914

Battle of Marne. Sinalubong ng Allied Forces ang hukbong German sa lambak ng Ilog Marne, malapit sa Paris, France.

Setyembre 13, 1914

Napaatras ng Allied Forces ang hukbong German nang may 97 kilometro. Ito ang nagtakda ng pagkabigo ng Schlieffen Plan.

Unang bahagi ng 1915

Trench Warfare. Naghukay ang magkabilang kampo ng trenches, bilang proteksiyon sa katunggaling hukbo. Mula sa trenches sumugod ang mga sundalo.

Pebrero 1916

Battle of Verdun. Naglaban ang pinagsamang puwersa ng mga British at French laban sa mga German malapit sa Verdun. Napaatras ng mga German ang Allied Forces nang may pitong kilometro.

Hulyo 1916

Battle of Somme. Naglaban ang pinagsamang puwersa ng British at French laban sa mga German sa lambak ng Ilog Somme. Napaatras ng Allied Forces ang mga German nang may walong kilometro.

Agosto 1914

Napaatras ng hukbong German ang mga Russian sa Battle of Tannenberg.

Sa labanang ito, nabawi ng Germany ang silangang Prussia at nagkamit ng baril at mga kabayo mula sa mga nagaping Russian.

Battle of Tannenberg

Setyember 1914

Nagkamit ng dalawang tagumpay ang mga Russian laban sa mga Austrian.

Disyembre 1914

Tuluyang nagapi ang mga Russian ng Austrian.

Sa taong ito, humina na ang puwersa ng Russia. Sa kahabaan ng digmaan, lumiit ang suplay ng kagamitaang pandigma at pagkain ng bansa. Sapagkat kontrolado ng Central Powers ang Mediterranean Sea, hindi makapagpadala ang Allied Forces ng tulong sa Russia.

1916

Lumaganap na din dito ang digmaan. Sa pagkakataong ito, tuluyan nang naging isang pandaigdigang digmaan ang tunggalian sa pagitan ng Allied Forces at Central Powers.

Asya-Pacific

Nagsimulang salakayin ng Allied Forces, pangunahin ng Japan.

Ang mga kolonya ng Germany sa Africa at Asya. Sa panahong ito, napasabak na rin sa digmaan ang mga kolonyang Asyano ng mga French at British.

Sa araw na ito, nakilahok na din ang US sa digmaan sa utos ni Pangulong Woodrow Wilson.

Abril 2, 1917

Dalawang pangunahing pangyayari na nagudyok sa US para sumali sa digmaan.

¤ ang pagpapatupad ng Germany ng unrestricted submarine warfare, kung saan pinasabog ang lahat ng sasakyang pandagat malapit sa Great Britain; at


¤ ang pagtuklas ng Zimmerman Note kung saan nakasaad na tutulungan ng Germany na mabawi ng Mexico ang teritoryo nito mula sa US kung papanig ito sa kanila.

Kung saan tuluyan nang sumuko ang Russia sa Germany. Sa pag-atras ng Russia sa digmaan, ipinadala ng Germany ang lahat ng lakas-militar nito sa kanlurang prontera.

Marso 1918

Dito nagharap ang hukbong German at hukbong French na pinamunuan ni Marshal Ferdinand Foch sa Ikalawang Battle of Marne. Sinuportahan ng bagong pangkat ng mga sundalong Amerikano ang hukbo ni Foch sa paglusob sa Germany.

Sa France

Mga kasapi ng Central Powers na nagapi ng Allies.

Bulgaria, Imperyong Ottoman, at Austria-Hungary

Dito, nag-aklas ang mga mamamayan laban sa pamahalaan. Bumaba sa katungkulan si Wilhem. Matapos ang dalwang araw, lumagda ang Allies at kinatawan ng Germany ng isang kasunduan na tuluyang nagwakas ng Unang Digmaang Pangdaigdig.

Sa Germany

Ika-24 ng Disyembre 1914

Nagkaroon ng tigil-putukan sa pagitan ng Allied Forces at Central Powers. Nagpalitan sila ng regalo, nag-awitan, at nagkasiyahan. Tinawag itong "Christmas Truce".

Naging epekto ng digmaan.

Malaki ang naging pinsala nito. Kabilang dito ang pagkasawi ng may siyam na milyong sundalo at 13 milyong sibilyan. Humina at tuluyang bumagsak ang Imperyong Ottoman at Imperyong Russia; at ang paglaya ng ilang kolonya tulad ng Finland, Estonia, Latvia, at Lithuania.

Upang maibalik ang kapayapaan ay nagpulong ang 32 bansa sa tinaguriang Paris Peace Conference.

Kabilang sa lumahok ang tinaguriang Big Four- Great Britain, US, Italy, at France. Ilan sa mahahalagang napagkasunduan ang pagtatatag ng League of Nations, pagpapatupad ng mandate system, at paglagda ng Kasunduan sa Versailles.

Itinatag noong 1920, layunin nitong magsilbing forum para sa mga usaping internasyonal at tagapagtaguyod ng pandaigdigang kapayapaan. Bagama't US ang nagpanukala ng pagtatatag ng liga, hindi ito sumapi sa pangkat.

League of Nations

Sa pagpapatupad ng Allies ng mandate system, ipinagkatiwala ang mga kolonya ng mga German at Turk sa Africa at Kanlurang Asya sa mga Allies hanggang sa magkaroon umano ang mga ito ng kakayahan sa pagsasarili.

Mandate System

Nilagdaan sa pagitan ng Germany at Allies. Sa naturang kasunduan, isinisi sa Germany ang pagsisimula ng digmaan.

Kasunduan sa Versailles

Mga ipinataw na parusa sa Germany.

¤ pagbabayad sa pinsala ng digmaan at gastusin ng Allies sa digmaan


¤ paghahati ng mga teritoryo ng Germany


¤ pagkuha ng mga kolonya ng Germany bilang mga mandato ng Allies; at


¤ paglimita sa bilang ng hukbong German at pagbabawal sa paggawa ng mga armas pandigma

Sa simula, ginamit lamang ang mga ito sa pang-eespiya, kalaunan ay ginamit ito sa paghuhulog ng bomba sa kalaban. Kinabitan din ito ng baril at ginamit sa mga labanang panghimpapawid.

Eroplano

Ginamit ng mga sundalo sa pakikidigma. Nagdulot ito ng pagka-bulag, mga paltos, at kamatayan. Bilang proteksiyon, nagsuot ang mga sundalo ng has mask.

Poison gas

Laganap na ginamit upang pumaslang nang mas maraming bilang ng kalaban. Ginamait ito partikular sa labanan sa trenches.

Machine gun

Ginamit din ito sa digmaan. Mababagal subalit matitibay na sasakyang pandigma. Una itong ginamit ng mga British sa Battle of Somme.

Tangke

Epektibong ginamit ng mga German sa unrestricted submarine warfare. Pinakamapinsalang armas nito ang torpedo.

Sabmarinong U-boat