Use LEFT and RIGHT arrow keys to navigate between flashcards;
Use UP and DOWN arrow keys to flip the card;
H to show hint;
A reads text to speech;
23 Cards in this Set
- Front
- Back
ang uri ng akademikong pagsulat na karaniwang ipinagagawa sa mgaestudyante sa mataas na paaralan at kolehiyo bilang isa sa mgapangangailangang akademiko- nagsisilbing kulminasyon ng mga pasulat na gawain kaugnay ng pag-aaral ngisang paksa sa isang kurso o subject sa loob ng isang panahon o term |
Pamanahong Papel |
|
Ang suliranin at kaligiran nito |
Kabanata 1 |
|
isang maikling talatang kinapapalooban ng pangkalahatang pagtalakay ng paksa ng pananaliksik. |
Panimula/Introduction |
|
Ipinakita ang dahilan kung bakit isinasagawa ang pag-aaral- Tinutukoy din dito ang mga ispesipikong suliranin na nasa anyong patanong. |
Layunin ng Pag-aaral |
|
inilalahad ang significance ng pagsasagawa ng pananaliksik o halaga ng pag-aaral sa iba't ibang indibidwal, pangkat, tanggapan, institusyon, propesyon, disiplina o larangan. |
Kahalagahan ng Pag-aaral |
|
tinutukoy ang simula at hangganan ng pananaliksik - Dito tinatakda ang parameter ng pananaliksik dahil tinutukoy dito kung ano-ano ang mga baryabol na sakop at hindi sakop ng pag-aaral. |
Saklaw at Limitasyon |
|
kung saan nakatala ang mga salitang madalas gamitin sa isinagawang pag-aaral kalakip ang konseptwal at operasyonal na pagpapakahulugan. - Ito ay makakatulong sa mambabasa upang higit maunawaan ang nilalaman ng isang pananaliksik. |
Depinisyon ng Terminolohiya |
|
Mga kaugnay na pag-aaral at literatura (related literature) - Dito naglalaman ng akademiko at propesyonal na mga babasahin na may kinalaman sa ginagawang pag-aaral |
Kabanata 2 |
|
Inilagay ng mananaliksik ang mga impormasyong nakalap mula sa mga aklat, dyornal, at artikulo sa mga website |
Kaugnay na Literatura |
|
Inilagay ng mananaliksik ang mga pag-aaral galing sa tesis o disertasyon na may kinalaman sa isinasagawang pananaliksik |
Kaugnay na Pag-aaral |
|
Disenyo ng paraan ng pananaliksik |
Kabanata 3 |
|
nililinaw kung anong uri ng pananaliksik ang kasalukuyang pag-aaral |
Disenyo ng Pananaliksik |
|
tinutukoy ang mga ito ng sarbey, kung ilan sila at paano at bakit silanapili. |
Respondente |
|
inilalarawan ang paraang ginamit ng mananaliksik sa pangangalap ng mg datos at impormasyon - Interbyu, pag-conduct ng sarbey at pagpapasagot ng kwestyoneyr |
Instrumento ng Pananaliksik |
|
inilalarawan kung anong estradistikal na paraan ang ginamit upang ang mga numerikal na datos ay mailarawan - hindi kailangang gumamit ng ma komplikadong estadistikal tritment. Sapat na ang pagkuha ng porsyento/ bahagdan matapos mai-tally ang mga kasagutan |
Tritment ng mga Datos |
|
Presentasyon at interpretasyon ng mga datos - inilalahad ang mga datos na nakalap ng mananaliksik sa pamamagitan ng tekstuwal at tabular o grapik na presentasyon - Sa teksto, inilalahad ng mananaliksik ang kanyang analisis o pagsusuri. |
Kabanata 4 |
|
Lagom, Konklusyon, at Rekomendasyon |
Kabanata 5 |
|
binubuod ang mga datos at impormasyon nakalap ng mananaliksik na komprehensibong tinatalaky sa Kabanata IV |
Lagom |
|
mga inference, abstraksyon, implikasyon, interpretasyon, pangkalahatang pahayag at/o paglalahad batay sa mga datos at impormasyon nakalap ng mananaliksik. - Pag “summarize” sa lahat na impormasyon |
Konklusyon |
|
mga mungkahing solusyon para sa mga suliraning natukoy o natuklasan sa pananaliksik. |
Rekomendasyon |
|
Isang maikling akademikong papel na nagbibigay ng pangkalahatang impormasyon tungkol sa isang panukalang saliksik |
Konseptong Papel |
|
Matapos makapili ng paksa, kailangan itong ilimita upang maiwasan ang masaklaw na pag-aaral - Mabibigyan ng direksyon at pokus ang pananaliksik at maiiwasan ang padampot-dampot o sabog na pagtalakay sa paksa |
Paglilimita ng Paksa |
|
MGA SALIK NA MAKA PAGLILIMITA NG PAKSA |
Perspektibo, Panahon, Uri, Edad, Kasarian, Lugar, Pangkat/Grupo |