• Shuffle
    Toggle On
    Toggle Off
  • Alphabetize
    Toggle On
    Toggle Off
  • Front First
    Toggle On
    Toggle Off
  • Both Sides
    Toggle On
    Toggle Off
  • Read
    Toggle On
    Toggle Off
Reading...
Front

Card Range To Study

through

image

Play button

image

Play button

image

Progress

1/37

Click to flip

Use LEFT and RIGHT arrow keys to navigate between flashcards;

Use UP and DOWN arrow keys to flip the card;

H to show hint;

A reads text to speech;

37 Cards in this Set

  • Front
  • Back

ano-ano ang limang makrong kasanayan

pagbasa,


pakikinig,


pagsasalita,


pagsulat,


panonood

ano ang pinaka ginagamit ng mga tao sa limang makrong kasanayan

pakikinig

ang pagtugon ng damdamin at kaisipan sa mga titik at simbolong nakalimbag sa pahina na nangangailangan ng masusing pag-iisip sa ipinahayag na mensahe ng sumulat.

pagbasa

isang proseso ng aktibong pakikipag-ugnayan o interaksyon ng bumabasa sa nakalimbag ng mga titik sa bawat pahina ng babasahin

pagbasa

nakapagpapalawak ng pananaw at paniniwala sa buhay

kahalagahan ng pagbasa

ano-ano ang kahalagahan ng pagbasa

1. nakapagpapalawak ng pananaw at paniniwala sa buhay


2. nakapagpapatatag sa tao na harapin ang mga di inaasahang suliranin sa pang araw-araw.


3. nakapagpapataas ng uri ng panlasa sa mga babasahin.


4. nagbibigay ng impormasyon na nagiging daan sa kabatiran at karunungan.


5. nakapagbibigay ng aliw at kasiyahan.


6. nakapagdudulot ng iba't ibang karanasan sa buhay


7. nagsisilbing susi sa malawak na karunungan na natipon ng daigdig sa mahabang panahon.

layunin ng pagbasa

upang makakuha ng mga impormasyon, mapalawak ang ating mga kaalaman, at mag-aliw.

mga technique ng pagbasa

1. iskaning


2. iskiming


3. kaswal


4. kritikal


5. komprehensibo


6. pribyuwing


7. replektib


8. muling-basa


9.pagtatala

mabilis na technique ito ng pagbasa na ang pokus ng mababasa ay makuha lamang ang mga espesipikong impormasyon

iskaning

mabilis sa teknik ng pagbasa na ang hinahanap ay ang pangkalahatang impormasyon

iskiming

teknik ng pagbasa kung saan ito ay pang-ubos oras lamang ng pagbasa

kaswal

teknik ng pagbasa kung saan walang tiyak na layunin at intensyon kaugnay sa iyong binabasa

kaswal

teknik ng pagbasa kung saan sinusuri at sinasala ang mga impormasyong iyong natatanggap

kritikal

teknik ng pagbasa kung saan ikaw ay lumilikha ng sarili mong pamantayan upang paniwalaan o hindi paniwalaan ng isang bagay na nabasa mo

kritikal

teknik ng pagbasa na tumutukoy sa pagkuha ng lahat ng detalye maliit man o malaki

komprehensibo

teknik ng pagbasa kung saan kinukuha lamang ang lahat ng mahalagang impormasyon ng isang babasahin

pribyuwing

teknik ng pagbasa kung saan isinasabuhay ng isang mababasa ang kanyang binabasa at nauunawaan niya ito nang lubos

replektib

teknik ng pagbasa na tumutulong sa mga mambabasa na maging pamilyar sa mga detalye ng binabasa tungo sa lubos na pag-unawa.

muling-basa o re-reading

teknik ng pagbasa kung saan binibigyang emphasis o highlight ang iyong binabasa.

pagtatala o notetaking

teknik ng pagbasa nakadalasang isinasagawa sa pamamagitan ng pagsalungguhit sa teksto, paglalagay ng asterisk, paggamit ng highlighter, at iba pa

pagtatala o notetaking

apat na antas ng pagbasa

1. literal na pang-unawa


2. pagbasa sa pagitan ng salita (inferential level)


3. pang-unawang kritikal


4. malikhaing antas ng pagbasa (creative level of comprehension)

ang pang-unawang ito ay ang kakayahang pansinin ang katotohanan o opinyon sa binasa

literal na pang-unawa

mahalaga ang kakayahang ito upang malaman ang pinakadiwa ng binabasa batay sa mga patunay o saliksik

literal na pang-unawa

ang kakayahang maintindihan o unawain ang kaakibat na kahulugan ng mga nakalimbag na salita

pagbasa sa pagitan ng salita o inferential level

nangangailangan ng malawak na kaalaman sa paksang binabasa upang mapagtanto at makabuo ng matatag na pananaw

pang-unawang kritikal

ang mga bagay na maaaring makatulong sa bumabasa sa larangang ito ay ang pagsasaalang-alang sa kung sino ang may akda, ang paninindigan nito, mga karanasan, at ang may kinalaman o patungkol sa may akda

pang-unawang kritikal

ang kakayahang maiugnay sa buhay ang mga binasa

malikhaing antas ng pagbasa o creative level of comprehension

sa antas na ito nagaganap ang pagbabago sa buhay o pananaw ng isang mambabasa

malikhaing antas ng pagbasa o creative level of comprehension

ito ang pinakamahalagang antas ng pagbabagong naidudulot

malikhaing antas ng pagbasa o creative level of comprehension

mga dapat tandaan tungo sa mabisang pagbasa

1. pumili ng lugar na makakaramdam ng komportabilidad


2. tiyakin na walang hadlang ang lugar na pinili


3. iwasang magbasa sa lugar na sobrang komportable


4. alamin ang oras kung saan alerto ang isipan


5. tiyakin na laging may oras sa pagbabasa. gawin itong habit kung maaari.


6. laging isaisip ang layunin kung bakit nagbabasa upang lalong tumaas ang motibasyon sa pagbasa


7. magkaroon ng barayti ng babasahin upang hindi ito kasawaan


8. ang diretsong tatlong oras na pagbasa ay mainam. subalit matapos ang tatlong oras maglaan ng dalawampung minutong break. sabi nga sa english breaking the monotony.


9. sa tuwing magbabasa iwasan ang paghawak sa susunod na pahina ng binabasa.


10. mataas ang posibilidad na kaunti lamang ang mauunawaan sa tuwing binibili sa ng pagbasa.


11. iwasang tingnan kung gaano karami ang pahin ng babasahin.


12. para sa mga magbabasa ng tahimik, iwasan ang lipping, tongue warbling, at jawing.


madalas na paglalaro ng dila sa loob ng bibig na nagdudulot ng tunog at nagsisilbing hadlang din sa mabisang pagbasa

tongue warbling

madalas na paglalaro ng panga na nagiging hadlang sa mabisang pagbasa

jawing

madalas na paggalaw ng labi nagiging hadlang sa mabisang pagbasa

lipping

paraan upang maiwasan ang lipping

maglagay ng ballpen o lapis sa pagitan ng mga labi. gawin ito isa hanggang dalawang linggo hanggang sa tuluyan itong maalis.

ano ang kailangang iwasan tuwing nagbabasa ng tahimik

lipping, tongue warbling, jawing

bakit kailangang iwasan ang paghawak at susunod na pahina ng binabasa

dahil nagbubunsod ito ng pagmamadali namageresulta sa mababang antas ng komprehensyon

bakit kailangan ng dalawampung minutong break matapos ang tatlong oras na pagbasa

dahil kailangan natin i-break ang monotony