• Shuffle
    Toggle On
    Toggle Off
  • Alphabetize
    Toggle On
    Toggle Off
  • Front First
    Toggle On
    Toggle Off
  • Both Sides
    Toggle On
    Toggle Off
  • Read
    Toggle On
    Toggle Off
Reading...
Front

Card Range To Study

through

image

Play button

image

Play button

image

Progress

1/48

Click to flip

Use LEFT and RIGHT arrow keys to navigate between flashcards;

Use UP and DOWN arrow keys to flip the card;

H to show hint;

A reads text to speech;

48 Cards in this Set

  • Front
  • Back

Maikling Kwento

Isang uri ng panitikan na bunga ng isang maikling guni-guni ng may-akda

Maikling Kwento

Ito ay maaring likhang isip lamang o batay sa sariling karanasan na nag-iiwan ng isang kakintalan sa isipan ng bumabasa o nakikinig.

Deogracias A. Rosario

Ang tinaguriang "Ama ng Maikling Kuwento"

Dagli

Tinawag din itong _______ noong panahon ng mga Amerikano.

Kuwentong Nagsasalaysay

Masaklaw, timbang na timbang ang mga bahagi, maluwag at hindi apurahan ang paglalahad.

Kuwentong Tauhan

Binibigyang-diin nito ang tauhan ng mga tauhang gumagalaw sa kuwento.

Kuwento ng Katutubong Kulay

Binibigyang diin nito ang tagpuan at kapaligiran ng isang pook. Masusing inilalarawan ang mga tao sa isang pook, pamumuhay nila, ang kanilang mga kaugalian at gawi na napapaloob sa kuwento.

Kuwentong Sikolohiko

Inilalarawang mabuti nito ang mga tauhan sa isipan ng mga mambabasa upang maipadama ang damdamin at nararanasan ng isang tao sa harap ng isang pangyayari o sitwasyon.

Kuwentong Talino

Mahusay ang pagkakabuo ng balangkas nito. Kailangang lumikha ang may akda ng makasuliraning kalagayan upang mamahay sa pag-aalinlangan hanggang ang takdang oras ay sumapit ng paglalahad ng kalutasan.

Kuwento ng Katatawanan

Ang takbo ng pangyayari aymay kabagalan atmay mangilan-ngilang paglihis sa balangkas at galaw ng mga pangyayari.

Kuwento ng Katatakutan

Pinupukaw nito ang kawilihan ng mambabasa sa halip na angkilos sa kuwento. Binibigyang-diin ang mga simulaing kaisahan atbias.

Kuwento ng Kababalaghan

Binibigyang-diin nito ang mga bagay na kapana-panabik, hindi kapani-paniwala at salungat sa hustongbait, kaisipan at karanasan ng tao. Kataka-takaang mga pangyayari subalit magbibigay ito ng kasiyahan sa mambabasa.

Kuwento ng Madulang Pangyayari

Ang mga pangyayari ay kapansin-pansin, lubhang mahalaga, nagbunga ng isang bigla at kakaibang pagbabago sa kapalaran ng mga tauhan.

Kuwento ng Pakikipagsapalarang Maromansa

Nasa balangkas ang kawilihan sa halip na sa mga tauhan ang kawilihan, sa mga kawil ng mga pangyayari ang siyang bumabalot sa pangunahing tauhan.

1. Panimula


2. Saglit na Kasiglahan


3. Suliranin


4. Kasukdulan


5. Kakalasan o Wakas

Ibigay ang mga Elemento ng Maikling Kwento

Panimula

Inilalahad dito ang tagpuan upang ipakilala ang mga tauhan, pook at panahon ng kuwento sa mambabasa

Saglit na Kasiglahan

Naglalarawan ng pasimula tungo sa suliraning inihahanap ng lunas.

Suliranin

Ang mga suliranin ay kinakailangang magkakaugnay mula sa simula hanggang sa paglalapat ng mga karampatang lunas sa bawat suliranin.

Kasukdulan

Ang bahaging kinapapalooban ng pinakamasidhing pananabik dahil sa takbo ng mga pangyayari.

Kakalasan o Wakas

Dito binibigyan ng pagkakataon ang mga mambabasa na tapusin ang kuwento at magkakaroon ng pagkakataon na gamitin ang kanyang pag-iisip.

Tema

Ito ang pangkalahatang kaisipang nais palutangin ng may-akda sa isang maikling kuwento. At ang kaisipang ito ang binibigyan ng layang maikintal sa isipang ng mga mambabasa.

1. Simula


2. Gitna


3. Wakas

Ibigay ang mga Bahagi ng Maikling Kwento

Simula

Ang bahagi ng suliranin ang siyang kababasahan ng problemang haharapin ng pangunahing tauhan.

Gitna

Ito ay binubuo ng Saglit na Kasiglahan, Tunggalian, at Kasukdulan.

Wakas

Ang bahaging io ng Maikling Kuwento ay binubuo ng kakalasan at katapusan.

Nobela

Ang uri ng prosa na binubuo ng mga kawil ng mga pangyayari; nahahati sa mga kabanata; sumasakop sa mahabang panahon ang daloy ng kwento at maraming tauhang gumaganap.

Maikling Kwento

Ang layunin nito ay magsalaysay ng mahahalagang pangyayari tungkol sa pangunahing tauhan. Mas kaunti ang tauhan ng akda at maikling panahon ang sinasakop kung ikukumpara sa nobela.

Kwentong Bayan

Mga akdang nagpasalin-salin sa bibig ng mga mamamayan.

1. Alamat
2. Mito
3. Pabula

Ibigay ang mga Uri ng Kwentong Bayan

Anekdota

Isang mahalagang pangyayari/karanasan sa buhay ng isang kilalang tao.

Talambuhay

Kasaysayan o mga pangyayari sa buhay ng isang tao.

1. Pansarili (Autobiography)
2. Talambuhay ng ibang tao (Biography)

Ibigay ang Dalawang Uri ng Talambuhay

Balita

Mga pangyayaring kasalukuyang nagaganap sa loob at labas ng bansa.

Editoryal o Pangulong Tudling

Opinyon ng patnugot ng isang babasahin hinggil sa isang pinakamainit na isyu ng mga balita.

Dula

Ang layunin nito ay itanghal sa pamamagitan ng galaw, kilos at mga pananalita na ninanais ipaabot ng manunulat.

Hulwaran ng Organisasyon

Ang layunin ng paggamit nito ay para mas lalo pang magkaroon ng kahalagaan ang anumang tekstong binabasa o sinusulat.

Pagbibigay ng Definisyon

Ito ay isang uri ng diskursong ekspositori na napakadalas gamitin sa pagpapahayag. Kalimitan, ang paghahanap nito ay naibibigay ng diskyunaryo at tesauro.Naibibigay ito sa pamamagitan ng pormal at di-pormal na pahayag.

1. Pananalita
2. Kaurian


3. Kaibahan

Ibigay ang tatlong bagay na dapat isaalang-alang sa pagbibigay ng definisyon.

Pag-iisa-isa o Enumerasyon

Ito ay isang mabisang paraan upang matandaan ang mga paraan o hakbang sa pagsasagawa ng mga bagay ng hinihinging pagkakataon.

Pag-iisa-isa o Enumerasyon

Kailangang malinaw na isinaayos ang mga detalye ayon sa bahagi – isa, dalawa, tatlo, o kaya ay mga hakbang o mga bagay na tinutukoy.

Pagsusunod-sunod

Napakahalagang pagkakaroon nang maayos na pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa ating pagsasalaysay upang hindi malito ang mga nakikinig sa atin.

Pagsusunod-sunod

Inaayos ang detalye ayon sa pagkasunod-sunod mula una hanggang huli. Isang kronolohikal na pagtatalakay sa detalyeng pangyayari o karanasan.

Paghahambing at Kontrast

Sa pakikisalamuha sa ating kapwa sa araw-araw, hindi maiiwasan ang maglahad ng pagkakatulad at pagkakaiba ng mga katangian ng mga tao, bagay, pook, o mga pangyayari.

Paghahambing at Kontrast

Ito ay ginagamit sa pagpapahayag ng kahigitan o kalamangan ng isang bagay sa iba pang katulad o kauri nito.

Pang-uri at Pang-abay

_________ at _________ ang karaniwang ginagamit na salita upang higit na mapalutang ang gagawing paghahambing at pagkokontrast.

Problema at Solusyon

Sa ating pagbabasa ng mga akdang pampanitikan, kapansin-pansin ang kuwentong umiinog sa nakatalagang problema na bibigyang kalutasan ng mga tauhang gumaganap dito.

Problema at Solusyon

Tinatalakay ang suliranin upang makuha ang ugat at mabigyan ng alternatibong solusyon na maaaring makagamot sa suliraning isinisiwalat.

Sanhi at Bunga

Kalimitan, ang dahilan ay nagdudulot ng higit sa isang kinalabasan. Sa pagbibigay ng mga ito ng mga pangyayari, kalimitang ginagamit ang mga katagang kaya, dahil, dahil sa, nang, buhat, magkagayon, at iba pa.