Use LEFT and RIGHT arrow keys to navigate between flashcards;
Use UP and DOWN arrow keys to flip the card;
H to show hint;
A reads text to speech;
51 Cards in this Set
- Front
- Back
Ito ay nangangahulugang pagsasama-sama ng maanyong salita sa mga taludtod na may sukat o bilang ng mga pantig at pagtutugma ng mga salita. |
Tula o Patula |
|
Sino ang nagsabi na ang panitikan ay talaan ng buhay |
Arrogante |
|
Bakit masasabi na ang panitikan ay talaan ng buhay |
sapagkat dito nailalahad ng tao ang kanilang kaisipan at damdamin |
|
Sino-sino ang nagsabi na ang panitikan naman ay kabuoan ng mga karanasan ng isang bansa, mga kaugalian, paniniwala,pamahiin, kaisipan at pangarap ng isnag lahi na ipinahahayag sa mga piling salita, sa isang maganda at makasining na paraan, nakasulat man o hindi. |
Paz Nicasio at Federico Sebastian |
|
Magbigay ng mga anyo ng panitikan |
Tula, Balagtasan, Sanaysay, Sarsuwela, at Maikling Kwento |
|
Bakit mahalaga ang panitikan |
Sapagkat dito nailalabas ng mga manunulat ang kanilang pagharaya sa bansa |
|
Ano ang kahulugan ng pagharaya |
Imahenasyon |
|
Sino ang gumawa ng Tulang "Kabayanihan" |
Lope K. Santos |
|
Sino ang gumawa ng balagtasang "bulaklak ng lahing kalinis-linisan" |
Jose Corazon de Jesus |
|
Sino ang gumawa ng Sarswelang "Walang Sugat" |
Severino Reyes |
|
Sino ang gumawa ng salaysay na "Miliminas: Taong 0069" |
Nilo Par Pamonag |
|
Sino ang nagsalin ng salaysay na "Miliminas: Taong 0069" sa Filipino mula sa Hiligaynon |
Ruby V. Gamboa-Alcantara |
|
Sino ang gumawa ng kwentong "Walang Panginoon" |
Deogracia A. Rosario |
|
Ito ay bahagi ng pananalita na nagsasaad ng kilos o gawa, ito ay may apat na aspekto. |
Pandiwa |
|
Ito ay nagbibigay ng turing sa isang pangngalan o panghalip. Ito ay nagsasalarawan sa mga tao, mga lugar, o mga bagay. |
Pang-uri |
|
Ito ay salita na tumutukoy sa ngalan ng tao, bagay, pook, hayop, at pangyayari |
Pangngalan |
|
Ito ay salitang humahalili o pamalit sa ngalan o pangngalan. |
Panghalip o Halipinama |
|
Ang salitang panghalip ay nangangahulugang |
"Panghalili" o "pamalit" |
|
Napakahalagang sangkap sa isang tula ang talinghaga (tayutay) sapagkat ito ang utak ng pagkilala ng disiplinang pumapatnubay sa haraya at sa pagpili ng salita habang isinasagawa ng tula. Sino ang nagsabi nito? |
Virgilio Almario |
|
Sino ang nagsabi na ang talinghaga o tayutay ay ayon sa tahas o nagtatagong kahulugan ng tula |
Suarez-Buensucesi |
|
Sino ang nagpapatibay na ang talinghaga o tayutay ay may kahulugan na higit na malalim sa literal na ipinapahayag |
Peres-Semorlan |
|
Ito ay ang sinadyang paglayo sa karaniwang paggamit ng mga salita. |
Tayutay |
|
Ano ang naitulong ng paggamit ng tayutay sa tula? |
Nagiging kaakit-akit at malikhain sa pagpapahayag ng damdamin |
|
Sino ang nagsabi na ang Tayutay ay lumilikha ng mga larawan o imahen at umaakit sa mga pandama? |
Resema-Semorlan |
|
simpleng paghambing ng dalawang bagay na magkaiba o magkatulad ang katangian, ginagamitan ng mga salita tulad ng: parang, kawangis, anaki, gaya/kagaya atbp. |
Simili |
|
Ginagamitan ng tuwirang paghahambing, kaya hindi ginagamit ang mga katagang gaya ng nabanggit sa simili |
Pagtutulad/Metapora |
|
Inililipat o ikinakapit ang katangian ng isang tao sa mga bagay na walang buhay, tinuturing tao ang isang bagay. |
Pagsasatao/Personipikasyon |
|
Pagsosobra sa normal na pagpapahayag upang bigyan-diin ang mensahe, paglalagay ng kulang sa tunay nansitwasyon. |
Pagmamalabis o Ekseherasyon |
|
Damdaming pagtawag sa gitna ng pangkaraniwang salaysay na wari'y kaharap lamang ang kausap |
Apostropi o panawagan |
|
Isang bahagi bilang katapat ng kabuoan. Maari ding kabuoan ng bagay-bagay ang itinatapat sa isang bahagi |
Metonimi o pagpapalit-saklaw |
|
Pangungutya sa tao, bagay, o pangyayari. Pumupuri sa simulangunit lilitaw ang pamimintas sa huli |
Pag-uyam o Irony |
|
Historikal, biblikal, o literaru na katauhan, pangyayari, o bagay |
Alusyon |
|
Paguulit ng magkaparehong tunog na nagsisimula sa magkasunod na ibang salita |
Aliterasyon |
|
Paguulit ng salita o parirala sa simula ng sunod sunod na parirala, sugnay o mga taludtod |
Anapora |
|
Tama o mali: Si Francisco "Balagtas" Baltazar ang gumawa ng Balagtasan |
Mali |
|
Sino ang Prinsipe ng Makatang Tagalog |
Francisco Baltazar |
|
Sino ang naging estudyante ni Francisco Baltazar |
Jose Corazon De Jesus at si Florentino Collantes |
|
Kailan sumulpot ang Balagtasan |
Animnapu't dalawang taon mula ng pagkamatay sa bisa ng naganap sa pagpupulong noong Marso 1924 sa may Tayuman, Maynila |
|
Sino sino ang nagpulongpulong na ang isang uri ng pagtatalong patula aybtatawaging balagtasan bilang makabagong duplo |
Lope K. Santos, Jose N. Sevilla, Teodor Gener, at Patricio Mariano |
|
Bakit tinawag na balagtasan ang balagtasan |
bilang parangal sa kaarawan ni Balagtas |
|
Sino ang isa sa naunang nag-bigay pansin kay Balagtas |
Kerminigildo Cruz |
|
Saan nagbigay pansin kay Balagtas si Kerminigildo Cruz |
Sa kaniyang "Kung sino ang kumathanng Florante" 1906 |
|
Ito ay isang metaporang paghibik ng isang bayang may sawing palad |
Florante |
|
Tama o Mali: ang bawat nilalang ay may kani-kaniyang opinyon at pahayag sa isnag ideya na dapat igalang o irespeto. |
Tama |
|
Ito ay nagpapakita lamang ng saloobin at damdamin ng isang tao. Nagkakaiba ito batay sa pinagmulan ng impormasyon at ang katotohanan ay hindi pa ganap at nasusuri |
Opinyon |
|
Ito ay ang mga pagpapahayag na nagpapakita ng mga ebidensya na susuporta sa isang pahayag. Naglalaman ng mga impormasyon na bibihirang mabago at kadalasan ay may kaakibat na datos. |
Katotohanan |
|
Magbigay ng mga pariralang nagpapahayag ng opinyon |
Sa aking palagay, sa nakikita ko, sa pakiwari ko, kung ako ang tatanungin, para sa akin, sa ganang akin, sa aking opinyon atbp. |
|
Magbigay ng pariralang nagpapahayag ng katotohanan |
batay sa, resulta ng, pinatutunayan ng/ni, sang-ayon sa, mula kay, tinutukoy na, mababasa sa, atbp. |
|
Pagtanggap sa pahayag o pakikiisa sa ideya nito. Ilan sa pariralang maaring gamitin ay: bilib ako sa iyong sinabi na, ganoon nga, kaisa mo ako sa bahaging iyan, maasahan mo ako, iyan din ang palagay ko |
Pagsang-ayon |
|
Ito ay pahayag na nangangahulugang pagtanggi, pagtaliwas, pagtutol, o pagkontra sa isang pahayag o ideya. Ang mga salitang maaring gamitin ay: ikinalulungkot ko subalit, hindi ako sumasang-ayon sa pahayag na, hindi katanggap-tanggap ang itinuran na |
Pagsalungat |
|
Sino ang naglinaw na hindi si Balagtas ang gumawa ng Balagtasan bagkus ay hinango lang sa pangalan ni Balagtas ang panitikang Balagtasan sa kanilang "Balagtasan: Kasaysayan at Antolohiya" |
G. Michael Coroza at si Zafra Galileo |