• Shuffle
    Toggle On
    Toggle Off
  • Alphabetize
    Toggle On
    Toggle Off
  • Front First
    Toggle On
    Toggle Off
  • Both Sides
    Toggle On
    Toggle Off
  • Read
    Toggle On
    Toggle Off
Reading...
Front

Card Range To Study

through

image

Play button

image

Play button

image

Progress

1/22

Click to flip

Use LEFT and RIGHT arrow keys to navigate between flashcards;

Use UP and DOWN arrow keys to flip the card;

H to show hint;

A reads text to speech;

22 Cards in this Set

  • Front
  • Back

" Ang wika ang pangunahin at pinakaelaboreyt na anyong simbolikong gawaing pantao ". Ano ang tinutukoy na simbulo na binanggit naunang pahayag?


titik o letra na kumakatawan sa isang pahayag

Ang pagkatuto ng wika ay nagsimula sa pagkilala sa tunog, pagbuo ng salita hanggang sa maggamit ito sa pagpapaahayag. Anong katangian ng wika maiugnay ang sitwasyong inilahad?

Masistemang balangkas

Ang isang taong walang kaugnayan sa komunidad ay hindi matutong magsalita sa wikang sinasalita ng mga taong nakatira doon sapagkat ang esensya ng wika ay panlipunan. Ang pahayag na ito ay isang katotohanan o haka-haka?

Katotohanan

Ang mga negosyante ay may mga tiyak na wikang ginagamit sa larangan ng negosyo na maiintindihan at mauunawaan din ng mga kapwa negosyante. Anong katangian ng wika maiugnay ang sitwasyong ibinigay?

Arbitraryo

Sa Pilipinas, ang katumbas ng "ice" ay yelo ngunit sa ibang bansa ito ay katumbas ng "snow", "ice berg", at "glacier". Anong katangian ng wika ang ipinakita?

Nakabatay sa kultura

Pansinin ang pahayag na ito: " Kung ano ang bigkas ay siyang baybay at kung ano ang basa ay siyang sulat".Ang pahayag na ito ay nabibilang sa anong katangian ng wika ?

Ang wika ay tinatangi

Sa anong katangian ng wika maiugnay ang mga terminong ito: mega pixel, pro max, Intel HD graphics, at specs

ang wika ay kasama sa pagsulong ng teknolohiya

Nag trending sa facebook ang post ng isang babae na kung saan hindi siya binayaran ng buo sa inorder na lechon package. Nagalit at nadismaya ang naturang babae sa inasal ng customer kung kaya ay na post niya ang naturang video at comments. Sa anong gamit ng wika maiugnay ang sitwasyong inilahad?

tapagsiwalat ng damdamin

Ang wika ay nagsisilbing lalagyang o imbakan. Ito ay nangangahulugan na?



a. Ang wika ay repository ng kaalaman


b. Ang mga nagdaang pangyayari at ang mga tuklas na kaalaman ay napreserba.


c. a at b d. Wala sa nabanggit

C.

Dito mababasa ang Tore ng Babel kung saan dito ibinatay ang pagkakaroon ng iba’t ibang wika sa buong mundo

Genesis 11:1-9

“Ang wika ay ginagamit”. Ito’y nangangahulugan na?




A. Ang wika ay kasangkapan sa komunikasyon.



B. Ang wika ang sandata sa pagkakaisa.



C. Ang wika ay behikulo upang maunawaan at maintindihan.



D. Lahat ng nabanggit

D.

Kinausap ni Tonya ang kanyang ina nang pabalbal kaya nasapak siya nito. Anong katangian ng wika ang hindi isinaalang-alang?

Pinipili at Isinasaayos

Nahulugan ng martilyo ang paa ni Andoy kaya napasigaw siya ng“araaaay!”. Sa anong teorya ng wika maiugnay ang sitwasyon ibinigay?

Pooh-pooh

Sa palabas na Bagani, palaging bukambibig ng isang tauhan ang "Mekeni, mekini, dugdog doremi" sa tuwing siyay nag-oorasyon. Sa anong teorya ng wika ito maaaring maiugnay?

Ta-ra-ra-boom-de-ay

Ang pagtahol ng aso ay parati nating naririnig lalo na tuwing gabi. Ang tunog na nalilikha sa naturang pagtahol ay isa sa pinagbabatayan ng pinagmulan ng wika ayon sa teoryang?

Bow-wow

Arbitraryo ang isang wika kapag?a. Ang wika ay napagkasunduan ng isang partikular na pangkat.


b. May kaisahan sa paggamit ng wika.


c. May kakanyahan sa paggamit ng wika


d. a at b



e. a, b at c.

D.

Ang alituntuning panggramatika ng isang wika ay hindi maaaring gamitin o e-apply sa iba pang wika sapagkat?

Ang bawat wika ay natatangi.

Ang pagbabaliktad, pagkakaltas, at pagdaragdag ng isang wika ay nakakalikha ng bagong termino o bokabularyo kagaya ng lodi, werpa, erpats, at yosi. Anong katangian ng wika ito?




a. Ang wika ay dinamiko


b. Ang wika ay nagbabago


c. Ang wika ay hindi stagnant


d. Lahat ng nabanggit


e. Wala sa nabanggit

D.

Lahat ng wika sa daigdig ay sistematikong nakaayos sa isang tiyak na balangkas. Ito ay may kaugnayan sa pahayag ni?

Henry Gleason

Ang wika ay binubuo ng tunog.


a. Ligwak


b. Tama


c. Malid. wala sa nabanggit

B

Ang teoryang Dingdong ay tumutukoy sa mga tunog sa paligid na may kinalaman ang tao. May narinig kang biglaang pagsara ng pinto kahit wala namang tao. Ibig sabihin kusang nagsara ang pinto dala marahil ng hangin. Batay sa sitwasyong ibinigay, ito ba ay maiuugnay pa rin sa teoryang yoheho?



a .Oo, sapagkat ang pinto ay gawa ng tao.



b. Hindi, sapagkat walang pwersa ng tao


c. Oo, sapagkat kusa siya nagsara


d. Hindi, sapagkat kusa siyang nagsara bugso ng hangin.

D

Ano ang pangunahing gamit ng wika?


ginagamit sa komunikasyon