• Shuffle
    Toggle On
    Toggle Off
  • Alphabetize
    Toggle On
    Toggle Off
  • Front First
    Toggle On
    Toggle Off
  • Both Sides
    Toggle On
    Toggle Off
  • Read
    Toggle On
    Toggle Off
Reading...
Front

Card Range To Study

through

image

Play button

image

Play button

image

Progress

1/7

Click to flip

Use LEFT and RIGHT arrow keys to navigate between flashcards;

Use UP and DOWN arrow keys to flip the card;

H to show hint;

A reads text to speech;

7 Cards in this Set

  • Front
  • Back

ay sulating naglalaman ng pinaninindigang pananaw hinggil sa isang tiyak na mahalagang isyung may kinalaman sa iba’t ibang larangan—akademya, panlipunan, ekonomiya, politika, at iba pa—na nakabatay sa may pananaliksik na mga katwiran at ebidensiya.

posisyong papel

LAYUNIN NG POSISYONG PAPEL

• Makapagpahayag ng paniniwala, pananaw, mungkahi, o matalinong kuru-kurong ibinunga ng masikap na pag-aaral ng mga konsepto at kaugnay na impormasyon hinggil sa paksa.


• Makapagmulat ng mga mambabasa sa pamamagitan ng mga inihaing argumento hinggil sa isang napapanahong isyung may pangkalahatang saklaw kung tutuusin.


• Makahikayat ng tao, pangkat, o komunidad na magsagawa ng mga partikular at tiyak na hakbang kaugnay ng isang isyu.


• Makapagpaunawa o makapagpalaganap ng mga salaysay ng paliwanag ng pinaninindigang pananaw ng isang tao o pangkat kaugnay sa isang paksa o isyu.


• Makakalap ang tagapagpahayag ng suporta mula sa mga target nitong mambabasa.

GAMIT NG POSISYONG PAPEL

• Pormal na naratibo o talastas, sa anyong pasulat upang magbigay-linaw hinggil sa isang isyu


• Diplomatikong paglalahad ng mga ideya— mula sa mga taong sangkot o may pagpapahalaga sa usaping isinasaad ng posisyong papel


• Sandatang salaysay ng isang pangkat upang makapagpaliwanag, makapaglinaw, o makausig ng kinauukulan sa paraang hindi marahas ngunit matalas


• Katipunan ng mga pagpapahalaga, salaysay, mungkahi, kuro-kuro, at/o pananaw hinggil sa isang tiyak na isyu, nang may respeto, dignidad, at paninindigan upang maging isang huwarang paraan ng pagpapabatid ng opinyon

KATANGIAN NG POSISYONG PAPEL

• Tiyak ang isyu, • Malinaw ang posisyon, • May mapangumbinsing argumento, • May angkop na tono

MGA DAPAT ISAALANG-ALANG SA PAGSULAT

• Pagpili ng paksa batay sa sariling interes


• Paunang pananaliksik


• Paghamon sa napiling pananaw o posisyong


paninindigan


• Pangongolekta ng pansuportang katibayan


• Pagbabalangkas ng isusulat na sulatin


MGA HAKBANG SA PAGSULAT NG POSISYONG PAPEL

1. Pumili ng paksa.


2. Itakda ang posisyong paninindigan kaugnay


ng paksa.


3. Magsagawa ng panimulang pananaliksik.


4. Hamunin ang sariling posisyon sa isyu.


5. Ipagpatuloy ang pananaliksik.


6. Gumawa ng balangkas.


7. Isulat nang aktuwal ang posisyong papel.


8. Isaayos ang unang burador para sa pinal na


kopya.

Mahahalagang sangkap sa pagsulat ng isang posisyong papel ang paksa o isyu, posisyong pinaninindigan, mga argumento, mga suportang ideya, at mga kaukulang katibayan.

Mahahalagang sangkap sa pagsulat ng isang posisyong papel ang paksa o isyu, posisyong pinaninindigan, mga argumento, mga suportang ideya, at mga kaukulang katibayan.