Lokal na Literatura
Ang tema ng Pagsanjan Bangkero Festival ngayong taon ay "Pagsanjan Falls! Kalikasang Totoo...Sikat sa Buong Mundo!" kung saan nagtataguyod ito ng lokal ng turismo at pangangalaga sa ating kalikasan. Ang pagdiriwang ay maraming iba't ibang aktibidades tulad ng takbuhan, karera ng mga bangka, parada sa lupa at sa himpapawid, paligsahan ng mga drum at lyre band, at iba pang pangmalakasan at mga espesyal na pangyayari upang maging mas kapanapanabik ang celebrasyon.
Magkakaroon din ng "Lakan at Binibining Pagsanjan", "Ginoong Bangkero 2001" at ang Inter - School Videoke Challenge upang magkaroon ng pagkakataon ang mga lokal na taong maipakita ang kanilang talento sa publiko.
Ang mga highlight ng celebrasyon at magaganap sa Marso 18. Ang sikat na paligsahan sa paradang pang - himpapawid sa Ilog ng Pagsanjan ay gaganapin din sa araw na iyon. Hindi lang iyon, ang kapanapanabik na dance competition at ang huling laban ng karera ng mga bangka ay naka-takda ding ganapin sa araw na